Watch Now

Issa Pressman posts kissing photos with male foreigner hinting at new relationship

by Arniel C. Serato
Aug 30, 2022
Issa Pressman photo with foreigner boyfriend
Netizens, celebrities get kilig vibes with Issa Pressman's post of kissing photos with a handsome guy on Instagram.
PHOTO/S: Courtesy: @pressmanissa on Instagram

Kinilig nang todo ang mga kakilalang showbiz personalities ni Issa Pressman dahil sa kanyang post sa Instagram ngayong gabi ng Martes, August 30, 2022.

Si Issa ay nakababatang kapatid ng aktres na si Yassi Pressman.

Sa kanyang post, makikita rito ang tila Polaroid pictures niya kasama ang isang lalaki.

Kung susumahing mabuti, parang foreigner ang lalaki.

Sa tatlong Polaroid pictures, una rito ay si Issa ang humalik sa lalaki.

Pangalawa ay nakaharap lamang sila sa camera at nakangiti.

Ang ikatlo ay ang lalaki naman ang humalik sa pisngi ni Issa.

Hindi binanggit ni Issa ang pangalan ng kasamang lalaki at hindi rin ito nai-tag sa anumang account.

Pero makahulugang caption niya: “Been smilin’ [heart emoji]”

Sa comments section, nagpaabot ng kanilang kilig sina Danita Paner, Bubbles Paraiso, Lauren Uy, at Alyana Asistio.

Issa Pressman boyfriend photo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayundin ang iba pa niyang non-showbiz friends at netizens na naglagay ng mga heart emojis sa post.

Issa Pressman boyfriend photo

Issa Pressman boyfriend photo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Issa ay pinagbintangang third party sa hiwalayan nina James Reid at Nadine Lustre noong January 2020.

Kinokonekta ang pangalan ni Issa kay James dahil sa isang leaked video na kumalat noong December 2019 na kuha sa isang kasiyahan sa Boracay.

Dito ay maaaninag na niyayakap at hinahalikan ni James si Issa habang katabi lang nila si Nadine.

Read: Issa Pressman, pinagbibintangang third party sa James Reid-Nadine Lustre breakup

Pinabulaanan ni Issa ang isyu.

Read: Issa Pressman breaks silence on third-party allegation in James Reid-Nadine Lustre breakup

Sinabi rin nina James at Nadine sa kanilang joint statement na naghiwalay sila dahil sa desisyon nilang mag-focus sa sarili, career at, higit sa lahat, sa personal growth.

Hanggang ngayon ay nanatiling malapit na magkaibigan sina Issa, Yassi, James, at Nadine.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens, celebrities get kilig vibes with Issa Pressman's post of kissing photos with a handsome guy on Instagram.
PHOTO/S: Courtesy: @pressmanissa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results