Watch Now

Is Shaira Diaz ready to settle down with Edgar Allan Guzman?

by Noel Orsal
Sep 9, 2022
Shaira Diaz and Edgar Allan Guzman
Shaira Diaz on boyfriend Edgar Allan Guzman: “Pero sinasabihan ko kasi siya. Sabi ko sa kanya, ‘Huwag ka muna magpro-propose ha, kasi gusto ko pang mag graduate, gusto ko pang magkabahay nang sarili ko. Gusto ko may something ako for myself ‘tsaka sa pamilya ko.”
PHOTO/S: Sany Chua / Noel Orsal

Inamin ni Shaira Diaz, 27, na ang longtime boyfriend na si Edgar Allan Guzman, 32, ang lalaking nais niyang makasama habambuhay.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ibinahagi ng Kapuso actress ang pagnanais nila ni Edgar na lumagay sa tahimik sa tamang panahon.

“Well, hindi ko itatanggi na napag-uusapan na namin iyan. Siyempre medyo matagal na rin kami ni Edgar, nine years na, so hindi naman biro yung nine years, di ba?

“So ako, napag-uusapan naman, pero siguro I'm giving myself three to four years siguro before settling down.

“Pero siyempre, ayaw ko naman magsalita nang tapos, di ba, marami pa kasing puwedeng mangyari.

“Pero binibigyan namin yung isa't isa ng time, alam mo yun, na magawa yung mga gusto naming gawin as an individual,” saad ni Shaira.

Kung sakali bang mag-propose si Edgar, ano ang magiging sagot ni Shaira?

“Alam ko naman na magye-yes at magye-yes ako sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero alam niya kasi na kung anytime soon, like, kunwari ngayong taon na ito, magno-no pa ako.

“Pero sinasabihan ko kasi siya. Sabi ko sa kanya, ‘Huwag ka muna magpro-propose ha, kasi gusto ko pang mag-graduate, gusto ko pang magkabahay nang sarili ko.

“Gusto ko may something ako for myself tsaka sa pamilya ko.”

Si Shaira ay nag-aaral ng Marketing and Management sa University of Perpetual Help sa Las Piñas City.

“Fourth year na ako. Pero siguro kukunin ko siya mga meron pa akong one and a half year or two years para matapos lahat siya, kasi marami pa akong naiwan na subjects,” aniya.

Ibig bang sabihin matatagalan pa bago siya sumagot kay EA just in case mag-propose ito?

“Yes! Oo. Matatagalan pa,” tugon ng Lolong star.

Shaira Diaz at PH Care event

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapanayam ng PEP.ph si Kakay sa event ng PH Care na ginanap sa Trinoma activity center sa Quezon City, nitong Biyernes, September 9, 2022.

ON SHAIRA’S PET DOG THAT PASSED AWAY

Naibahagi rin ni Shaira na “moving forward” na siya matapos pumanaw ng alaga niyang aso na si Kakay, isang nine-year-old Siberian Husky.

Read: Shaira Diaz mourns loss of pet dog: "Durog na durog ang puso ko"

“Ayaw naman natin na mag-stay lang tayo na nalulungkot, di ba? Siyempre, gusto natin maging happy pa rin.

“And I’m sure na si Kakay ay nasa magandang place na siya, kasama niya na si Papa Jesus dun, so hindi na siya mahihirapan.

“So, yun na lang yung nakakapagbigay ng comfort sa akin — to know na she's with God.”

Malapit si Shaira kay Kakay, na ipinangalan niya sa kanyang first lead role sa defunct TV5 comedy-drama series, ang Madam Chairman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Galing daw sa sarili niyang ipon ang ipinambili sa alagang aso.

Sabi pa niya, “Ayun talaga yung first baby namin ni Edgar. Para sa akin siguro, kaya ganun na lang talaga kasakit, kasi parang first-born ko yun.”

Shaira and EA with Kakay

May lima pang aso si Shaira na inaalagaan sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, more on dog lover talaga ako, so natatakot ako kasi parang maraming beses na rin ako namatayan ng aso.

“Pero siguro, lahat sila masasakit, pero itong kay Kakay siguro yung pinakamasakit kasi parang she's the smartest dog I've ever had.

“So, parang yun, iba yung sakit nito, e. Pero, well, pinaplano ko igugol ko na lang sa mga natitira kong dogs siyempre yung pagmamahal, yung care.

“Ayaw ko nang mangyari sa kanila yung nangyari kay Kakay,” sabi ng Kapuso actress.

Shaira Diaz's dog Kakay

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

ON LOLONG

Lubos naman ang saya ni Shaira sa top-rating Kapuso prime-time series na Lolong, kunsaan katambal niya si Ruru Madrid.

Saad niya, “Sobrang happy po kami sa reception, sa lahat ng natatanggap namin na comments from the viewers.

“Hindi namin ini-expect na ganito kalaki yung magiging impact ng Lolong sa mga tao, na talagang sinasabi nila na napupulutan talaga nila ng aral yung programa namin.

“Parang very rewarding sa pakiramdam naming mga artista.”

Worth the wait daw dahil dalawang taon ginawa ang serye dahil sa dami ng delays na dala ng pandemya.

“Parang dun pa lang, nasubukan talaga kami lahat ng pasensiya namin, pinaghirapan namin…

“Napagod kami maghintay, pero walang sumuko. And binigyan talaga namin ng effort talaga, pinaganda namin yung Lolong.

“Kaya ang sarap sa pakiramdam na ang laki-laki yung balik sa amin.”

Mataas daw yung ratings ng Lolong?

“Yes! Pumapalo na kami ng 18.9, yun ang highest namin so far. So, isa na lang, magna-19 na kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sobrang happy at sobrang nagpapasalamat kami sa lahat ng Kapuso na tumatangkilik sa Lolong.”

Lolong cast: Arra San Agustin, Ruru Madrid, Shaira Diaz, and Paul Salas

Kumusta katrabaho si Ruru?

Sagot ni Shaira, “Ay, ang saya katrabaho ni Ruru! Dito ko siya sobrang nakilala. Parang gugustuhin mo siyang makatrabaho ulit.

“Kasi bukod sa talaga naging magkaibigan na kami, mararamdaman mo na genuine siyang tao, sincere siya sa trabaho niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakakahawa yung pagiging dedicated niya, tsaka motivated siya pag nagtatrabaho siya.

“So yun, nakakatuwa kasi suportahan kami. Very supportive si Ruru. Kapag may problema ang isa, tsine-check niya palagi, so nakakatuwa na may ganun kang katrabaho.

“Tapos, siya pa yung bida. Hindi mo mararamdaman na, ‘A, bida ako, bahala kayo diyan.’

“Pero siya, concerned siya sa lahat and pinapakita niya na nagke-care siya sa amin.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shaira Diaz on boyfriend Edgar Allan Guzman: “Pero sinasabihan ko kasi siya. Sabi ko sa kanya, ‘Huwag ka muna magpro-propose ha, kasi gusto ko pang mag graduate, gusto ko pang magkabahay nang sarili ko. Gusto ko may something ako for myself ‘tsaka sa pamilya ko.”
PHOTO/S: Sany Chua / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results