Watch Now

Derek Ramsay appreciates John Lloyd Cruz for saying he is raising Elias well

by Melba R. Llanera
Sep 16, 2022
Derek Ramsay, Ellen Adarna and Elias; John Lloyd Cruz
Derek Ramsay on treating Elias like his own son: "I will always be there to love and protect Elias. Elias is a very smart and affectionate boy. Sobrang bait and respectful." Derek and wife Ellen Adarna even brought Elias when they went to their African safari honeymoon trip last February. Seen on the left photo is John Lloyd Cruz, the father of Elias, during the Crown Artist Management anniversary last March.
PHOTO/S: @ramsayderek07 Instagram / Rachelle Siazon

Ikinatuwa ni Derek Ramsay ang papuring natanggap mula sa ama ni Elias na si John Lloyd Cruz.

Eksklusibong nakapalitan ng mensahe ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derek ngayong Biyernes, September 16, 2022.

Ipinarating namin sa kanya ang sinabi ni John Lloyd na maganda ang pagpapalaki ni Derek kay Elias kaya't lumalaking mature at mabait na bata ang anak.

Si Derek ay mister ni Ellen Adarna, na dating nobya ni John Lloyd. Anak nina Ellen at John Lloyd si Elias, 4, na nasa poder nina Ellen at Derek.

"I appreciate the kind words he has expressed. I will always be there to love and protect Elias," saad ni Derek.

Ang comedian-manager-reporter na si Ogie Diaz ang nagbalita sa nakaraang vlog nito tungkol sa papuri ni John Lloyd kay Derek.

Nakausap ni Ogie si John Lloyd, na dating bida ng defunct Kapamilya sitcom na Home Sweetie Home, kunsaan kabilang din sina Ogie at Ellen noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag naman ni Derek sa PEP.ph, natutuwa siyang lumalaking mabait na bata si Elias at marami silang bonding moments na dalawa.

Base na rin sa social media posts nina Derek at Ellen, kitang-kita kung paano nila alagaan si Elias na madalas pa nilang kasamang matulog sa kama.

Kasama rin si Elias sa halos lahat ng mga lakad ng mag-asawa, at makikitang magiliw at malapit ito kay Derek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Derek, "Elias is a very smart and affectionate boy. Sobrang bait and respectful.

"Elias and I really get along kasi same maturity level. Hahahaha!

"Ngayon, nagpapabili na siya ng mga golf gloves. Mahirap lang turuan kasi alam na daw niya. Tinuturuan ko siyang pumalo ng golf ball, sabi ko, 'Do this.' Sabi niya, 'No, I know already.'

"Sabi ko, 'No, you don't know anything yet.' Sagot niya, 'No, I know everything.' Wala na akong masagot. Sabi ko na lang, 'Sige, you know everything.'"

DEREK ON ELLEN AS AN "AMAZING WIFE"

Ibinahagi rin ni Derek na masaya at kuntento siya sa itinatakbo ng relasyon nila ni Ellen.

"I know nothing is perfect, but this marriage is close to it. Ellen is a wonderful mother and an amazing wife. We are best friends," sabi ng aktor.

Sa November 11 ang unang anibersaryo nina Derek at Ellen bilang mag-asawa.

Isang blue Bentley SUV ang advanced wedding gift ni Derek para kay Ellen. Sinasabing nagkakahalaga iyon ng PHP11 million.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ellen has always wanted an SUV kasi puro sports car sa bahay. When I saw this car, I knew Ellen would love it.

"Dahil mahirap makuha ang color na ito, I decided na to get it na for her kasi baka mawala.

"We are also planning na mag-out of the country for our wedding anniversary," pagbabahagi ni Derek.

BABY PLANS

Ayon pa kay Derek, sa susunod na taon ay prayoridad na nila ni Ellen ang pagkakaroon ng sariling anak.

Ang anak ni Derek sa una niyang asawa na si Mary Christine Jolly, si Austin, ay 19 years old na.

"Nakaplano na iyan, we plan to have a baby next year, kasi gusto naming i-timing na dragon tulad namin ni Ellen.

"Ellen is an earth dragon, I am a fire dragon. So if we play it right, if she gets pregnant June next year, we will have a wood dragon," paliwanag ni Derek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Baby boy o girl ba ang gusto niya?

Sagot ni Derek, "Well, sa akin kahit ano basta healthy. Pero ako talaga, gusto ko lalake. Hindi ko yata kaya pag daughter, pero siya [Ellen], gusto niya daughter."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay on treating Elias like his own son: "I will always be there to love and protect Elias. Elias is a very smart and affectionate boy. Sobrang bait and respectful." Derek and wife Ellen Adarna even brought Elias when they went to their African safari honeymoon trip last February. Seen on the left photo is John Lloyd Cruz, the father of Elias, during the Crown Artist Management anniversary last March.
PHOTO/S: @ramsayderek07 Instagram / Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results