Watch Now

Taguig court orders arrest of Vhong Navarro for rape; no bail recommended

by Arniel C. Serato
Sep 19, 2022
vhong navarro sad
Actor Vhong Navarro is currently detained at the National Bureau of Investigation (NBI) headquarters after a second warrant of arrest was issued by Taguig Regional Court Branch 69 for rape filed by Deniece Cornejo (not in photo) in 2014.
PHOTO/S: Screen grab from TV Patrol

Naglabas na rin ng warrant of arrest ang Regional Trial Court Branch 69 ng Taguig City laban sa actor-TV host na si Vhong Navarro.

Kaugnay ito ng rape case na inihain ni Deniece Cornejo laban sa It's Showtime host noong 2014.

Read: A timeline: Vhong Navarro vs Cedric Lee, Deniece Cornejo legal battle

Ngayong gabi ng Lunes, September 19, 2022, kumalat sa social media ang kopya ng arrest warrant ni Vhong.

Ayon sa dokumentong pirmado ni Judge Loralie C. Datahan ng Taguig-RTC Branch 69, inutusan niya ang kapulisan sa pag-aresto kay Vhong na nahaharap sa kasong “RAPE (UNDER ARTICLE 266-A (1) OF THE RPC AS AMENDED BY R. A. 8353).”

Hindi bailable ang kasong rape at nakasaad sa warrant: “NOT BAILABLE for RAPE (UNDER ARTICLE 266-A (1) OF THE RPC AS AMENDED BY R. A. 8353).”

Mababasa rin na inilabas ang warrant bandang 1:57 p.m. ngayong araw.

Vhong Navarro warrant of arrest for rape

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nauna rito, humarap sa National Bureau of Investigation (NBI) si Vhong kaninang umaga kaugnay naman sa acts of lasciviousness warrant na inilabas ni Judge Angela Din ng Metropolitan Trial Court, Branch 116 ng Taguig City.

Naglagak din siya ng piyansang PHP36,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Read: Vhong Navarro voluntarily surrenders, posts bail for acts of lasciviousness case

Pahayag pa ni Vhong kanina sa media, “Yun nga lang ang nakakalungkot kasi for how many years, akala namin nila Atty. [Alma Mallonga], ng aming legal team, tapos na, patapos na.

“Kaya nagulat kami, parang after ilang years, eto uli nabuhay.”

Read: Vhong Navarro "ang bigat ng loob" matapos magpiyansa

Nitong nakaraang July 31, ipinag-utos ng Court of Appeals (CA) sa Taguig Prosecutor's Office na sampahan ng kasong rape at acts of lasciviousness ang It’s Showtime host.

Ito ay matapos paboran ng hukuman ang petition for review na inihain ni Deniece. Isinantabi na ng CA ang mga resolusyon ng Department of Justice (DOJ) noong April 30, 2018 at July 14, 2020.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: CA orders Taguig Prosecutors to file rape, acts of lasciviousness charges vs Vhong Navarro

Samantala, ayon sa ulat ng TV Patrol, nasa NBI pa rin sa kasalukuyan si Vhong.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Vhong Navarro is currently detained at the National Bureau of Investigation (NBI) headquarters after a second warrant of arrest was issued by Taguig Regional Court Branch 69 for rape filed by Deniece Cornejo (not in photo) in 2014.
PHOTO/S: Screen grab from TV Patrol
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results