Watch Now

Gerald Anderson bonds with girlfriend Julia Barretto amid rumors linking him to Kylie Padilla

by Rachelle Siazon
Sep 5, 2022
Gerald Anderson and girlfriend Julia Barretto
Gerald Anderson and girlfriend Julia Barretto spotted on a double date with friends this Monday, September 5, 2022.
PHOTO/S: @andersongeraldjr / @juliabarretto Instagram

Going strong ang relasyon ng magkasintahang Gerald Anderson, 33, at Julia Barretto, 25.

Ito ang dating ng pakikipag-bonding ni Gerald hindi lang kay Julia kundi sa buong pamilya ng aktres.

Ang ina ni Julia na si Marjorie Barretto ang nagbahagi ng ilang litrato na kuha mula sa isang pagtitipon.

Ibinahagi ito ni Marjorie kahapon, September 4, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Lunes, September 5, 2022, namataan din sina Julia at Gerald na ka-double date ang kaibigan nilang sina Joe at Bianca Vargas sa isang Japanese restaurant.

Julia Barretto, Gerald Anderson

GERALD AND KYLIE ISSUE

Hindi kaila sa sumusubaybay kay Gerald na may netizens na nagbigay-malisya sa ugnayan ng aktor sa leading lady na si Kylie Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dalawang linggo ang nakararaan mula nang kumalat sa social media na nabuntis diumano ni Gerald si Kylie.

Magkatambal sina Gerald at Kylie sa pelikulang Unravel, at ginamit ang behind-the-scene photos nila para palabasin sa ilang YouTube vlogs na may relasyon sila.

Nakasaad pa sa kumalat na vlogs na third party si Kylie sa hiwalayang Gerald at Julia Barretto.

Pero mariing pinabulaanan iyon ni Kylie.

August 23, 2022 nang bigyang-linaw ni Kylie na magkaibigan lang sila ni Gerald, at walang katotohanan ang isyung buntis siya.

Hindi rin daw maintindihan ni Kylie kung saan lupalop nakuha ang maling balita na sila.

No reaction si Gerald sa isyu.

Patunay naman ang masayang pagkikita nila ni Julia na hindi totoo ang balitang hiwalay na sila.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Anderson and girlfriend Julia Barretto spotted on a double date with friends this Monday, September 5, 2022.
PHOTO/S: @andersongeraldjr / @juliabarretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results