Darren Espanto, Cassy Legaspi spend time together in Nasugbu, Batangas

by Rachelle Siazon
Aug 30, 2022
Cassy Legaspi and Darren Espanto in Nasugbu, Batangas
Darren Espanto shows he has eyes only for Cassy Legaspi during their Batangas getaway.
PHOTO/S: CTTO via @teamcassren / @darrenespanto Instagram

Hindi inilihim nina Darren Espanto, 21, at Cassy Legaspi, 21, na magkasama sila sa beach getaway sa Nasugbu, Batangas.

Pareho silang nag-post sa Instagram ng solo pictures nila sa tabing-dagat.

Pero may kuha rin si Darren na kita si Cassy sa reflection ng kanyang sunglasses.

Darren Espanto and Cassy Legaspi in Nasugbu

Nag-post din si Cassy ng kahawig na shot na nagpapakitang magkasama sila sa relaxing trip na iyon.

Darren Espanto, Cassy Legaspi, CassRen

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinukso naman ng ama ni Darren ang rumored couple nang humirit ito sa comments section, "I'm sure special ang shades na yan sa 'yo. Ang ganda eh, kaya dapat paka ingatan mo."

Nakunan din sina Darren at Cassy na magkasama ng ilang mga staff sa resort na nagpakuha ng litrato sa kanila.

DARREN VISITING CASSY AT LEGASPI HOME

Noon namang July 28, 2022, ang ama ni Cassy na si Zoren Legaspi ang nambuking sa pagbisita ni Darren kay Cassy.

Ipinakita ni Zoren ang video ng dalawa na sabay kumakain ng dinner na kuha noong July 27, 2022.

READ: Zoren Legaspi secretly takes a video of daughter Cassy dining with Darren Espanto at home

Sa panayam ni Bianca Gonzalez sa Cinema News kamakailan, ikinuwento ni Darren na kakadating lang niya noon sa Pilipinas mula sa Canada.

Pareho sila ni Cassy na libre nung araw na iyon kaya sinorpresa raw niya ang dalaga sa pamamagitan ng pagdalaw rito.

Darren Espanto and Cassy Legaspi in Nasugbu

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kuwento ni Darren: "Ang tagal na kasi naming di nagkikita ni Cass, our schedules would never meet so pagkagaling ko ng Toronto for a show, the next day hindi niya pa alam na nakarating ako.

"So sabi ko kay Cassy, 'O, anong gagawin mo ngayon?' She was like, 'Oh, wala, sa bahay lang.' Yun po I went to their house. Tinext ko yung kasama nila sa bahay, 'Ate pabukas po ng gate andito ako sa labas.'"

Napangiti naman si Darren nang hingan ng reaksiyon na tila boto sa kanya si Zorren para kay Cassy.

Sabi ni Darren, "I always feel very shy every time i go to their house. They're very welcoming. Grabe ang hospitality ng mga Legaspi."

Matagal nang magkaibigan sina Cassy at Darren. Pero nitong nagdaang mga taon ay naging kapansin-pansin na mas lalo silang napalapit sa isa't isa.

Bukas naman ang dalawa sa pagsasabing espesyal ang turing nila sa isa't isa.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Darren Espanto shows he has eyes only for Cassy Legaspi during their Batangas getaway.
PHOTO/S: CTTO via @teamcassren / @darrenespanto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results