Watch Now

Raffa Castro finally admits she got pregnant; shows maternity photo

by Arniel C. Serato
Aug 22, 2022
Raffa Castro finally admits she got pregnant
Claire Castro (not in photo) warns sister Raffa Castro (left) to prepare for bashers after posting her maternity photo four months after giving birth to her baby son with Joaquin Domagoso (right).
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Sa wakas ay umamin na si Raffa Castro na nagbuntis nga siya.

Hindi man niya sinabi kung sino ang ama ng kanyang ipinagbuntis, hayag na sa apat na sulok ng showbiz na ito ay walang iba kundi si Joaquin Domagoso.

Si Raffa ay anak ng broadcaster na si Diego Castro at kapatid ng Kapuso actress na si Claire Castro.

Si Joaquin ay isang contract star ng GMA Network at panganay na anak ni dating Manila Mayor Isko Moreno.

Sa Instagram ngayong hapon ng Lunes, August 22, 2022, hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Raffa at ibinahagi ang kanyang maternity photo shoot may apat na buwan na ang nakararaan.

Sabi niya sa caption: "Cant believe this was 4 months ago [blue heart emoji] and that the love of my life was inside my stomach [crying face emoji]"

View this post on Instagram

A post shared by Raffa Castro (@elluhh.bear)

Marami namang nagpaabot ng congratulatory messages sa post ni Raffa.

Pero may babala sa kanya ang kapatid na si Claire Castro: "Prepare for the miserable bashers [laughing, fire emojis]"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugon lang dito ni Raffa ay isang crying emoji.

Raffa Castro admits pregnancy

Nananatiling tikom ang bibig nina Raffa at Joaquin matapos pumutok ang balitang mayroon na silang anak.

Ayon sa report ng Cabinet Files sa Philippine Entertainment Portal (PEP.Ph) noong June 27, isinilang ni Raffa ang anak nila ni Joaquin sa FEU Medical Center, sa Quezon City, noong April 28, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinangalanan nila itong Scott Angelo Domagoso, sunod sa Scott na dating palayaw ng ama ni Joaquin na si isko.

Read: Joaquin Domagoso, may two-month-old son na sa kapatid ni Claire Castro

Natuldukan ang usap-usapan nang umamin na mismo ang ama ni Joaquin na si former Manila Mayor Isko na isa na siyang lolo.

Sa panayam kay Isko ng Modern Parenting na lumabas noong July 25, 2022, ang dating alkalde na mismo ang nagbigay-linaw ukol sa isyu.

Blessing daw sa kanya ang apo na isinilang ni Raffa, ang girlfriend ni Joaquin, nitong nakaraang late April.

Pagmamalaki niya, “Isa sa mga blessings ay lolo na ako. Ang pogi ng apo ko.”

Sabi pa ni Isko, “Siyempre kikiligin ka lalo na kapag kamukha mo. I’m really enjoying it. I’m happy and grateful to God.

"Of course, I’m happy for Joaquin. Having a child, naturally, will create a certain mindset in terms of priorities.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Isko Moreno admits to being a lolo to son Joaquin Domagoso's child: “Ang pogi ng apo ko.”

Maging ang ama ni Raffa na si Diego Castro ay nagbigay na rin ng pahayag tungkol sa pagkakaroon ng anak nina Raffa at Joaquin.

Sabi niya sa panayam ng PEP.ph noong huling linggo ng Hulyo: “I am a very proud lolo and I am really happy for JD and Raffa.

“Now I know how my parents felt when they held my children in their arms, an overwhelming feeling of love kaya pala grandparents tend to spoil their apos.

“I will always be here to support Raffa, JD, and my grandson.”

Read: Diego Castro, "Lolo Pogi" ang gustong itawag sa kanya ng anak nina Raffa Castro at Joaquin Domagoso

Sa ngayon ay tanging si Joaquin na lang hinihintay ng publiko na magsalita tungkol sa pagkakaroon niya ng anak.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claire Castro (not in photo) warns sister Raffa Castro (left) to prepare for bashers after posting her maternity photo four months after giving birth to her baby son with Joaquin Domagoso (right).
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results