Watch Now

Jaclyn Jose opens up about emotional struggles as a single parent: "At the end of the road, you feel all alone."

by Rose Garcia
Sep 2, 2022
Jaclyn Jose, Andi Eigenmann, Gwen Guck
Jaclyn Jose's tearful confession about missing her kids Andi and Gwen: "Inisip ko, ‘Para saan pa ‘tong lahat na ginagawa ko? Wala naman yung mga anak ko. Hindi naman nila ako naaalala.’ Nagpapakahirap ako, mukha akong tanga. Tapos, nag-iisa lang ako, pero hindi naman ako naaalala. Parang, ano ba ‘to? Gigising ako. Pero, wala akong dahilan para bumangon. Wala naman akong paglulutuan."
PHOTO/S: Pau Gueverra / @andieigengirl / @jaclynjose Instagram

Hindi mapigilan ni Jaclyn Jose na maging emosyonal nang ipagtapat nito ang personal niyang pinagdadaanan ngayon.

Read: Jaclyn Jose, binura ang "I am retiring" post; may two-year contract pa sa GMA-7

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng telepono, Huwebes ng gabi, September 1, 2022, naging bukas ang Cannes-winning actress sa kanyang sentimyento na hindi madali ang mag-isa sa buhay.

Si Jaclyn ay isang single parent.

Panganay niya si Andi Eigenmann, na anak niya sa namayapang aktor na si Mark Gil.

Ang bunso niyang si Gwen Guck ay anak niya sa miyembro ng bandang “The Dawn” na si Kenneth Ilagan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Jaclyn, "Mula nung ipinanganak ko si Andi, ako na ‘yan. Mula sa hospital, damit, pagkain, hanggang sa nag-aral, napagtapos ko.

"Gayundin yung isa ko [Gwen]. Sa kanya naman, katuwang ko ang lola niya sa father side. Pero, nawala nang maaga.

"Basically, ako lahat, pero okay lang yun."

Pero hindi rin naitago ni Jaclyn ang pangungulila ng isang ina sa punto ng kanyang buhay na malalaki na ang mga anak.

"Hindi mo na-anticipate na someday, mawawala sila, matitira ka lang palang mag-isa.

"So, parang hindi ko alam kung tama ba ang mga ginawa ko at the end of the road.

"Na palagi akong wala, pero pinupunan ko kasi ang mga pangangailangan nila.

"Kung hindi ako magtatrabaho, paano sila mag-aaral? Paano sila makakakain? Paano sila titira sa good environment na tinatawag?

"Hindi naman ako mayaman, pero kahit papaano, nasa maayos kaming lugar na hindi nagbabayad ng renta.

"Inayos ko na talaga ang mga anak ko, hindi palipat-lipat ng bahay. Kumbaga, hindi ko inisip yung sarili ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iba talaga ang sakripisyo ng kahit sinong magulang.

Sabi pa niya, "Kahit mga kaibigan, napag-iwanan ako. Kasi, work-mga anak, work-mga anak [ang priority ko]. Parang ganyan.

"Hanggang sa darating pala ang time na magiging mag-isa ka na lang."

Sa ngayon, pinag-aaral ni Jaclyn ng kolehiyo sa Amerika ang bunsong anak na si Gwen.

Si Andi ay may sariling pamilya at nakabase sa Siargao. Si Jaclyn ay solong namumuhay sa Metro Manila

Hindi mapigilan ng aktres na maging emosyonal nang ipagtapat nito na, "Every day, you feel sad and lonely, wala kang kasama.

"Iniisip mo na madalas, dumarating sa sarili mo na, ‘Bakit ko ba ginagawa ang lahat ng ‘to?’

"Aalis ako mag-isa, babalik akong mag-isa. Kung wala akong trabaho, mag-isa lang din ako sa bahay.

"Kasi nga, napag-iwanan na ako ng panahon. Wala na rin nanligaw sa akin, naging busy ako.

"Yung grupo na rin ng mga kaibigan natin, hindi ka na rin maka-catch-up kasi malayo na ang napuntahan nila, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At the end of the road, you feel all alone. Mahirap. Mahirap pala."

Sabay sabi niya, "Kaya ako, tingin ko, tama ang ginagawa ni Andi sa pamilya niya."

Ang tinutukoy ni Jaclyn ay ang piniling pamumuhay ng anak na si Andi sa probinsiya.

Halos tinalikuran muna nito ang pag-arte at naging hands-on mom sa tatlong anak na sina Ellie, Lilo, at Koa.

Katuwang ni Andi ang partner na si Philmar Alipayo na tubong Siargao.

Sina Lilo at Koa ang mga anak ni Andi kay Philmar, habang si Ellie ay anak ng aktres sa dating boyfriend na si Jake Ejercito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

on missing her kids

Aminado si Jaclyn na bilang working mother ay hindi niya nasubaybayan nang husto ang paglaki ng anak na si Andi.

