Watch Now

AJ Raval makes first public appearance amid pregnancy rumor

by Rachelle Siazon
Aug 26, 2022
AJ Raval
AJ Raval gets support from her father Jeric Raval and three brothers at the press preview of the sexy star's latest movie, Sitio Diablo.
PHOTO/S: Vivamax Philippines / @ajravsss Instagram

Lumantad sa publiko si AJ Raval, 21, sa gitna ng usap-usapang buntis siya at ang ama ay si Aljur Abrenica, 32.

Dumating si AJ sa premiere ng pelikula niyang Sitio Diablo sa isang sinehan sa Quezon City noong August 24, 2022.

Ito ang unang pagkakataong nakita sa publiko si AJ matapos ang ilang buwang espekulasyon tungkol sa sinasabing pagdadalantao niya.

Related stories:

Full force ang suporta mula sa pamilya ni AJ dahil dumalo rin sa okasyon ang ama niyang si Jeric Raval at tatlong kapatid.

Sa panayam ni Mario Dumaual ng TV Patrol, mariing pinabulaanan ni Jeric ang intriga tungkol kay AJ.

"Ah, definitely hindi. Kasi isa lang kami ng tirahan niyan, e. Pag nandito ako sa Quezon City, sa akin umuuwi iyan, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pag nasa Pampanga kami, kami-kami rin ang magkakasama.

"Maraming salamat napapansin nila ang anak ko. Alam mo iyang mga Marites importante rin iyan. Pag wala nang Marites sa buhay mo, mag-isip-isip ka na," sabi ni Jeric.

Dagdag ng action star, tiwala siya sa anak at nakasubaybay rin siya bilang ama kahit 21 taong gulang na si AJ.

Read: Jeric Raval on pregnancy rumor about daughter AJ: "Kung buntis, e, di mabuti, at least hindi pala siya baog."

Ayaw naman patulan ni AJ ang isyu.

Sabi niya, "Bahala po sila. Paniwalaan na lang nila yung gusto nila paniwalaan.

"Kasi the more na pinagtatanggol niyo sarili niyo, the more na mas inaatake po kayo ng mga tao."

AJ RAVAL AND ALJUR ABRENICA REAL SCORE

Huling bahagi ng September 2021 nang unang mapansin ng netizens ang ugnayan ni AJ kay Aljur Abrenica.

Noong October 5, 2021, unang kinumpirma ni AJ sa PEP Live na nanliligaw sa kanya si Aljur, at sinabing "we care for each other."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang sa namataan silang magka-holding hands sa isang mall.

Ilang buwang nag-lie-low ang rumored couple pero noong February 2022 ay nag-post siya ng beach video nila ni Aljur, at ni-like pa iyon ng estranged wife ni Aljur na si Kylie Padilla.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jeric noong March 2022, kinumpirma ni Jeric na "nagmamahalan" ang anak niyang si AJ at si Aljur.

HOT STORIES

.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval gets support from her father Jeric Raval and three brothers at the press preview of the sexy star's latest movie, Sitio Diablo.
PHOTO/S: Vivamax Philippines / @ajravsss Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results