Jameson Blake admitting he used to do drugs: “I’m done with that. I learned a lot.”

by Bernie V. Franco
2 days ago
jameson blake
Jameson Blake on doing done drugs in the past: "Gusto kong mag-explore. I wanted to have fun."
PHOTO/S: YouTube (Ogie Diaz)

Inamin ni Jameson Blake, 25, na naranasan niyang maligaw ng landas bago pumasok sa showbiz at noong nagso-showbiz na siya.

Si Jameson ay produkto ng Pinoy Big Brother: 737 edition noong 2015, at nagtuluy-tuloy siya sa showbiz.

Kasalukuyan siyang napapanood sa Kapamilya primetime series na A Family Affair.

“Dumaan ako sa ganoon when I was in high school. I had a lot of friends…

“Ganoon talaga nag-i-start yung mga ganyan, when you make friends.

“I’ve made a lot of good friends. I also made a lot of friends na pasaway and I joined them," sabi ni Jameson tungkol sa pagkakaroon ng masamang bisyo.

Nagsalita ang aktor sa YouTube vlog ni Ogie Diaz na inilabas nitong Miyerkules, September 21, 2022.

Dala raw ng kanyang kabataan, sumubok si Jameson ng mga bagay-bagay gaya ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

“Sa bisyo, I went through that phase," pag-amin niya.

“I would say na I was a very curious teenager. Gusto kong mag-explore. I wanted to have fun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I wanted to experience something new, na hindi [nararanasan] sa province.”

Gaya ng drugs?

“Yes, taking party drugs. I would say I had my fun,” sabi ni Jameson.

INFLUENCE OF SHOWBIZ

Nagpatuloy raw ang mga bisyong ito nang mag-showbiz siya.

Saad niya, “Oo. Mas na-expose ako nung nasa showbiz na ako.

“Kasi, I’m meeting a lot of people… not sa showbiz, pero I’m meeting outside showbiz also.

“I’ve been meeting different people and there’s a lot of parties.

“It eventually happened,” aniya, pagtukoy sa masamang bisyo.

“I wouldn’t say it’s pressure. I will admit na ako yung may gusto nung una.

“I wanted to try it out. I was just that curious.”

Pero tinalikuran na raw niya ito nang mangyari ang pandemic.

Sabi niya, “I’m done with that. I learned a lot.”

Napagtanto raw ni Jameson na dapat niyang ituon ang atensiyon sa mas mahahalagang bagay. Umaasa rin sa aktor ang kanyang pamilya dahil siya ang breadwinner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“That went on for a while,” sabi ni Jameson nang malihis ang kanyang landas.

“Nung nag-start na yung pandemic, natapos na. I went back to Pampanga.

“Hindi naman nagbagong buhay, pero I changed a lot of my habits.

“I learned from that na I have something way more important to focus on, which is my career and I had to think about that. And also my family since breadwinner din ako sa family."

Naisip daw niyang itigil ang mga bagay na maaaring ikapahamak niya.

Deklarasyon ni Jameson: “I’m happy na I’m out of it. Wala na ako sa phase na iyon.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jameson Blake on doing done drugs in the past: "Gusto kong mag-explore. I wanted to have fun."
PHOTO/S: YouTube (Ogie Diaz)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results