Watch Now

Barbie Imperial on claim she and JM de Guzman were mere 'fubus': "May emotions yun."

by Bernie V. Franco
Sep 14, 2022
barbie imperial
Barbie Imperial speaks up about the real score between her and JM de Guzman in the past. The actress also answers involvement with a politician (inset).
PHOTO/S: YouTube (Barbie Imperial)

Sinagot ni Barbie Imperial, 24, ang alegasyong naging “fubus” lang sila noon ng aktor na si JM de Guzman, 34.

Ang “fubu” ay abbreviation ng “f*ck buddy,” isang slang na tumutukoy sa pagkakaroon ng sexual relationship pero walang commitment.

Naging malapit sina Barbie at JM sa 2018 ABS-CBN afternoon drama series na Araw Gabi.

Reaksiyon ni Barbie ukol sa isyu: “Uy, grabe, hindi naman fubu. May emotions naman yun.

“’Tsaka wala namang nangyari sa…”

Pagkatapos nito ay tumawa nang malakas si Barbie. “Joke lang!

“Hindi. No. It wasn’t just fubu. Ako, siyempre, ni-love ko talaga si Em [JM].

“Di ba nga, sabi ko sa recent vlog ko, kahit hindi ex, minahal pa rin talaga.

“Hindi. Hindi kami fubu, may emotions yun. Minahal talaga.”

Nagsalita si Barbie sa kanyang YouTube vlog na ipinost noong September 11, 2022.

PAST INVOLVEMENT WITH JM

Sa interview kay Barbie sa defunct ABS-CBN talk show na Tonight With Boy Abunda (TWBA) noong 2019, idinetalye ng aktres ang namagitan sa kanila ni JM.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos mag-break noon ni Barbie at ng kanyang ex-boyfriend na si Paul Salas, naroon daw palagi para sa kanya si JM.

Napalapit ang loob nila sa isa’t isa, pero naging maiksi ang pagkakamabutihan nila.

Sabi ni Barbie sa TWBA: “Sinabi naman po namin dati na parang di pa siya okay din. So, parang kaming dalawa po, dalawang tao na wasak.

“Tina-try namin parehong ayusin yung isa’t isa. Buuin yung isa't isa. Pero hindi po pala puwede iyon.

“Dapat parang meron at least isang tao na buo kasi ang hirap kung wasak ka na nga, tapos wasak din yung aayusin mo. Paano mo aayusin yung sarili mo?”

BARBIE CURRENTLY IN A RELATIONSHIP WITH A POLITICIAN?

Sinagot din ni Barbie ang isyung karelasyon niya ngayon ang isang pulitiko at nakunan silang mgkasama sa airport.

Pinangalanan ng netizens ang pulitiko bilang si Mico Clavano, na naging nominee noon sa Bisaya Gyud party-list.

barbie imperial mico clavano

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Barbie, “Hindi ko siya boyfriend, pero lumabas kami couple of times.

“And he’s a very good man, [he] came from a very good family, like sobrang bait ng family niya.

“But di ko siya boyfriend…”

Kasunod nito ay natatawang sumigaw si Barbie at inihagis ang hawak niyang throw pillow.

“Ang hirap!

“Hindi ko po siya boyfriend. Pero… palagi kaming nagkakasama as a group.”

Muling tumawa si Barbie at sinabing, “Sobrang hindi ko kayang mag-lie.

“Okay na yun, bahala na kayong manghula kung ano ang meron sa amin.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Imperial speaks up about the real score between her and JM de Guzman in the past. The actress also answers involvement with a politician (inset).
PHOTO/S: YouTube (Barbie Imperial)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results