Watch Now

Heaven Peralejo criticized by netizens following her post about "battle with acne"

by Khryzztine Joy Baylon
Aug 25, 2022
Heaven acne
Kapamilya actress Heaven Peralejo takes to social media to share her "acne struggle" saying that having acne is nothing to be ashamed of, but the netizens are not buying it.
PHOTO/S: Heaven Peralejo Instagram

Hindi nakapagpigil ang Kapamilya actress na si Heaven Peralejo na sagutin ang ilang netizens na pumupuna sa kanyang post tungkol sa acne.

Nag-ugat ang lahat ng ito sa kanyang Instagram post nitong Miyerkules, August 24, 2022, kung saan ibinahagi ni Heaven ang larawan niyang naka-black two-piece kalakip ang mensahe ng kanyang karanasan sa pagkakaroon ng acne.

Ayon sa post ni Heaven, malaking struggle para sa kanya ang pagkakaroon ng acne, dahil dito ay natakot daw siyang mahusgahan ng ibang tao.

"I’ve struggled battling with acne for so many years. I had a hard time accepting my skin because it just got worse to the point that it also affects my body weight.

"I was so scared to be judged especially in the industry I’m part of.

"And then I realized that the problem is with those people who criticize you for being human.

"I am aware of my flaws and I embrace them. Never let anyone make you feel bad about yourself because of normal things!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa niya, "Love yourself and take care of yourself."

Wala pa man 24 oras matapos niya itong i-post ay umani na ito ng samu't saring komento.

Ilang netizens ang nagtanong at naghanap kung nasaan daw ang "worst acne" na sinasabi ni Heaven, na hindi raw nila makita sa litratong ipinost ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Heaven acne

Heaven acne

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May iba pang kumuwestiyon kung totoong alam daw ba ni Heaven ang acne dahil wala naman silang makitang bakas nito sa kanyang mukha.

Heaven acne

May iba namang nag-tweet pa para sabihing wala sa hulog ang young actress nang mag-post ito ng tungkol sa pagkakaroon ng acne, samantalang iisa lang naman ang nakikitang pimple sa kanyang mukha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Heaven acne

Sa isang artikulong inilabas ng isang media outlet kahapon, nagbigay ng komento si Heaven tungkol sa mga bumabatikos sa kanyang post.

Buwelta niya (published as is), "PS Everybody gets breakouts whether small or big and it’s just so unreasonable to make someone feel bad about something they’re already insecure about.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"These are just some few pics I have in which my acne scars are somewhat visible. Believe me, I’ve experienced worse but I never had the confidence to accept it not until now.

"I don’t even know why I have to explain myself but it’s just so ridiculous that even the size of my acne is being bashed by some."

Heaven acne

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila ng mga negatibong komento ay nagbigay pa rin ng suporta kay Heaven ang ilan sa kanyang mga kaibigan kabilang na sina Loisa Andalio, Maureen Wroblewitz, Joj Agpangan, at Kimpoy Feliciano.

Heaven acne

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actress Heaven Peralejo takes to social media to share her "acne struggle" saying that having acne is nothing to be ashamed of, but the netizens are not buying it.
PHOTO/S: Heaven Peralejo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results