Maggie Wilson reveals “further legal cases” filed against her by estranged husband Victor Consunji

by Arniel C. Serato
Aug 19, 2022
Maggie Wilson says "further legal cases" filed against her
Maggie Wilson (left) says more complaints have been filed against her by estranged husband Victor Consunji (center) after adultery case with business partner Tim Connor (right) prospered in court.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Mukhang lalong bumibigat ang kalbaryong pinapasan ni Maggie Wilson dahil may iba pang reklamong isinampa laban sa kanya ang estranged husband na si Victor Consunji.

Ito ay ayon mismo kay Maggie.

Sa kanyang Instagram Story kagabi, August 18, 2022, nagpasalamat siya sa mga taong naghayag at nagpadama ng suporta sa kanya.

Ayon sa dating beauty queen-actress, sobrang nakakawindang ang lumipas na anim na linggo para sa kanya.

Mensahe ni Maggie, “Hey everyone. I wanted to extend my sincerest gratitude to all of you who have sent me messages of love and support.

“It's been an extremely exhausting six weeks on my emotional and mental well-being as further legal cases have been filed against me over the weekend while he was busy #livinghisbestlife that again have no grounds."

Hindi siya nagbigay ng anumang detalye kung anu-anong reklamo ang isinampa laban sa kanya ni Victor.

Pero nanindigan siyang wala itong basehan at katotohanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipagpapatuloy rin daw niya ang kanyang laban kung anmang katotohanan meron siya para sa sarili at sa lahat ng babae at batang Pilipino habang buhay pa siya.

Dagdag niya, "Still, I am fighting and will continue to do so with everything I've got for myself and, more importantly, Filipino women and children.

“Until I am in the ground, six feet under, I will make it a personal mission to pursue these causes for a country I hold so dear to my heart.”

Maggie Wilson says

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nauna na siyang sinampahan ng adultery ni Victor noong June 30, 2022 sa Taguig Prosecutor’s Office.

Read: Maggie Wilson, Tim Connor sinampahan ng kasong adultery ni Victor Consunji

Dawit sa kaso ang inuugnay sa kanyang Thai-British businessman na si Tim Jayankura Na Ayudha, na kilala rin bilang Tim Connor.

Mariin itong pinabulaanan ni Tim at tinawag na basura ang kaso.

Read: Tim Connor reacts to "rubbish accusations" against him and Maggie Wilson

Tinawag din ni Tim ang maraming Pilipino na tsismoso dahil kung kasama raw ang pagtsitsismis sa international sport, malamang laging panalo ang Pilipinas.

Read: Tim Connor rebukes Filipino rumormongers

Samantala, sabay namang nag-upload ng larawang may kaparehong backgound sa Instagram sina Maggie at Tim kahapon.

Sabi ni Maggie sa caption ng kanyang post, “It’s not what you look at that matters, it’s what you see..”

Caption naman ni Tim sa kanyang post, “Sometimes women do it better... [face with rolling eyes emoji]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May isa namang netizen na pinagtabi ang larawan nilang dalawa.

Caption ng netizen: “Ok, I’m done. BYE. [fire emoji]”

Naka-tag ito kina Maggie at Tim.

Komento lang ni Tim: “HAHAHA!’

Maggie Wilson says

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maggie Wilson (left) says more complaints have been filed against her by estranged husband Victor Consunji (center) after adultery case with business partner Tim Connor (right) prospered in court.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results