Watch Now

Sexy actor, willing mag-frontal nudity pero tumanggi sa butt exposure

by Noel Orsal
Aug 23, 2022
blind item
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

Naloka ang isang direktor tungkol sa nabasa niya sa isang online site tungkol sa isang sexy actor na nagki-claim na daring siya sa ginawang pelikula.

Ayon sa artikulo ay all-out ang sexy actor sa pagpapakita ng katawan sa pelikulang idinirek ng nasabing direktor.

Pero ayon sa direktor, pang-press release lamang ang kuda ng sexy actor.

Ang totoo raw ay sobrang sakit ng ulo ng direktor at director of photography (DOP) ang sexy actor.

Ilan kasi sa eksena na ipinapagawa kanya ay ayaw gawin ng sexy actor, gaya ng butt exposure, kaya naman naloka ang direktor nang mabasa sa online article na handa raw mag-frontal nudity ang sexy actor.

Sabi nga ng isang taga-production, bakit pa tinangap ng sexy actor ang pelikula kung hindi pala nito gagawin ang daring scenes na ipinagagawa ng direktor na nasa script naman at nabasa niya ito nang advance nung ibinigay sa kanila.

Hindi rin matanggap ng direktor na mas marunong pa sa kanya ang aktor dahil sa dami ng gustong ipabago para hindi niya magawa ang mga nasa script.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinainis naman ng DOP nang pagsabihan siya ng sexy actor na "huwag mong kunan ang mukha ko" habang nakahiga sa kama at katatapos lang ng eksenang romansahan nila ng kanyang kapartner.

Sabi pa nga ng ilang taga-production staff, hindi pa nga sumisikat ang sexy actor ay sobrang may attitude na.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results