Watch Now

Ruru Madrid on Bianca Umali being 'the one': "Parang lahat ng gusto ko sa isang babae ay nasa kanya na."

by Arniel C. Serato
Sep 8, 2022
Ruru Madrid admits Bianca Umali is "the one" for him
Ruru Madrid on girlfriend Bianca Umali: "Ang sarap sa pakiramdam na parang lahat ng gusto ko sa isang babae, ay nasa kanya na, e."
PHOTO/S: Sany Chua

Pakiramdam ni Ruru Madrid, ang girlfriend na si Bianca Umali na ang “the one” para sa kanya.

Sinabi ito ng Lolong star sa panayam ni Toni Gonzaga sa kanya para sa online talk show nitong Toni Talks nitong nakaraang September 4, 2022.

Hindi rin lang “more than dating” ang kanilang ugnayan, taliwas sa sinabi ni Ruru sa panayam nito sa Kapuso Mo Jessica Soho noong August 21.

Read: Ruru Madrid finally admits real score with Bianca Umali: "We're dating for four years."

Tanong ni Toni kay Ruru: “Would you say that at this point in your relationship, she is the one? You have found the one?”

Pagmamalaking sagot ni Ruru: “I would say, yeah. Yes po.”

Ruru Madrid admits Bianca Umali is

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ng Kapuso actor, “I mean, simula nung time na parang umabot ako dun sa point na puwede na akong magkaroon ng relationship, ngayon lang ako nakakita ng tao na parang susuportahan ako nang sobra and ganun din siya, natatanggap din niya yun.

“And willing siya na mag-take ng risk para lang maipakita niya sa akin or maiparamdam niya sa akin kung gaano ako kaimportante sa kanya.

“So, ang sarap sa pakiramdam na parang lahat ng gusto ko sa isang babae ay nasa kanya na, e.

“Kasi, we started na parang hindi namin kasi talaga sinasabi sa mga tao kung ano yung relationship namin, sobrang naging discreet kami.”

Bakit ginawa nila itong tila pribado?

Saad ni Ruru, “Yes, its hard, e. Parehas po kaming galing sa isang... sa love team. It was really hard.

"Parang lahat ng gagawin niyo, binabantayan. So, ito na lang yung natitirang bagay sa akin na maki-keep ko sa sarili ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Toni: “Sacred?”

“Yes, ganun siya kasagrado sa akin,” sabi ni Ruru.

ON LOVE & RELIGION

Sa isang bahagi ng panayam, napag-usapan din ang tungkol sa strong faith ni Ruru sa kanyang kinaaanibang relihiyon, ang Iglesia Ni Cristo (INC).

Miyembro ng INC ang pamilya ni Ruru.

Tanong ni Toni: siya ba ang dahilan ng pag-convert ni Bianca sa INC?

Read: Ruru Madrid at Bianca Umali, magkapatid na sa pananampalataya

Ayon sa Kapuso actor, maraming pagdadaanan ang isang tao para maging miyembro ng Iglesia.

Walong buwan ang proseso nito. Matapos ang 25 lessons, saka sasalang sa mga pagsubok at dapat hindi lumiban sa mga takdang araw ng pagsamba.

Bukod pa rito, dapat dumalo sa tinatawag nilang mga pulong para makumpleto ang proseso.

Dagdag ni Ruru, “For her kasi, inaral po muna niya and same then with me. Kaya somehow hindi ko masabi na just because of me kaya niya po ginawa yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Toni, “Kasi for a woman to convert her religion…”

Pagsang-ayon ni Ruru, “It’s a big step.”

Dagdag pa ni Toni, “It’s a big step and she’s really showing you her commitment. That she wants to share the same faith na meron ka.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruru Madrid on girlfriend Bianca Umali: "Ang sarap sa pakiramdam na parang lahat ng gusto ko sa isang babae, ay nasa kanya na, e."
PHOTO/S: Sany Chua
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results