Manny Pacquiao does not take attacks on his victory over Marquez personally

by Rommel R. Llanes
Mar 26, 2008
"Wala namang personalan yun. Naiintindihan ko naman sila. Siyempre, lahat tayo may kanya-kanyang comment o suggestion sa bawat isa," says Manny Pacquiao about his detractors who have been casting doubts on his victory over Juan Manuel Marquez last March 16.


Excited na inalam namin mula mismo kay Manny Pacquiao kung ano ang naramdaman niya sa kanyang pinakabagong pagwawagi sa boxing ring.

As we all know, tinalo ni Manny si Juan Manuel Marquez last March 16 sa kanilang pagsasagupa na humantong sa split decision para masungkit ni Pacman ang World Boxing Council Super Featherweight Crown sa Events Center ng Mandalay Bay sa Las Vegas, U.S.A.

"Actually, nung hindi pa naia-announce, naniniwala ako na talagang 100 percent na panalo ako sa fight. Kasi ang alam ko, close fight yung ibang round, ‘tapos ang nagpanalo ang iniisip ko, yung knockdown ko sa kanya, kasi automatic yun sa card, lahat ng judges automatic din yung scorecard.

"So yun yung magiging dahilan para manalo ako."

Maraming nagsabing itong nakaraang laban niya ang pinakamahirap for Manny.

"Sa tingin ko, ito ang isa sa mga pinakamahirap at pinakamadugong laban sa boxing career ko. Kasama na run yung [Erik] Morales na fight. Basta masasabi kong isa sa mga pinkamatinding fight ko," sambit pa ni Pacman.

Continue reading below ↓

Pero ang obserbasyon ng iba, nang matapos ang laban nila, parang nabigla si Manny nang i-announce na siya ang winner.

Bakit ganun ang naging reaction niya?

"Hindi naman ako nabigla, talagang masaya lang ako dahil kumbaga sa ano, naisip ko na pangatlong [weight] division na itong pagiging champion ko, so kumbaga sa ano, record na para sa akin na naipanalo ko yung fight na yun.

"At nung pagkatapos ng twelve rounds wala pang desisyon...yung kasing doktor ko, nakaupo siya sa likod ng mga judges, ‘tapos nakita niya yung resulta na panalo ako by majority decision, nagsenyas siya sa akin, so alam ko na yung decision na panalo ako. So ang ginawa ko, pumunta ako sa corner, nagdasal ako ‘tapos pumunta ako sa kabila, kinamayan ko sila."

REMATCH. Definitely wala nang fight between Marquez and Pacquiao dahil malamang ang WBC lightweight champion na si David Diaz ang susunod niyang makakasagupa.

"Pero kung gusto nilang mag-request [ng rematch with Marquez], walang problema. Ako naman, any time, depende naman ‘yan sa negotiation sa promoter.

Continue reading below ↓

"Ako, boxer lang ako. Ginagawa ko lang yung tungkulin ko sa boxing ring," sabi pa ni Manny.

Pero kung si Manny ang papipiliin ng susunod na makakalaban, sino ang gusto niya; si Marquez ulit, o si Diaz?

"Sa akin, ‘tulad ng sinabi ko, kahit sino naman ang kalaban ko, puwede ako. Pero kung sa akin, siguro mas mabuti siguro mag-Diaz muna kesa mag-Marquez ulit.

"Kasi kung Marquez ulit, masyadong personalan yung laban na ‘yun. Parang may alitan na kaming dalawa nun. Pero wala namang personalan yung trabaho ko.

"Kumbaga I'm just doing my job in the ring, na lagi kong mabigyan ng kasiyahan ang mga tao, ang mga fans.

"Sa akin walang personalan yun. Wala akong tinatanim na sama ng loob, kahit nung first fight namin na nagtabla, imbes na panalo ako. Okey lang, kasama sa game 'yan."

MARQUEZ OR MORALES? Sa laban niya between Morales at Marquez, kanino siya mas nahirapan?

Continue reading below ↓

"Parehong mahirap. Dahil yung fight namin ni Morales talagang bugbugan, ilang buwan akong nag-training nun ‘tapos pagdating ng fight, bugbugan.

"Itong Marquez bugbugan din, ilang buwan din akong nag-training ‘tapos bugbugan din. So parehong mahirap."

MESSAGE TO FANS AND DETRACTORS. Ano ang mensahe ni Manny sa mga supporters niya?

"Sa akin po, maraming salamat sa lahat ng tumulong sa akin. Hindi ko po iniisip yung narating ko ngayon. Hindi ko po nilalagay sa isip ko ‘yan. Hindi ko iniisip na ako ang solo na Asian na nakakuha ng apat ng korona. Ayoko pong ilagay ‘yan [sa ulo ko] dahil ‘pag nilagay ko ‘yan sa isip ko, ‘yan ang makakapagpabago sa pag-uugali ko.

"Ayoko po kasi yung maging mayabang na tao, kahit ano man ang marating. Nakita ninyo naman po hindi ako nagsasalita ng kung ano man. Yung kayabangan, pagdating sa mga interview, kahit na nanalo ako, gusto kong ipakita sa lahat na kahit anong marating natin, kailangan marunong pa rin tayong magpakumbaba. Hindi maging mayabang."

Continue reading below ↓

Ano naman ang mensahe niya sa mga boxing analyst na tumutuligsa sa pagkapanalo niya?

"Wala namang personalan yun. Naiintindihan ko naman sila. Siyempre lahat tayo may kanya-kanyang comment o suggestion sa bawat isa, hindi natin maiiaano ‘yan.

"Ang sa akin lang naman ay suggestion na kung tama ba o mali, ‘yun lang. Hindi ako nagtatanim ng galit o ano man. At least sinasabi lang natin yung totoo."

RETIREMENT. After Diaz, retirement na ba ang kasunod?

"Siguro, masyadong maaga pa para pag-usapan ‘yung pagre-retire ko. Actually, siyempre dinadasal ko din sa Panginoon na...alam mo pinaghandaan ko rin ‘yan. Darating yung araw na magsasabit na ako ng gloves ko, magre-retire na ako. ‘Tsaka ia-announce ko naman sa inyo ‘yan, e.

"Siguro habang malakas pa ako, lalaban pa ako, [habang] nasa boxing pa ‘ko. Pero ‘pag naramdaman ko na medyo humihina na yung katawan ko, siguro it's time na mag-retire na, magsabit na ng gloves.

Continue reading below ↓

"Siguro mga ilang taon pa ang bubunuin natin," pag-iisip pa ni Manny.

Read Next
Read More Stories About
Manny Pacquiao, Erik Morales
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wala namang personalan yun. Naiintindihan ko naman sila. Siyempre, lahat tayo may kanya-kanyang comment o suggestion sa bawat isa," says Manny Pacquiao about his detractors who have been casting doubts on his victory over Juan Manuel Marquez last March 16.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results