Watch Now

Rita Daniela clarifies businessman with her in photo not father of her baby

by Bernie V. Franco
Sep 17, 2022
rita daniela
Kapuso actress Rita Daniela (right) takes to Facebook to clarify speculations that the guy with her in a photo (left) she posted is the father of her baby.
PHOTO/S: Facebook (Rita Daniela)

May ginawang paglilinaw si Rita Daniela, 27, kasunod ng pagpo-post niya ng larawan kasama ang isang businessman.

Noong September 12, 2022 ay nag-post ng series of photos ang Kapuso singer-actress sa kanyang social media accounts.

Karamihan dito ay food photos. Pero nakapukaw ng atensiyon sa netizens ang larawan ni Rita kasama ang isang chinitong lalaki.

Mabilis na naghinala ang netizens at marami ang naintriga kung ito ba ang kanyang non-showbiz boyfriend na isa ring negosyante, lalo’t hindi pa ipinakikilala ni Rita kung sino ang ama ng kanyang dinadala.

Nagsunud-sunod sa comments ang pagbati at pag-usisa kay Rita sa comment section.

Bagamat businessman nga ang kasamang lalaki ni Rita sa picture, ayon sa Kapuso star, hindi ito ang kanyang karelasyon.

Paglilinaw ni Rita sa kanyang Facebook nitong September 13: “Hi guys… chill lang kayo jan [smiling emoji] hindi po si Jonathan So ang tatay ng anak ko, just to clarify.

“I was in his office kasi nag shoot kami ng interview for his product.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Keri na??? ok peace na tayo lahat [finger heart emoji]”

rita daniela post

Si Jonathan ay isa sa founders ng JC Premiere, isang direct-selling company sa bansa.

RITA AND THE IDENTITY OF HER PARTNER

Hindi ito ang unang paglilinaw ni Rita kaugnay ng pagkatao ng kanyang non-showbiz partner.

Sa katunayan, kamakailan ay idinaan din ni Rita sa Facebook post ang paglilinaw na hindi pa sila hiwalay ng kanyang non-showbiz boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinawag niyang “fake news” ang ulat ng isang tabloid sa page nito na hiwalay na diumano si Rita at ang ama ng kanyang ipinagbubuntis.

Headline ng artcard: “Rita, hiwalay na sa ama ng kanyang baby.”

Kinontra ito ni Rita sa pamamagitan ng isang post.

Aniya, “Please don’t ever believe this nonsense and I hope that you don’t support this page and the people behind this page because it is clearly spreading fake news just to get likes and comments.”

Saad pa ni Rita, desisyon din niyang panatilihing pribado ang kanyang pagbubuntis.

“My pregnancy journey and personal life has been private and I chose it that way,” sabi niya sa post.

Read: Rita Daniela slams "fake news" about breakup with her baby's father

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Rita Daniela (right) takes to Facebook to clarify speculations that the guy with her in a photo (left) she posted is the father of her baby.
PHOTO/S: Facebook (Rita Daniela)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results