Watch Now

Zeinab Harake fangirls over Marian Rivera: "Kung may tagapunas ni Ate Yan, okay lang po ako dun."

by Rose Garcia
Sep 20, 2022
Zeinab Harake and Marian Rivera
YouTube vlogger Zeinab Harake (left) on Kapuso actress Marian Rivera (right): "Si Ate Yan, si Marian Rivera, nine years old pa lang ako, siya na ang pine-peg ko. Sa ngiti ko, sa galaw ko."
PHOTO/S: @zeinab_harake Instagram

Hindi napigilan ni Zeinab Harake ang kiligin ngayong may koneksiyon na sila ng kanyang iniidolong si Marian Rivera.

Isa si Zeinab sa mga sikat na vloggers na may 13 million subscribers sa YouTube, habang si Marian ay kilalang Kapuso Primetime Queen.

"Kung ano man yung arte ko ngayon, feeling ko, ngayon ko lang masasabi...

"Si Ate Yan, si Marian Rivera, nine years old pa lang ako, siya na ang pine-peg ko. Sa ngiti ko, sa galaw ko," pagtatapat ni Zeinab.

Nakapanayam si Zeinab sa mediacon nang ilunsad siyang endorser ng Koreisu toothpaste ng Beautéderm.

Pinusuan daw ni Marian ang Instagram post ng owner ng beauty brand nang maging bahagi si Zeinab ng roster of celebrity endorsers nito.

Sumunod dito ay ang pag-follow back ni Marian kay Zeinab sa Instagram.

Masiglang kuwento ni Zeinab ukol dito: "Ang reaksiyon ko talaga, naglulupasay ako! Napa-tweet din po ako. Sabi ko, binuo ni Ate Yan ang araw ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sinimulan ni Ate Yan na buuin ang araw ko. Morning kasi iyon nung finollow back niya ako. Kaya sabi ko, 'Puwede na akong mamatay.'"

COLLAB WITH MARIAN?

Gusto ba ni Zeinab na maka-collab si Marian?

“Kay Ate Yan po talaga, naisip ko na, e, magpapaturo po talaga ako ng 'Sabay-Sabay Tayo,'" kinikilig na saad ng social media influencer patungkol sa pinasikat na kanta ng Kapuso star.

Personal namang nakilala na ni Zeinab ang mister ni Marian na si Dingdong Dantes, na game master ng game show na Family Feud sa GMA-7.

"Kay Sir Dong naman, nagkita na po kami sa Family Feud, napakabait. Nakapag-arat na siya sa vlog ko.

"Pero yun nga po, collab ang maganda. Napakaguwapo, napakabait, napakabango," dagdag ni Zeinab.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Avid fan daw talaga siya ng tambalang Dingdong at Marian o DongYan.

"Talaga naman, parang 2019 pa, nagta-tag na ako ng message sa kanya."

Natatawang pambubuko pa ni Zeinab sa sarili, "Silang mag-asawa po talaga. Tapos lahat ng post niya, naka-heart ako.

"Fangirl din po ako. Ako ang number one supporter nila noon, at ilalaban ko hanggang ngayon.

"Naging notebook ko sila."

OPEN TO DO ACTING PROJECT WITH MARIAN

Ayon kay Zeinab, marami na ang nag-aalok sa kanyang pasukin ang pag-aartista.

Ayaw daw niyang magsalita nang patapos, pero okay daw sa kanya ang guest appearances niya bilang siya as a vlogger.

Pero nang tanungin kung bukas siyang gumawa ng pelikula kasama si Marian, mabilis na sagot ni Zeinab, "Kahit extra lang po ako!"

Dugtong pa niya, “Basta movie ni Ate Marian, sasama po ako. Kung may tagapunas ni Ate Yan, okay lang po ako dun.

"Ay, sobrang dream yun kung mangyayari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa raw talaga sila nagkakaroon ng pagkakataong magkita nang personal ni Marian.

"Pero nagkaka-chat na po kami. Sabi niya sa akin, 'See you soon.' Sobrang excited ako sa 'see you soon' na iyon.

"Nahihiya kasi akong mag-aya na, 'Ate, puwede ba tayong magkita?'

"Sana bigyan kami ni God ng chance na ASAP na magtagpo kaming dalawa."

ON PIOLO PASCUAL

Bukod kay Marian, ang isa pang artista na gusto makilala ni Zeinab ay ang Kapamilya heartthrob na si Piolo Pascual.

"Ay, si Piolo!" bulalas ni Zeinab.

"Kasi, nahiya ako, si Sir Piolo, nag-comment siya sa isang TikTok video ko. Nag-comment talaga siya na, 'Arat na!'

"E, kasi, picture ko po ang 'arat na' sa YT channel ko."

Umaasa si Zeinab na one of these days ay makasama niya si Piolo kahit para sa isang endorsement.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
YouTube vlogger Zeinab Harake (left) on Kapuso actress Marian Rivera (right): "Si Ate Yan, si Marian Rivera, nine years old pa lang ako, siya na ang pine-peg ko. Sa ngiti ko, sa galaw ko."
PHOTO/S: @zeinab_harake Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results