Watch Now

Are Carlo Aquino and Trina Candaza getting back together? Trina speaks up

by Rachelle Siazon
Sep 14, 2022
Trina Candaza
Trina Candaza admits to going out with Carlo Aquino and their daughter, but clarifies that they are not yet back together.
PHOTO/S: @trinacandaza / @niceprintphoto Instagram

Ginulat nina Carlo Aquino, 37, at Trina Candaza, 26, ang netizens sa pagsasama nila sa second birthday ng kanilang anak na si Mithi.

Walong buwan na ang nakalilipas mula nang maghiwalay sila, at hindi kaila na kontrobersiyal ang mga patutsada noon ni Trina tungkol sa diumano'y pagkakaroon ng third party ng Kapamilya actor.

Nag-alsa balutan si Trina at umalis ng bahay ni Carlo kasama ni Baby Mithi. Simula January 2022 ay nakatira na ang mag-ina sa condo unit ni Trina.

Noong July 2022, prangka ring sinagot ni Trina ang netizens na ang dahilan kung bakit hiwalay sila ni Carlo ay dahil malabo ang konsepto ng aktor ng commitment sa kanilang binuong pamilya.

Tila hindi rin naniniwala si Carlo sa pagpapakasal, base sa mga salitang binitiwan ni Trina.

Hanggang sa nito ngang September 9, 2022, isinapubliko ni Trina ang mga larawan nila nina Carlo at Baby Mithi mula sa party ng bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa YouTube vlog niya, ipinaliwanag ni Trina na totoong on good terms sila ni Carlo.

"Yung status namin ngayon, we're okay, nag-uusap kami. Actually, ngayon-ngayon lang kami naging okay.

"Talagang nagkakausap kami. But of course, para kay Mithi, okay naman kami.

"Nagbi-visit siya dito sa condo pag wala siyang work and lakad. Stay siya dito for a few hours.

"Nagmo-mall din kami together, kaming family. So ayun, parang kakain lang. Dinadala si Mithi sa Kidzoona.

"Video call if busy siya, nasa work or nasa ibang country," saad ni Trina.

Naging tapat naman si Trina na hindi siya sarado sa posibilidad na magkabalikan sila ni Carlo.

"Ang hirap magsabi ng oo o hindi o wala kasi di mo naman alam kung ano yung mga mangyayari.

"Ang hirap din i-process nung mga nangyayari pa ngayon. Natatanggap na, pero prino-process pa at nag-a-adjust pa.

"So, di ko alam, e. Pero siyempre, di naman iko-close yung doors kasi meron kaming anak."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero kung hindi man maging sila ulit, sabi ni Trina, "But I think masaya naman na siya ngayon.

"So, okay na rin siguro na ganito. At least happy and okay kami."

Halos tatlong taon ang relasyon nila bago nakipag-break si Trina kay Carlo noong January 2022.

Noong March 2022, sinabi ni Carlo na bahala na ang "tadhana" kung anuman ang kapalaran nila ni Trina.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Trina Candaza admits to going out with Carlo Aquino and their daughter, but clarifies that they are not yet back together.
PHOTO/S: @trinacandaza / @niceprintphoto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results