Claudine Barretto on annulment with Raymart Santiago: "Siya ang may kailangan, siya ang gumastos."

by Julie E. Bonifacio
Aug 25, 2022
Claudine Barretto, Raymart Santiago
Claudine Barretto on annulment with Raymart Santiago: "Siya na ang pinag-file ko. Alangan naman ako pa rin ang gumastos pagkatapos ng lahat ng nakuha niya. Dyusko! Hahaha!"
PHOTO/S: @claubarretto / @raymartsantiago Instagram

Inamin ni Claudine Barretto, 43, na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nag-uusap ng estranged husband na si Raymart Santiago, 49.

"Hindi pa rin. Hindi pa rin kami okey lalo na ngayon nag-i-start na kami sa annulment," sabi ni Claudine sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa opening ng Café Saranggola sa Tagaytay City noong July 30, 2022.

Ang kaibigan ni Claudine at artistang si Bianca Lapus ang isa sa may ari ng Café Saranggola.

Taong 2013 nang maghiwalay sina Claudine at Raymart matapos ang siyam na taong pagsasama bilang mag-asawa. Pero nasa proseso pa rin sila ng annulment ng kanilang kasal.

Ikinasal sila via civil ceremony noong 2004 at idinaos ang Christian wedding nila sa Tagaytay noong 2006.

Ani Claudine, "Oo, ngayon pa lang kami mag-i-start sa annulment. Meron kaming hindi napagkakasunduan. So, parang back to square one na naman kami. Ayun.

"Yung parang kung kailan tahimik, eto na naman. Ayaw na namang tumigil.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Claudine Barretto thanks fans for appreciating her slimmer figure; defends P.A. against fan's rude remark

Ayon pa kay Claudine, hindi pa nagkakaroon ng hearing ukol sa annulment case nila ni Raymart.

"Hindi pa naman. Eto pa lang yung sasagot pa lang," sabi ng aktres.

Si Raymart daw ang nag-file ng case sa korte.

Patutsada ni Claudine: "Siya na ang pinag-file ko. Alangan naman ako pa rin ang gumastos pagkatapos ng lahat ng nakuha niya. Dyusko! Hahaha!

"Siya ang gumastos, di ba? Siya ang may kailangan, siya ang gumastos."

Kailangan ni Raymart na ipawalang-bisa ang kasal nila? May pinaghahandaan na kaya ito?

"Maybe… Siguro," nakangiting tugon ni Claudine.

Never pa sila nagkita at nagkausap ni Raymart?

“Hindi… puro lawyers lang namin.”

Wala bang way para magkasundo na sila ni Raymart alang-alang na rin sa anak nila sina Sabina at Santino?

"Alam mo, trinay ko na, pero hindi effective, e. So, bahala na siya," sabay iling ni Claudine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto on annulment with Raymart Santiago: "Siya na ang pinag-file ko. Alangan naman ako pa rin ang gumastos pagkatapos ng lahat ng nakuha niya. Dyusko! Hahaha!"
PHOTO/S: @claubarretto / @raymartsantiago Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results