"Hindi niya na-experience. Nakita niya na lumalaki siyang mag-isa.

"Alam niyo naman, ang trabaho dati, 27 hours a day. Inaabot ka minsan, uuwi ka, alas nuebe, alas diyes ng umaga.

"Hapong-hapo ka, pagod na pagod ka. Matutulog ka na lang. Ni hindi mo na makuhang sabayan kumain, sa gabi na lang.”

Saad pa ng beteranang aktres, "Kumbaga, nag-oo ako nang nag-oo sa lahat ng trabaho ko, pero palaging sa kanila…

"Iniisip ko palagi na kung mawala man ako, alam ko na may matutuluyan silang magkapatid, meron silang pera. Ayokong danasin nila ang hirap ng buhay. Palaging sila.

"Pero alam mo, siguro talagang kahit sinong ina, talaga naman palagi, yung kapakanan ng mga anak ang palaging iniisip."

Sa pakikipag-usap ng awtor na ito sa aktres, malinaw ang pagnanais niyang makapiling ang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lalo na nang tanungin namin kung ramdam niyang naa-appreciate ng kanyang mga anak ang mga sakripisyo niya sa mga ito.

"Kulang, e, kulang ang nararamdaman ko because iba rin naman ang panahon ngayon,” saad ni Jaclyn.

Sabay sabi rin niya, “Hindi ko rin naman sila masisi.

"Iba ang panahon ngayon. They think that they’re the ones who care on top of everything.

“Parang alam nila ang ginagawa nila. Hindi na nila makukuha ang fact natin na—siguro kasi, makaluma yung ating ways.

"Naghahanap ka ng lambing, text, tawag na, ‘Kumusta ka na?’ Or ‘Eto ang nangyayari sa akin nanay,’ ganito, ganyan.

"Sa kanila, O.A. na ako nun. ‘Ang drama naman.’

"Pero, hindi nila naiintindihan. Siguro, hindi na lang nagsu-swak yung generation natin noon at ngayon."

Naiintindihan din naman daw ni Jaclyn, lalo na ang kalagayan ni Andi, na alam niyang sa mga anak pa lang nito, punung-puno na ang oras sa maghapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Naiintindihan ko naman, pero siyempre, nanay ka, e…

"Sumasama ang loob mo, hindi dahil si Andi ‘yan o si Gwen…

"Any single parent can relate. Nama-magnify kasi kapag sinasabi ko, 'Bakit naman ganyan si Andi?' But in general, as a mother, as single parent.

"Siguro kasi, nangyayari yata ngayon na ang mga magulang ang nag-a-adjust."

Idiniin ni Jaclyn na naiintindihan niya ang sitwasyon ni Andi.

Patuloy niya, "Masaya ako para kay Andi. Tama ang ginagawa niya kasi nagbubuo siya ng foundation.

"Siguro tama rin yung sa kanya na i-prioritize niya. Nakikita ko rin naman ang foundation na binubuo nila ni Philmar.

"Katulad niyan, nagbibiyahe. Kagagaling ng Bali [at] France... Kumbaga sa bahay, yung poste nila, malalim na. Hindi na matitibag."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong ng PEP.ph si Jaclyn kung may “regret” siya sa kung paano niya pinalaki ang dalawang anak.

"Meron din," pag-amin niya.

Paliwanag ng aktres: "Kasi, dapat siguro nag-ano rin ako ng kamay na bakal.

"Kasi, masyado akong lenient, e. Masyado akong maluwag.

"Tingnan niyo, nabuntis si Andi nang maaga.

"Wala namang problema sa akin ‘yan, mahal na mahal ko si Ellie. Ibig kong sabihin, walang narinig sa akin ‘yan.

"Itong anak kong lalaki, nagdesisyong mag-aral sa Amerika, kasi nandun yung girlfriend.

"Pero alam mo yung, por dios por santo, tawag-tawagan niyo naman ako.

"Kasi, bilang nanay, kahit anong edad na yata ng anak mo, hindi talaga mawawala sa ‘yo ang pag-aalala."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang siste, tinamaan talaga si Jaclyn ng lungkot sa pagiging mag-isa.

"Oo… oo at saka, I feel so lonely, so alone,” ani Jaclyn.

"Dumarating ako sa punto na nalulungkot ako, hinahanap ko ang mga anak ko.

"Ganun talaga kapag nanay ka, kahit may kanya-kanya na silang priority sa buhay, hinahanap mo.

"E, hindi ka naman kinukumusta, ganun siguro."

Pilit din naman daw pinalalakas ng aktres ang kanyang loob.

Sabi pa ni Jaclyn, "Buti nga kanina, may nabasa ako kay Angelina Jolie na, ‘If you live alone, you’re a strong or powerful woman.’

