Nagpasalamat ang singer-vlogger na si Donnalyn Bartolome kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen matapos nitong burahin ang kanyang tweet tungkol sa isang “lavish kanto-themed” birthday party.
Read: Donnalyn Bartolome marks 28th birthday with kanto-themed party
Sa Facebook ngayong Linggo, August 21, 2022, sinabi ni Donnalyn na pakiramdam niya ay niregaluhan siya ng katahimikan sa pangyayari.
Isang magandang halimbawa raw ito na ang isang may mataas na posisyon sa gobyerno ay hindi nag-aatubiling bawiin ang kanyang naging kritisismo sa isang tao.
Kaya naman nanawagan si Donnalyn sa kanyang followers na huwag nang i-bash ang mahistrado.
Saad ni Donnalyn, “Today I was given the gift of peace. [white heart emoji] Supreme Court Justice Marvic Leonen deleted his tweet regarding my Kanto celebration and I appreciate it, please stop spreading hate against the man.
“It takes a big, kind-hearted person especially in his position, to take back or retract something he said because of the power they hold.
“I’m not very proud of my reaction either. I’m open to criticisms with regards to me as an artist, I guess just not my personal experiences in life like my kanto celebrating history.
“Thank you SC Justice Marvic Leonen. You have my respect, Sir.
“Wishing everyone peace today and the rest of our tomorrows.
“Don’t let the world change your heart, let your heart change the world [white heart emoji]”
August 17, nag-tweet si Justice Leonen tungkol sa viral birthday celebration ng hindi niya pinangalanang tao.
Pero malinaw na si Donnalyn ang kanyang pinatatamaan dahil ang kanyang kanto-themed birthday party ang laman sa social media.
Sabi ng Mahistrado, “Mahistrado: “Instead of pretending to be poor through a lavish kanto themed party, why not understand what it is to be poor and find ways and means to assist.
“To be poor is not something to celebrate by the rich.
“It is insensitive.
“Just saying.”
Nakarating ito kay Donnalyn kaya noong August 18, tinawag niya ang pansin ng SC justice.
Diretsong binanatan niya si Leonen at sinabihan pang unprofessional.
Wala raw ba siyang karapatan na alalahanin ang mga dating nakasanayan niya?
Sabi niya sa kanyang tweet, “@marvicleonen That Kanto Birthday party is my history! How unprofessional of you to not gather enough facts before judging.
“You are a Supreme Court Justice Associate, Sir! I provided proof even sa vlog na dati pa akong ganun so sino kayo para pagbawalan ako sa dati kong gawi?”
Kinabukasan, August 19, wala na sa Twitter timeline ng Mahistrado ang kanyang tweet.
Pinag-usapan ng netizens ang kanto-themed party ni Donnalyn dahil “poverty porn” daw ang dating nito para sa karamihan.
Na mariin naman niyang tinutulan dahil gusto daw niyang balikan ang mga kaganapan sa kanyang buhay noong walang-wala pa siya.
Read: Donnalyn Bartolome refuses to apologize for kanto-themed party; shows proof of life’s struggles