Watch Now

Streetboys member Meynard Marcellano stands by Vhong Navarro amid legal battle

by Melba R. Llanera
Sep 22, 2022
Meynard Marcellano on supporting Vhong Navarro and Tanya Bautista-Navarro
Streetboys member Meynard Marcellano (left) on close friend Vhong Navarro: "Gusto lang naming sabihin sa kanya na nandito kami sa likod niya. At hindi lang naman kami kundi pati friends and fans niya, especially yung family din ng bawat group ay naka-support sa kanya. Kakayanin niya ito with our prayers na rin." Seen with Vhong on the right photo is his wife Tanya Bautista.
PHOTO/S: Melba Llanera / @vhongx44 Instagram

Buo ang suporta na ipinagkakaloob ng Streetboys sa embattled comedian-host na si Vhong Navarro.

Ang Streetboys ang '90s dance group kung saan nagsimula si Vhong bago pa ito nakilala bilang komedyante at host ng Kapamilya noontime show na It's Showtime.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Streetboys member na si Meynard Marcellano sa Tiger Winx resto sa Timog Avenue, Quezon City, kagabi, September 21, 2022.

Kasama ni Meynard ang misis nito, pati ang misis ni Vhong na si Tanya Winona Bautista-Navarro na sinusuportahan ng grupo.

Ayon kay Meynard, pamilya ang turingan nila sa grupo at para na silang magkakapatid sa kabila na may kani-kaniya na silang mga buhay at karera sa ngayon.

"Kami, nararamdaman namin ang nararamdaman ni Vhong. Pero at the same time, gusto rin naming maging strong din siya.

"Gusto lang naming sabihin sa kanya na nandito kami sa likod niya. At hindi lang naman kami kundi pati friends and fans niya, especially yung family din ng bawat group ay naka-support sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kakayanin niya ito with our prayers na rin," saad ni Meynard.

Ang "#WeStandWithVhong" movement ay itinatag ng Streetboys at ng kanilang discoverer at manager na si Direk Chito Roño. Suportado ito ng ilang celebrities at netizens.

Nang tanungin ukol dito, sabi ni Meynard, "We just wanted to show our support to Vhong, na naniniwala din kami na mayroon ding mga tao na naniniwala kung ano yung pagkatao niya talaga.

"Sinubukan lang namin and we really, really support him. We are with him, standing with him, and we believe him.

"Ako, yung nasa Singapore, sila Spencer [Reyes] and the rest, full support kami.

"Anuman ang pinagdadaanan ni Vhong, yun din ang pinagdadaanan namin ngayon. Yung suporta namin na ibinibigay namin sa kanya, 1,000 percent."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON REVIVAL OF RAPE ALLEGATIONS AGAINST VHONG

Ikinagulat daw ni Meynard ang pagbaligtad ng Court of Appeals sa desisyon noong ibasura ang rape complaints laban kay Vhong.

Nakabinbin ang motion for reconsideration ng kampo ni Vhong sa Court of Appeals, pero naglabas ang Taguig court ng magkasunod na kasong rape at acts of lasciviousness laban kay Vhong.

"Absolutely [shocked]. Lahat naman nagulat, hindi lang naman ako. Yung typical na tao na kilala si Vhong, nagulat din sila.

"For now, hindi namin talaga alam yung mga pangyayari between 2014 till today kung ano na.

"Hindi naman siya masyadong nagkukuwento sa amin; and gusto lang namin na malaman niya na yung support namin, yung love namin as brothers nandun anuman ang mangyari."

Ano ang reaksiyon ni Meynard sa bashers na pinaparatangan si Vhong na "rapist" at kung anu-ano pang mga masasakit na mga salita?

Depensa ni Meynard kay Vhong: "Ngayon sa social media, lahat puwede mo nang sabihin. Mayroong mga tao kung ano lang ang nasabi, depende lang sa iyo sa pagkatao mo kung ikaw talaga yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kami, magkakakilala kami, kilalang-kilala namin si Vhong. Si Vhong mapagmahal, a good man, caring, sobrang caring niyan, and hindi iyan nawawalan ng kaibigan kasi nga napakagaan.

"Once na makausap mo si Vhong, malalaman mo kung sino siya, kung ano yung nakikita mo sa TV na likeable, may charm, doblehin niyo pa pag nakilala niyo si Vhong."

Hinangaan din daw ni Meynard si Vhong nang magka-heart-to-heart talk sila noon tungkol sa pananalig nila sa Diyos.

"Natuwa nga ako sa kanya kasi nung last kaming nagkausap, we talked about God.

"Dun ako natuwa sa kanya na nasabi niya sa sarili niya na, 'Mula nang naramdaman ko na nandiyan lang si God sa akin, sa side ko,' gumaan yung pakiramdam niya. Siguro na-touch siya.

"Ako rin kasi, nung nag-travel ako sa ibang bansa, wala yung family ko, si God lang din ang kausap ko, and natuwa ako sa kanya.

"Vhong as a friend, hindi ka niya iiwan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON PLAN TO VISIT VHONG

Sa ngayon ay hindi pa nadadalaw ni Meynard si Vhong sa NBI kung saan nakadetine ang aktor.

Sinamahan muna niya ang misis ni Vhong na si Tanya na humarap sa ilang miyembro ng press para ibahagi ang saloobin nito.

Ani Meynard: "Hindi pa, gusto muna naming suportahan si Tanya.

"Kami ngayong nasa labas, kailangan niya ng kaibigan, and we will find time na dalawin si Vhong."

Tukoy pa niya sa supporters ni Vhong, "Nakakatuwa nga, alam nila kung ano ang totoo, hindi kailangang i-explain kasi matatalino ang mga tao ngayon, nagre-research na."

Sa huli ay humingi ng dasal si Meynard para magkaroon ng ibayong tapang si Vhong sa kinahaharap nitong kalbaryo.

"Pray lang tayo, maraming-maraming salamat sa mga suporta, sa mga sumunod sa movement.

"Tuluy-tuloy lang po natin ito and truth will prevail.

"Pag-pray na lang natin si Vhong. Yun ang pinaka-best weapon na magagawa natin sa mga pinagdadaanan ni Vhong na bigyan siya ni Lord ng strength."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Streetboys member Meynard Marcellano (left) on close friend Vhong Navarro: "Gusto lang naming sabihin sa kanya na nandito kami sa likod niya. At hindi lang naman kami kundi pati friends and fans niya, especially yung family din ng bawat group ay naka-support sa kanya. Kakayanin niya ito with our prayers na rin." Seen with Vhong on the right photo is his wife Tanya Bautista.
PHOTO/S: Melba Llanera / @vhongx44 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results