"Kakabasa ko lang, ngayon lang din. Di ba, kapag brokenhearted ka, may narinig kang mga kanta, parang ang bilis dumating sa ‘yo ng mensahe.

"So, nung dumaan yung kay Angelina Jolie, yung message kanina, nasabi ko, ‘I’m powerful because I can live alone.’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JACLYN CLARIFIES HER “I’M RETIRING” IG POST

Nakapag-post si Jaclyn sa kanyang Instagram account noong Huwebes ng madaling-araw, September 1, 2022, kunsaan nasabi niyang magreretiro na siya sa showbiz.

Nagdulot ito ng maraming reaksiyon mula sa iba’t ibang netizens, gayundin sa mga taga-industriya.

Pero makalipas ang ilang oras, deleted na ang IG post.

Paglilinaw ni Jaclyn, totoong nakakaranas siya ng depresyon, pero wala iyong kinalaman sa trabaho.

Bakit nga ba niya nai-post na magreretiro na siya?

Sagot ni Jaclyn, “I mean it, but I don’t think that this is the right time.”

Lumalabas na nasambit iyon ni Jaclyn dahil sa personal na pinagdadaanan.

Pahayag niya, "I mean it because masamang-masama ang loob ko kagabi with what had happened to me.

"I felt so bad that I want to leave the country. Umalis mag-isa at mawala.

"Kaya ko siguro naisip na hindi na ako magsu-showbiz, mag-aartista. Sobrang depressed na depressed ako that time.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa puntong ito ay hindi na napigilang umiyak ni Jaclyn.

"Yun nga, inisip ko, ‘Para saan pa ‘tong lahat na ginagawa ko? Wala naman yung mga anak ko. Hindi naman nila ako naaalala.’

"Nagpapakahirap ako, mukha akong tanga. Tapos, nag-iisa lang ako, pero hindi naman ako naaalala.

"Parang, ano ba ‘to? Gigising ako. Pero wala akong dahilan para bumangon. Wala naman akong paglulutuan.

"Parang wala akong drive."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nami-miss ni Jaclyn ang mga simpleng bonding nila ng mga anak.

"They liked my cooking. Gustung-gusto ng mga anak ko. Pag bababa, yayakap na ‘yan sa likod ko. ‘What’s the ulam, Nanay?’

"E, lahat naman ng luto ko, yung gusto nila.”

Ang bunsong anak niyang si Gwen daw ang madalas nakararanas ng mga pagluluto niya.

"Sasayaw-sayaw na ‘yan nang konti. Uupo na ‘yan sa table. Maghihintay na ‘yan hanggang sa matapos maluto. Kakain na kaming dalawa. Masaya… manonood ng Netflix, TV.”

Ipinaliwanag ni Jaclyn sa PEP.ph na nagulat siya sa reaksiyon ng mga nakabasa sa kanyang post na nais na niyang magretiro sa showbiz.

Nagdulot ito ng iba-ibang espekulasyon kaya minabuti niyang tanggalin ang post.

Read: Jaclyn Jose, binura ang "I am retiring" post; may two-year contract pa sa GMA-7

Sabi niya, "Hindi ko akalain din na ganun yung magiging reaction…

"Because of the people’s reaction, my friends' reaction, and my family’s reaction, I decided to delete it because they made me realize that I am wrong in quitting."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Karamihan sa nag-react at nagkomento sa post niya, nakikiusap na huwag muna siyang magreretiro dahil magiging malaking kakulangan siya sa industriya.

"Siyempre, I feel proud,” sambit ni Jaclyn.

"Hindi ko akalain na ganun kalaki ang magiging reaction. Na yung title [sa reports], e, na-shock ang industriya sa naging announcement. Ang laki… ang laki ng reaction. Hindi ko ine-expect.

"Siyempre, I’m thankful na ayaw nila akong paalisin despite na may kakulangan man sa akin.

"I’m lonely, I’m alone, I’m having anxiety because I missed my children so much."

Dito raw nahimasmasan si Jaclyn.

"But on the other hand, with all these people who still believe in you, parang kabaligtaran yung nangyari na iniwan ako, hindi nila ako kinukumusta… May mababasa kang mga ganyan, ‘Don’t leave. We will miss you.’

"Meron din palang nakakaalala sa akin. Meron din appreciation.”

Dugtong pa niya, “’Yung retirement, siguro at the right time.”

Katunayan, ang pagtatrabaho raw ang nagsisilbing therapy niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Jaclyn, "At yung mga kasama ko sa trabaho, sila ang nagiging extended family ko kahit three months.

"Lalo na ngayong nag-iisa ako, gusto ko ng lock-in. I tend to get away from the house, being alone.

"Kapag nasa set ka, masaya ka, may kakuwentuhan ka, may colleague ka na you share the same things in life.

