Watch Now

Julia Barretto on forgiving dad Dennis Padilla: “Hindi ko ipagkakait ang forgiveness but I'm just not ready.”

by Arniel C. Serato
Sep 16, 2022
Julia Barretto speaks up on rift with dad Dennis Padilla
Julia Barretto opens up about strained relationship with dad Dennis Padilla: "I’m just very scared because I feel, like, over the years, it’s just a cycle of making up and getting hurt and then making up and getting hurt."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Inamin ni Julia Barretto na hindi pa rin sila on speaking terms ng amang si Dennis Padilla.

Sa vlog ng ABS-CBN broadcaster na si Karen Davila na inilabas kagabi, September 15, nagbigay ng paliwanag si Julia kung bakit hindi na uli sila nagkaroon ng komunikasyon ng ama.

Tanong ni Karen sa kanya: “Where are you now with your dad?”

Ayon kay Julia, tila paulit-ulit na lang ang pangyayaring nagkakaayos sila at nagkakaroon muli ng tampuhan.

“I'll be very honest, we have not spoken, and it's because there's just so much fear inside me now, if I'm being very open.

“I’m just really scared because I feel, like, over the years, it’s been a cycle of making up and getting hurt and then making up and then getting hurt.

“You know, I kinda just want to huminga lang muna from that cycle.

"And, you know, I've just been praying also na, I don’t know, maybe in God's time and way na, you know, mag-meet kami in the middle without having to get hurt again.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong 2015, nag-usap at nagkaayos na ang mag-ama matapos ang kanilang sigalot dahil sa nais ni Julia na palitan ang kanyang apelyidong Baldivia—ang totoong apelyido ni Dennis—at gawin itong Barretto, na apelyido ng ina niyang si Marjorie Barretto.

Read: PEP SCOOP. Julia Barretto makes first move to reconcile with dad Dennis Padilla

Nasundan ito ng ilan pang maliliit na tampuhan nilang mag-ama.

Ang isa pang pumukaw sa atensiyon ng publiko tungkol sa kanilang sigalot ay ang hayagang post ni Dennis noong June 2022, kung saan sinabi niyang nagtampo siya sa kanyang mga anak dahil hindi siya binati ng mga ito noong Father’s Day, June 19.

Bukod kay Julia, ang dalawa pang mga anak ni Dennis kay Marjorie ay sina Claudia at Leon Barretto.

Read: Dennis Padilla laments not getting Father’s Day greeting from children Julia, Claudia, Leon

ON FORGIVING HER OWN FATHER

Tinanong ni Karen si Julia kung napatawad na ba ni Julia ang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugon ng aktres, “I think, it’s not difficult for us to forgive, but it’s difficult to really just…

"It’s not the forgiveness, it’s to forget. But there's just a lot of fear because I don’t know what’s gonna happen.

"But forgiveness, of course, definitely, that’s my own peace of mind, di ba?”

Pero diin ni Julia, “Hindi ko ipagkakait ang forgiveness but I'm just not ready.

"I think, there's just been so much pain over the years since I was young, so parang I got tired of the same thing."

Sa tingin ba ni Julia ay mas naging mabigat ang pinapasan niya sa balikat dahil sa alitan nilang mag-ama?

Sagot niya, “Di ba nga, sa commandments, the Bible, no matter what happens, they’re your parent?

"So, I always ask God, I always ask him, ‘You know, a parent is a parent and I’m only just a child, but at the same time, saan yung boundary na a child is also allowed to get hurt and have their own pains?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And I just need more love from him, I think. I just need more love, more protection.

"I just feel, like, he should be my number one protector, and that's not really what I'm getting right now from him, so it does hurt.

"It does hurt because dapat siya yung tinatakbuhan ko, di ba? But, it's sad that I can't.

"So, I pray for it. Like, 'God, can you forgive me even if, like, right now, hindi pa okay lahat?'”

Paano kung subukan pa rin ni Dennis na lumapit sa kanya?

Pag-amin ni Julia, sinusubukan naman ng ama na magkaayos sila. Kaso nga lang, ayaw raw niyang pilitin ang sarili na manumbalik ang dati nilang relasyon.

Saad niya, “I won't lie, I mean, he’s tried. I’m just really not ready and ayokong… I don’t wanna force myself also.

"Because if you force yourself, then it’s not genuine, hindi siya totoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, I wanna get to a point na when we speak, it’s when I’m ready.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto opens up about strained relationship with dad Dennis Padilla: "I’m just very scared because I feel, like, over the years, it’s just a cycle of making up and getting hurt and then making up and getting hurt."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results