Watch Now

Lyca Gairanod speaks up on viral "tigre" answer on Family Feud; apologizes to President Marcos Jr.

by Khryzztine Joy Baylon
Aug 20, 2022
Lyca Garainod
Lyca Gairanod: "Actually, guys, hindi ko siya tinutugma sa Presidente natin and siyempre wala naman kaming karanasan [sa martial law] o whatever. Ang hirap sumagot nang biglaan kasi ng mayroon lang kayong three seconds."

Nilinaw ni Lyca Gairanod sa publiko na wala siyang pinapatamaan sa naging sagot niya sa isang tanong sa Family Feud.

Noong August 15, 2022, nagsimulang mag-viral si Lyca nang mag-guest siya sa Kapuso game show. Nakalaban ng kanyang pamilya ang pamilya ng comedian na si Dagul.

Tanong sa kanya ng host na si Dingdong Dantes: “Sa anong hayop inihahalintulad ang corrupt na politiko?”

Sagot ni Lyca: “Tigre.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maraming netizens ang nag-reshare ng video clip ng pagsagot ni Lyca at hinaluan ng politika.

May mga natuwa sa naging sagot ni Lyca, at ang iba naman ay binatikos ang singer.

Nitong nakaraang May 2022 elections, binansagang “Tigre ng Norte” si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng UniTeam, kung saan isa si Lyca sa mga supporter at performer sa campaign rallies.

Sa pamamagitan ng Facebook Live noong Agosto 18, 2022, nilinaw at ipinaliwanag ni Lyca ang kanyang naging sagot.

Ayon sa 17-year-old singer, hindi si Pangulong Marcos Jr. ang tinutukoy o pinatatamaan niya sa kanyang sagot.

Pahayag niya, “Clear ko lang yung about sa video na kumakalat nung [August] 15, nakikita ko siya sa Twitter.

"Actually, guys, hindi ko siya tinutugma sa Presidente natin and siyempre wala naman kaming karanasan [sa martial law] o whatever.”

Ayon kay Lyca, naintindihan naman niya ang itinanong sa kanya ni Dingdong, ngunit dala ng kaba at pagkabigla ay nablangko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang hirap sumagot nang biglaan kasi ng mayroon lang kayong three seconds.

"Sila Kuya Dagul ang unang sumagot, so wala na kaming choice, nakuha na nila yung sagot na gusto rin naming isagot."

"Buwaya" ang karaniwang hayop na ikinukumpara sa mga korap na politiko.

Sabi pa ni Lyca, hindi niya mapipigilan ang ibang tao na magbigay ng opinyon tungkol sa nangyari.

“Natatawa nga ako sa mga gumagawa ng about sa ganun [isyu]. Wala kaming magagawa.

"Pero kasi… ginagawa nilang personal or yung iba hindi maka-move on.

“Pero, at least, yung presidente natin, nakaupo na.”

Bagamat wala siyang kamalay-malay na magiging kontrobersiyal ang kanyang sagot, humingi na rin ng paumanhin si Lyca sa lahat ng na-offend o nadamay, partikular na si Pangulong Marcos Jr.

Mensahe niya sa Pangulo: “I’m sorry po pero hindi po kayo yung tinutukoy ko. Mahal na mahal po namin kayo. Kini-clear po namin yun."

Dagdag pa niya, “Talagang nabigla lang po kami sa sagot namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lyca Gairanod: "Actually, guys, hindi ko siya tinutugma sa Presidente natin and siyempre wala naman kaming karanasan [sa martial law] o whatever. Ang hirap sumagot nang biglaan kasi ng mayroon lang kayong three seconds."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results