Watch Now

Zeinab Harake recalls darkest moment after breakup with Skusta Clee

by Rachelle Siazon
Sep 7, 2022
Zeinab Harake, Skusta Clee
What YouTuber Zeinab Harake learned after painful breakup with rapper Skusta Clee: "Self, huwag ka na magpapaabuso. Matuto ka magbigay ng limitasyon sa mga bagay-bagay at sa mga taong nakapaligid sa 'yo."
PHOTO/S: @zeinab_harake / @extraordinaryl Instagram

Muntik nang ibenta ni Zeinab Harake ang bahay niya nang maghiwalay sila ng rapper na si Skusta Clee.

Araw-araw raw kasi siyang umiiyak at hindi niya kinakayang harapin ang mga alaala ng pagsasama nila noon.

Lahad ni Zeinab, "Kasi talagang dumating yung time na hindi ko kaya, ni pumikit or mag-stay sa room na yun. Hindi ko kaya.

"Kaya dun ako sa crib ng anak ko natutulog. Ang tangkad ko pero talagang baluktot ako.

"Lagi masakit katawan ko, pero mas pinipili ko dun kasi yun yung nakapagpagaling sa akin."

Dagdag niya, "Siguro mga two months ang dilim-dilim talaga. Iyak lang ako nang iyak. Wala akong ginawa kundi ngumalngal."

Nakapanayam siya sa Kapamilya talk show na Magandang Buhay nitong Martes, September 6, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

March 2022 nang maghiwalay sina Zeinab at Skusta.

Dati nang naibahagi ni Zeinab na ang pambababae umano ni Skusta ang mitsa ng kanilang breakup, at siyang dahilan ng pagkalaglag ng ikalawang anak sana nila.

Ang unang anak nila na si Bia ay nagdiwang ng first birthday noong March 2022.

ON MOVING ON

Hanggang sa naubos din ang luha ni Zeinab.

"Paano ko nalaman na naka-move on na ako? Siguro nung time na nakakatulog na ako sa kuwarto ko.

"Tapos dumating yung time na okay na, ang saya ko na pala.

"Sobrang happy and thankful ako ngayon kasi araw-araw gigising ako masaya ako."

Buti na lang at hindi raw ibinenta ni Zeinab ang bahay niya.

"Kahit saan ako natutulog sa loob ng bahay ko. Dati, pagpasok pa lang ng gate [umiiyak ako], 'Di ko kaya sa bahay na 'to!'

"Pati yung bahay na yun gusto ko ibenta. Ngayon, hindi na.

"Bakit ko kailangan isisi yung mga bagay dun sa ang tagal naman nang nandidiyan?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LESSON LEARNED

Kung may isang bagay na natutunan si Zeinab, iyon ay ang pagkakaroon ng boundaries.

Sabi niya, "Self, huwag ka na magpapaabuso. Matuto ka magbigay ng limitasyon sa mga bagay-bagay at sa mga taong nakapaligid sa 'yo.

"Kasi kaya ka nasasaktan at kaya ka bumabagsak dahil sa mga taong minamahal mo.

"So ngayon, you can give love pero make sure na mas mahal mo sarili mo."

Sabi naman niya ukol sa heartbreak, "Kung halimbawa ma-experience ko siya ulit, alam ko na kung paano ko siya kokontrolin, paano ko siya iha-handle kasi tapos na ako sa kanya."

READY TO LOVE AGAIN

Handa na ba siyang magmahal muli?

Sagot ni Zeinab, "Sabi ko naman, di ko bina-block yung heart ko. Naniniwala pa rin ako sa happy ending.

"Maling tao, oo, nangyari na. Pero hindi lahat ng tao mali para sa 'yo.

"May dadating na tamang tao na magbibigay ng linaw, ng sagot, sa mga bagay na di mo nasagot nung nae-experience mo pa yun sa maling tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, feeling ko, ready na heart ko. Di ko siya kinu-close. Kasi, mapagmahal talaga ako, e."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
What YouTuber Zeinab Harake learned after painful breakup with rapper Skusta Clee: "Self, huwag ka na magpapaabuso. Matuto ka magbigay ng limitasyon sa mga bagay-bagay at sa mga taong nakapaligid sa 'yo."
PHOTO/S: @zeinab_harake / @extraordinaryl Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results