Watch Now

Ate Gay, Vice Ganda patch things up

by Nikko Tuazon
Aug 27, 2022
Vice Ganda with Ate Gay
On Friday night, August 26, 2022, Ate Gay (right) took to Instagram to share his photo with Vice Ganda (left) to prove that they have already patched things up.
PHOTO/S: @ategay08 on Instagram

Nauwi rin sa pagkakabati ang di-pagkakaintidihan sa pagitan ng mga komedyante na sina Gil Morales, o mas kilala bilang Ate Gay, at ng It's Showtime host na si Vice Ganda.

Nitong Biyernes ng gabi, August 26, 2022, ibinahagi ni Ate Gay ang litrato nito kasama si Vice Ganda bilang patunay na maayos na ang lahat sa pagitan nilang dalawa.

"Love love love.. [heart emoji]," sulat ni Ate Gay sa caption ng kanyang post.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuha ang litrato sa backstage ng concert ng Beks Battalion na Beks 2 Beks 2 Beks kung saan isa si Ate Gay sa special guest performers.

Ang Beks Battalion ay ang grupo nina MC Muah, Lassy, and Chad Kinis na matalik na mga kaibigan nina Vice Ganda at Ate Gay. Naganap ang kanilang concert sa New Frontier Theater sa Quezon City.

Napuno naman ng heart emojis ang comments section ng post ni Ate Gay. Marami sa mga ito ay natuwa dahil nagkabati nang muli silang dalawa.

Ate Gay, Vice Ganda

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MISUNDERSTANDINGS WITH VICE GANDA

Ilang beses din nagkaroon ng di-pagkakaintindihan sa pagitan nina Ate Gay at Vice Ganda.

Matatandaang noong November 2019 inalmahan ni Ate Gay ang biro ni Vice Ganda sa isang "Tawag Ng Tanghalan (TNT) All-Star Grand Resbak" contestant na kahawig ni Ate Gay.

Nung panahon na yun, naudlot ang kanyang pagsalang sa "Tawag Ng Tanghalan Celebrity Champions" ng It's Showtime.

Read also: Ate Gay cries foul over Vice Ganda's remark about his cancelled Tawag Ng Tanghalan appearance

Kahit na may di-pagkakaintindihan, nagpaabot pa rin ng tulong si Vice Ganda kay Ate Gay nang maospital ito dahil sa kanyang rare and serious skin condition na tinatawag na toxic epidermal necrolysis (TEN).

Ayon sa healthline.com, ang sinumang magkaroon ng TEN ay makakaranas ng "severe skin peeling and blistering" na sanhi ng "adverse reaction to medication like anticonvulsants or antibiotics."

Sa panayam kay Ate Gay ni Ogie Diaz, nagpasalamat ito kay Vice Ganda sa pagpapaabot nito ng tulong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "Nagpapasalamat ako dahil nakarating sa kanya na nasa ospital ako at walang kaabug-abog na tutulong daw siya.

"Tumulong naman siya at ayun, nagpapasalamat ako. Sa kabila ng mga nangyari sa akin sa Showtime, naramdaman ko yung puso niya, sa puso ng mga kaibigan mo sa showbiz."

Read also: Ate Gay grateful for financial help of Ogie Diaz, Vice Ganda, fellow comedians

Muling nagkaroon ng di-pagkakaintindihan sa pagitan ng dalawa nang ibinunyag ni Ate Gay ang amount ng mga natanggap niyang tulong mula sa ibang celebrities.

Kabilang dito si Vice Ganda na nagbigay umano ng PHP20,000 para sa pagpapagaling ni Ate Gay.

Read also: Ate Gay discloses amounts he received from Vice Ganda, other showbiz personalities when he was hospitalized

Hindi man direktang binanggit si Ate Gay, nagbigay si Vice Ganda ng kanyang reaksyon sa episode ng It's Showtime noong September 16, 2021.

Aniya, "Parang… may natulungan ako. Hindi ko ipinagmalaking meron akong natulungan, pero yung tinulungan ko, sinabi niyang tinulungan ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“'Tapos nilabas niya kung magkano yung itinulong ko sa kanya.

"'Tapos nabasa ko sa mga comments, sabi ng mga comments, ‘Ha, ganun lang pala binigay ni Vice Ganda, twenty thousand lang?’

“Parang napalunok ako. Parang, 'Pag ako ba yung tumulong, dapat may presyo? May ceiling?' Di ba, dapat hindi mo mabasa, ganito…"

Patuloy niya, “Naano ako, sabi ko, tumulong na ako nang kusa, ayoko ngang magpa-acknowledge, kaya hindi ko sinasabi.

“Pero yung nilabas mo pangalan ko, 'tapos inokray pa ako, 'Bakit P20,000 lang ang binigay mo?' Nasaktan ako talaga.

“Parang, kapag hindi ka tumulong, ang sama-sama mo. Pag tumulong ka, kukuwestyunin pa, 'Bakit yun lang ang itinulong mo?' That hurts so much.”

Read also: Vice Ganda hurt by comments about giving "mere" PHP20K to friend in need

Humingi naman agad ng tawad si Ate Gay kay Vice Ganda.

Sa isang Instagram post, sinabi nitong hindi niya intensiyong madawit si Vice at mapulaan ito ng bashers nang ibunyag nito sa Facebook ang halagang itinulong nito sa kanya nang siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kung di po ako sasagot parang isa akong masamang nilalang...

"naprovoke lang po ako sa isang fan na sabihan ako na sana di nalang ako tinulungan ni vice sana NAMATAY nalang ako kaya nilabas ko mga amount ng tumulong sa akin..

"nagpapasalamat ako kay vice at si ogie diaz ang tulay sa pagsosorry ko kay vice.. masyado lang ako nasaktan sa basher..

"sana mapatawad nyo ako .. lalo na mga kaibigan kong tumulong sa akin at sa kapatid ko..."

READ MORE:

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On Friday night, August 26, 2022, Ate Gay (right) took to Instagram to share his photo with Vice Ganda (left) to prove that they have already patched things up.
PHOTO/S: @ategay08 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results