"Kapag ganyan, tinatamaan ka talaga."

NOT REALLY LOOKING FOR A PARTNER

Sa patuloy na panayam ng PEP.ph, nabanggit ni Jaclyn na ang ama ni Gwen na ang masasabing huli niyang nakarelasyon.

Kaya diretsahan namin siyang tinanong kung may panghihinayang siyang hindi na siya sumubok muling ma-in love.

"Wala na. Wala, magsi-sixty [60] na rin ako," aniya.

"Siguro ngayon ko lang nararamdaman na ang sarap ng may kasama. Sana may naiwan.

"Kasi yung anak ko, yung lalaki, talagang pinu-push ako niyan. ‘Nanay, gusto mo i-open kita ng Tinder?’"

Pero nananaig pa rin ang pagiging ina ni Jaclyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi kung magkakaroon ako ng katuwang sa buhay at baka maparamdam ko lang sa anak kong lalaki na nabalewala na siya.

"Kasi siyempre, ang katabi mo na…"

Tukoy pa ni Jaclyn sa anak na si Gwen, "E, ‘yan, kapag papasok ‘yan dito, biglang yayakap anytime.”

Balik sa usapang love life, ani Jaclyn, "Kung may kasama ako, siyempre maiilang na ‘yan.

"So, kumbaga, yung sa kanya pa rin ang inisip ko. Kaya sabi ko, kung magkakaroon din ako ng katuwang sa buhay, pero yung anak ko naman ang makakaramdam na parang male-left out siya, huwag na lang.

"Mas importante sa akin ang feelings ng mga anak ko kesa sa feelings ko."

Kaya ang mindset ni Jaclyn: “Hindi na rin. It’s too late na rin for me to enter a relationship.

"Hindi na. Doon na lang ako sa place ko sa Laguna at magtanim."

JACLYN IS HAPPY WITH GMA-7

Ibinahagi rin ni Jaclyn sa PEP.ph na masaya siya sa Kapuso Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maituturing na lehitimong Kapuso siya dahil halos isang dekada na raw siyang eksklusibong sa GMA Network nakakontrata at gumagawa ng mga programa.

Sa nagdaang halos tatlong taon na may pandemya, naging aktibo pa rin ang Kapuso actress at Cannes Best Actress sa paggawa ng mga teleserye.

Katatapos lang ng huling prime-time series niya sa GMA-7, ang Bolera, na pinagbidahan ni Kylie Padilla.

Saad ni Jaclyn, "Actually, ang pagiging Kapuso ko ang isa rin sa dahilan kung bakit gusto ko pang mag-stay. Kasi, masarap mag-give back sa nagbigay sa ‘yo ng marami.

"Ilang taon na ako sa GMA, ten years, eleven… pero napaka-generous nila sa akin.

"I feel na selfish nga after kong mag-post [na I want to retire].

"Mahal na mahal ako ng GMA. Hindi ako nawawalan ng project, hindi basta-basta. I’m just very grateful to them.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MESSAGE FOR OTHER SINGLE PARENTS

Sa huli, hiningan namin siya ng mensahe para sa mga single parent ding katulad niya.

Saad ni Jaclyn: "Siguro before it’s too late, maghanap sila ng katuwang. Yung makakasama sa buhay hangga’t maaga pa.

"Kahit na may mga anak na sila, kung single parent ka, isipin mo, aalis at aalis ang mga ‘yan. Maiiwan kang mag-isa.

"Kailangan ipaunawa rin natin sa mga anak natin. Although minsan, ang kalaban din natin, tayo na mismong mga nanay. Kasi, ayaw nating may masabi ang anak natin or masaktan.

“Kailangang maging matapang ka thinking of your future. Para kung umalis man sila, iiwanan ka, may kanya-kanya nang buhay, e, meron kang makakasama. Mahirap mag-isa. Malungkot mag-isa.”

Ano ang laman ng panalangin ng isang Jaclyn Jose?

"Sana maalala ako ng mga anak ko palagi.

"If it’s not too much to ask, I know they’re busy. They have their own lives. Andi has a family. My son is studying so hard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero gusto ko na sana lagi nila akong naaalala," emosyonal pa rin niyang pahayag.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jaclyn Jose's tearful confession about missing her kids Andi and Gwen: "Inisip ko, ‘Para saan pa ‘tong lahat na ginagawa ko? Wala naman yung mga anak ko. Hindi naman nila ako naaalala.’ Nagpapakahirap ako, mukha akong tanga. Tapos, nag-iisa lang ako, pero hindi naman ako naaalala. Parang, ano ba ‘to? Gigising ako. Pero, wala akong dahilan para bumangon. Wala naman akong paglulutuan."
PHOTO/S: Pau Gueverra / @andieigengirl / @jaclynjose Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results