Nailipat na sa National Bureau of Investigation (NBI) detention center ang comedian-TV host na si Vhong Navarro ngayong Martes, September 20, 2022.
Nagpalipas ng gabi si Vhong sa NBI headquarters mula kahapon, September 19, matapos ang magkasunod na paglabas ng warrants of arrest laban sa kanya mula sa dalawang korte ng Taguig City.
Read: Vhong Navarro detained at NBI after voluntary surrendering in rape case
Ang unang warrant of arrest na inilabas ng Metropolitan Trial Court, Branch 116 ay may kaugnayan sa acts of lasciviousness case na inihain ni Deniece Cornejo.
Read: Vhong Navarro voluntarily surrenders, posts bail for acts of lasciviousness case
Kinahapunan, naglabas naman ng warrant of arrest ang Taguig Regional Trial Court Branch 69 kaugnay naman ng rape case na inihain pa rin ni Deniece.
Read: Taguig court orders arrest of Vhong Navarro for rape; no bail recommended
Dahil non-bailable ang kasong rape, kailangang ipasok sa selda si Vhong.
Ayon naman sa abogado ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga, maghahain sila ng petition for bail sa kasong panggagahasa.
Sabi niya sa panayam ni Karen Davila sa Headstart ng ANC ngayong araw, “The warrant of arrest with respect to the rape complaint was issued and that case is non-bailable.
"Mr. Vhong Navarro has voluntarily surrendered also in connection with the rape complaint and he is presently detained.
“Under the laws and the procedure, he will continue to be detained until bail is granted to him.
“That will require the petition for bail be filed and we will do it immediately.”
Dagdag pa niya, “Our first and foremost duty, I think, in this case is to set Mr. Vhong Navarro free on bail.”
Read: A timeline: Vhong Navarro vs Cedric Lee, Deniece Cornejo legal battle