Watch Now

KD Estrada posts cozy moment with Alexa Ilacad at Disney California Adventure

by Rachelle Siazon
Aug 30, 2022
KD Estrada and Alexa Ilacad at California Disney Adventure
Are KD Estrada and Alexa Ilacad in a relationship? The two Kapamilya stars can't keep their hands off each other while touring around California Disney Adventure.
PHOTO/S: @alexailacad Instagram

Nag-trend sa Twitter si KD Estrada, 20, matapos niyang ipakita ang sweet moment nila ni Alexa Ilacad, 22, sa California Disney Adventure Park.

Read: Alexa Ilacad reacts to KD Estrada defending her from basher calling her "gas tank"

Noong August 22, 2022 pa namasyal ang dalawa sa kilalang theme park kasama ng iba pang Star Magic artists na sina Maymay Entrata at Marlo Mortel.

KD Estrada and Alexa Ilacad at Disney Adventure Park

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Madalas ay magkayakap sila sa kanilang mga litrato na kuha sa tour.

KD Estrada and Alexa Ilacad at Disney Adventure Park

At ngayong August 30, 2022, ibinahagi ni KD sa Instagram Story ang video nila ni Alexa na nanonood ng fireworks display sa loob ng theme park.

Nakunan si KD na yakap si Alexa at hinahaplos ang likod ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakatalikod ang dalawa, pero may punto na lilingon si Alexa at kitang-kita ang saya nito sa fireworks display.

Nilagyan ito ni KD ng caption na "qt" na malinaw na ang tinutukoy ay si Alexa.

Sinasabing si Marlo Mortel ang kumuha ng sweet moment na iyon.

NETIZENS' REACTIONS

Kinilig naman nang husto ang fans ng tambalang KDLex dahil pakiwari nila ay "You're mine" ang dating ng pagyakap ni KD kay Alexa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KD Estrada and Alexa Ilacad at California Disney Adventure

KD Estrada and Alexa Ilacad at California Disney Adventure

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KD Estrada and Alexa Ilacad at California Disney Adventure

Alexa Ilacad and KD Estrada

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KDLex trending

KD ON COURTING ALEXA

Naging magkaibigan sina KD at Alexa nang maging housemates sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Paglabas ng Bahay Ni Kuya ay saka nabuo ang kanilang tambalan.

Consistent si KD sa pagiging number one na tagapagtanggol ni Alexa sa bashers.

At sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Mayo, inamin ni KD na nanliligaw siya kay Alexa at may basbas iyon ng pamilya ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi rin ni Alexa sa PEP.ph wala silang timeline kung kailan nila nais maging opisyal na magkasintahan.

"We just spend every day giving each other care or whatever appreciation even without a label but we have naman clear boundaries," saad ni Alexa.

Dagdag ni KD, "Let's see, we're not rushing. We're just enjoying our company.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Are KD Estrada and Alexa Ilacad in a relationship? The two Kapamilya stars can't keep their hands off each other while touring around California Disney Adventure.
PHOTO/S: @alexailacad Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results