May bago na bang napupusuan si Joshua Garcia?
Ito ang tanong ng masugid na fans ng Kapamilya actor matapos niyang gawan ng Instagram reel ang YouTuber at college student na si Bella Racelis.
Mayroong separate Instagram account si Joshua, na may handle na @jeg.imahe, kunsaan ibinabahagi niya ang kanyang hilig sa photography. Madalas niyang muse o subject ay mga malapit na kaibigan at katrabaho.
Sa IG reel, kinunan ni Joshua si Bella na naglalakad sa garden ng isang establishment. May kalakip din iyong ibang snapshots ng dalaga na black and white at colored.
Hindi malinaw kung dalawa lang silang nagpunta sa lugar na iyon o may kasamang mga kaibigan.
Hindi ito nakaligtas sa mapanuring fans na napansing madalas na naka-like si Joshua sa Instagram posts ni Bella.
Nag-iwan din ng palaisipan ang palitan ng fish at dolphin emojis ng dalawa.
May paramdam ding kaway emoji si Joshua sa latest IG post ni Bella.
Nakita rin ng fans ang hiwalay na okasyon kunsaan lumabas sina Joshua at Bella kasama ng ilang mga kaibigan.
- Princess Punzalan overcomes inner wounds when she reconciled with late dad Orly Punzalan
- Netizens ask: is Julia Montes pregnant with Coco Martin's child?
- Jaclyn Jose opens up about emotional struggles as a single parent: "At the end of the road, you feel all alone."
NETIZENS' REACTIONS
Kaya nagsitanungan ang netizens kung tapos na raw ba ang pila sa Kapamilya heartthrob na madalas na nagba-viral ang TikTok posts dahil sa mga tagahanga.
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang opisyal na pahayag sina Joshua at Bella kung ano nga ba ang ugnayan nila.
WHO IS BELLA RACELIS?
Si Bella Racelis ay isang content creator na may 1.21 million subscribers sa YouTube.
Ayon sa feature articles ng candymag.com, siya ay nag-aaral sa De La Salle University.
Nagtapos siya ng high school sa De La Salle Lipa Integrated School ng may honors.