Watch Now

Herlene Budol pleads to netizens to stop bashing Miss Manila 2020 Alexandra Abdon

by Bernie V. Franco
Aug 31, 2022
herlene hipon budol, miss manila
Herlene Budol (left) on her past issue with Miss Manila Alexandra Abdon (right): “Baka hindi yun ang goal niya na masaktan [ako]. Naiintindihan ko din naman."
PHOTO/S: @herlene_budol and @alexandra.abdon on Instagram

Nanawagan si Herlene “Hipon” Budol sa netizens na tigilan na ang pamba-bash kay Miss Manila 2020 Alexandra Abdon.

Simula nang hirangin si Herlene bilang Binibining Pilipinas 2022 first runner-up ay inungkat ng kanyang supporters ang nakaraan nila ni Alexandra.

Ito ay yung inalipusta ni Alexandra si Herlene sa isang episode ng Wowowin noong December 2020.

Dito ay sinabi ni Alexandra ni hindi qualified si Herlene na maging beauty queen.

Kasunod nito ay kinuyog ng fans ni Herlene si Alexandra. Nagpaliwanag naman si Miss Manila na “scripted” ang mga sinabi niya sa show.

Read: Miss Manila bashed for calling Hipon Girl “iskwater”; clarifies it was scripted

Di nagtagal ay nagkabati pa sina Herlene at Alexandra sa Wowowin at nagkaroon ng collab sa kani-kanilang vlogs.

Pero hindi pa rin nakakalimot ang fans ni Herlene na muling binuhay ang isyu nang magkatitulo ang Kapuso star sa national pageant na ginanap noong July 31, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HERLENE APPEALS TO STOP BASHING MISS MANILA

Sa vlog ni Madam Inutz na kalalabas lang ngayong August 31, 2022, nagsalita si Herlene.

Ipinromote pa ito ni Madam Inutz sa kanyang social media, pero naka-private na ito at this writing.

Gayunpaman, may ilang vlogs na nai-record ang ibang bahagi ng video at ipinost sa YouTube.

Sa isang bahagi ng video ay aminado si Herlene na "sobrang napikon" siya sa ginawa ni Alexandra. Pero matagal na raw iyon at dapat nang kalimutan.

Pakiusap ni Herlene sa mga patuloy na bina-bash si Alexandra: “Tigilan na natin iyon, grabe naman kayo.

“Two years na pong nakalipas o magti-three years na. Hindi ko na po alam kasi nangyari yata iyon 2020?

“2022, magtu-2023 na nga po, di ba?

“Para sa akin, tigilan na natin yung pamba-bash natin kay Miss Manila. Ang sabi nga niya, scripted.”

Iginiit ni Herlene na hindi siya nasabihang scripted kaya malaki ang epekto ng ginawang panlalait sa kanya ni Alexandra on national television.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinalmahan daw sana niya ang kanyang reaction kung alam niyang scripted iyon.

Saad ni Herlene, “Baka hindi yun ang goal niya na masaktan [ako]. Naiintindihan ko din naman.

“Sa lahat ng namba-bash sa kanya, siguro it’s time na tigilan na rin na lang natin siya kasi antagal na panahon na po noon.

“Naniniwala ako lahat ng tao puwedeng magbago, kagaya ko.

“Kaya ikaw, Miss Manila, kontakin mo na ako. Bati na tayo, di ba? 2020 pa iyon.”

Samantala, nananatiling tahimik si Alexandra kaugnay ng pag-uungkat muli sa isyu nila ni Herlene.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene Budol (left) on her past issue with Miss Manila Alexandra Abdon (right): “Baka hindi yun ang goal niya na masaktan [ako]. Naiintindihan ko din naman."
PHOTO/S: @herlene_budol and @alexandra.abdon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results