Watch Now

Korina Sanchez asked about rumored split of Heart Evangelista, Chiz Escudero

by Melba R. Llanera
Sep 29, 2022
Korina Sanchez, Heart Evangelista, Senator Chiz Escudero
Korina Sanchez on real status of married couple Heart Evangelista and Senator Chiz Escudero: "Wala akong alam sa mga nangyayari sa kanila. I think in their own time, when they are ready, I'm also ready if they want me as a mouthpiece. So possible if they want to stay private, we have to respect that."
PHOTO/S: Pau Gueverra / Korina Sanchez Facebook

Hindi maiwasang hingan ng opinyon si Korina Sanchez tungkol sa napabalitang hiwalayan umano ng mag-asawang Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero.

Natanong si Korina kung nasa lineup sina Heart at Chiz sa personalities na nais niyang mag-guest sa Korina Interviews, ang bagong show ng veteran broadcaster sa Net25.

Hanggang sa kasalukuyan kasi ay inaabangan ng marami ang totoong estado ng relasyon nina Heart at Chiz.

Ayon kay Korina, "Alam mo, ako ang pinaka hindi pakialamerang babae sa mundo yata.

"As I've told you, I'm not really in the game of competing for who's the most controversial. I tried to be very respectful of people's circumstances.

"Of course, I want to interview them. Possible rin naman na ma-interview ko si Heart na hindi namin pag-uusapan yun kung ayaw niyang pag-usapan.

"I'm really more into—really, totoo ito, ha—sa ngayon I want positivity, kasi kung tapos na, tapos na. Move forward na tayo. Kung masakit, huwag nating pag-usapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi natin kailangang dugtungan iyan para tayo ay bumenta o panoorin. Kasi papanoorin ka pa rin naman ng tao, e.

"Kung ano ang nalalaman nila na sirkumstansiya mo, at kung anuman ang gusto mong pag-usapan, papanoorin ka pa rin naman kahit di na natin kalkalin ang di na natin dapat pakialamanan."

Kung anu't ano man, ang hiling niya ay nasa maayos na kalagayan ang mag-asawa.

"But yes, I really hope that everything is okay with them as a couple, or with them as individuals."

Sabay paglilinaw ni Korina, "Wala akong alam by the way. Wala akong alam sa mga nangyayari sa kanila.

"I think in their own time, when they are ready, I'm also ready if they want me as a mouthpiece.

"So, possible if they want to stay private, we have to respect that.

"Napakarami nang bagay malungkot sa mundo, ayoko nang dumagdag dun. Gusto ko masaya, parang ipagpapalala ka lalo, ano?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agosto nang magkaroon ng espekulasyong tila may pinagdadaanang problema sina Heart at Chiz matapos tanggalin ng Kapuso actress ang apelyido niyang Escudero sa Instagram bio nito.

Pati ang mga pagkakataong hindi raw suot ni Heart ang wedding ring ay nag-iwan ng palaisipan sa netizens.

September 2, 2022 naman nang maglabas si Heart ng vlog kunsaan inamin niyang may iniinda siyang "personal stuff," ngunit hindi niya sinabi kung may kinalaman nga iyon sa isyu.

Hanggang sa kasalukuyan ay walang official statement ang mag-asawa ukol dito.

ON SENATORS ROBIN PADILLA, LOREN LEGARDA

Base pa rin sa virtual mediacon ng Net25, na ginanap noong September 21, 2022, nilinaw ni Korina ang interpretasyon sa isang teaser ng Korina Interviews.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa episode kunsaan nakapanayam niya si Senator Loren Legarda, sinasabing may komento si Korina na si Senator Loren dapat ang nag-No.1 sa Magic 12 ng senators noong 2022 elections.

Baka raw pagsimulan na naman ito ng pamba-bash kay Korina at ikatampo sa kanya ni Robin.

Paliwanag ni Korina, "Let's put that in context. Actually, when I saw the trailer, I told my staff... Ewan ko, hindi siguro nila napalitan.

"Heto, para malinaw ito ha, wala sa konteksto yun. Ang sabi ko kay Loren, at mapapanood niyo ito sa actual interview, ang sabi ko, 'Kung hindi tumakbo si Robin, baka dapat ikaw ang naging No. 1. Pero dahil tumakbo si Robin, naging No. 2 ka. Ano ang masasabi mo sa mga artista na tumatakbo?'

"Yun ang konteksto nun. Hindi ko minamaliit si Robin. Kaibigan ko iyan. Alam na alam ni Robin iyan.

"In fact, iniimbitahan ko pa nga si Robin na isa sa mai-interview natin sa Korina Interviews."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korina Sanchez on real status of married couple Heart Evangelista and Senator Chiz Escudero: "Wala akong alam sa mga nangyayari sa kanila. I think in their own time, when they are ready, I'm also ready if they want me as a mouthpiece. So possible if they want to stay private, we have to respect that."
PHOTO/S: Pau Gueverra / Korina Sanchez Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results