Watch Now

Ai-Ai delas Alas and Miguel Vera's daughter Sophia marries fiancé in a civil ceremony in Los Angeles

by Jojo Gabinete
Aug 30, 2022
sophia vincent wedding
Sophia delas Alas, the daughter of Comedy Queen Ai-Ai delas Alas with singer Miguel Vera, ties the knot with Vincent Bautista in a civil ceremony, Monday afternoon, August 29, 2022, in Los Angeles, California.
PHOTO/S: Courtesy of Ai-Ai delas Alas

Naganap ang civil wedding ceremony ng bunsong anak nina Ai-Ai delas Alas at Miguel Vera na si Sophia at ng fiancé nitong si Vincent Bautista sa Albertson Wedding Chapel sa La Brea, Los Angeles, California, nitong Lunes ng hapon, August 29, 2022 (Martes ng umaga, August 30, sa Pilipinas).

Ang unang plano nina Sophia at Vincent ay magkaroon ng church wedding sa Pilipinas noong December 2021, pero nagbago ang kanilang mga balak nang magdesisyon silang pumunta sa Amerika.

Ang pagpapakasal ni Sophia ang dahilan kaya sandali lamang ang pananatili ni Ai-Ai sa Pilipinas nang umuwi siya noong August 22. Bumalik agad siya sa Amerika noong August 28.

Read: Ai-Ai delas Alas, ibinunyag ang "secret life" niya sa Amerika

Sina Ai-Ai at Miguel ang naghatid kay Sophia sa altar at hindi napigilan ng Comedy Queen ang mapaluha dahil sa sobrang kaligayahan.

miguel vera ai-ai delas alas daughter

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Payo ni Ai-Ai sa bagong kasal ay gawing sentro ng kanilang relasyon ang Diyos at magkaroon ng mahabang pasensiya para sa isa’t isa.

Mensahe ng mother of the bride: “Huwag silang matulog na may tampuhan, ayusin agad, at huwag nang patulan ang mga maliliit na bagay. Kapag nagkakainisan sila, lumipat muna yung isa sa ibang kuwarto.”

Pamilya at malalapit na kaibigan lamang ang mga imbitado sa pag-iisang dibdib nina Sophia at Vincent.

Kasama ni Miguel ang kanyang asawa na si Priscilla Salud at anak na si Miggy, ang anak nila ni Ai-Ai na si Nicolo at ang girlfriend nitong si Tiffany.

sophia vincent wedding

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

From left: Miggy, Priscilla, Miguel, Vincent, Sophia, Ai-Ai, Nicole, and Tiffany

Ginanap ang wedding reception ng bagong kasal sa Din Tai Fung restaurant sa Santa Monica Boulevard, Los Angeles.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sophia delas Alas, the daughter of Comedy Queen Ai-Ai delas Alas with singer Miguel Vera, ties the knot with Vincent Bautista in a civil ceremony, Monday afternoon, August 29, 2022, in Los Angeles, California.
PHOTO/S: Courtesy of Ai-Ai delas Alas
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results