Watch Now

Diego Castro admits he has yet to meet "balae" Isko Moreno

by Bernie V. Franco
Aug 22, 2022
diego castro isko moreno
Diego Castro (left) says he will not force Joaquino Domagoso to marry Diego's daughter Raffa Castro (inset) just because Joaquin got her pregnant. Joaquin is the son of former Manila Mayor Isko Moreno (right).
PHOTO/S: Facebook

Hindi raw pupuwersahin ni Diego Castro si Joaquin Domagoso na pakasalan nito si Raffa Castro kahit may anak na sila.

Si Raffa ay anak ni Diego at kapatid ng Kapuso actress na si Claire Castro.

Si Joaquin ay Kapuso actor na anak naman ni ex-Manila Mayor Isko Moreno.

Bagamat out in the open na ang pagkakaroon ng anak nina Joaquin at Raffa, nagsimula ito sa isang blind item noong January 2022.

Nito lang June 2022 nakumpirma na may anak nga si Raffa kay Joaquin—si Scott Angelo Domagoso, na ngayon ay apat na buwan na.

Read: Joaquin Domagoso, may two-month-old son na sa kapatid ni Claire Castro

Sa August 17, 2022 vlog ni Ogie Diaz, inusisa niya si Diego kung tinanong ba siya nina Joaquin at Raffa tungkol sa planong pagpapakasal ng mga ito.

Tugon ng broadcaster, “They asked me anong opinyon nila.

"Sabi ko, ‘Up to you,’ sabi ko kay JD [Joaquin]. ‘Just because you got my daughter pregnant, you’re not forced to get married.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi [ko], ‘When you’re ready.’ Kasi alam ko iyan. Nangyari sa akin iyan, e, so I don’t want them to commit the same mistakes.”

Ang tinutukoy ni Diego ay ang pagkakaroon niya ng anak sa murang edad.

DIEGO AND ISKO HAVE MET TO MEET

Samantala, ibinunyag ni Diego na hindi pa sila nagkikita at nagkakausap ni Isko simula nang magkaapo sila.

“Not yet, kasi we were supposed to meet siguro a long time ago, nagka-campaign siya tapos ako sa news, di ba?

“So, medyo yung schedule namin magkasalungat. Pero with Joaquin, siya nakakausap ko,” pagbabahagi niya.

Naging abala si Isko na tumakbong Pangulo noong May 2022 elections.

Si Diego naman kay kasalukuyang anchor sa One PH ng TV5.

Sabi pa ni Diego, hindi pa rin sila nagkita ni Isko matapos ang election dahil nagkaroon ng family trip ang huli.

“Siguro sometime soon baka over lunch or something, magkikita-kita naman. We’ll play it by ear,” dagdag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pag settled na yung schedules namin. Ako, bago lang sa work ko, so medyo nagse-settle down na rin ako ngayon.

"Pag okay na lahat, puwede na mag-meet."

Inusisa rin si Diego kung natanong ba niya kay Joaquin kung bakit hindi nakikipag-communicate sa kanya si Isko.

Sagot ng dating teen star, “Actually, hindi. When we’re all ready, I’m sure, siguro mag-aabutan kami, both at the same time.

“Ayoko silang i-pressure, e, kasi ang importante yung family ng anak ko, ni JD [ay] masaya.

“Now they’re starting, medyo may mga problems na kailangang ayusin.

“Mga bata pa sila. So, ang importante, nandun ako for them, nandun si Isko for them.

“Kahit hindi pa kami nagkikita, ganun na muna. Okay iyon.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Diego Castro (left) says he will not force Joaquino Domagoso to marry Diego's daughter Raffa Castro (inset) just because Joaquin got her pregnant. Joaquin is the son of former Manila Mayor Isko Moreno (right).
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results