Watch Now

Dina Bonnevie talks about relationship with Coney Reyes and Pauleen Luna

by Jojo Gabinete
Sep 29, 2022
dina bonnevie printed
Dina Bonnevie (in photos) on Pauleen Luna, Vic Sotto's current wife: "We never had the chance to sit down and chat. Sabi nga ni Danica, ‘Gusto nga sana ni Pauleen na maging okay kayo. You know, to talk.’ Sabi ko, parang ang awkward kasi. Ano sana ang topic namin, si Vic?”
PHOTO/S: TV5 Facebook / @dinabonnevie

Reporter’s delight si Dina Bonnevie dahil hindi uso sa kanya ang mga off the record na sagot.

Kapag tinanong si Dina sa mga isyung may kinalaman siya, maaasahang buong tapat ang kanyang mga sagot.

Tulad nang tanungin siya sa media conference ng Kalye Kweens, ang sitcom nila ni Alma Moreno sa TV5, tungkol sa mga babaeng nakarelasyon ng ex-husband niyang si Vic Sotto.

“Before, si Coney kasi talagang magkaibigan kami.

"Pero now, when I see her, hi hello. Hindi pa kami nagkaroon ng chance to sit down and talk," pagtukoy ni Dina sa aktres na si Coney Reyes, former Eat Bulaga! co-host na nakarelasyon ni Vic at ina ng kanyang anak na si Pasig City Mayor Vico Sotto."

Hindi pa rin daw sila nagkakausap nang masinsinan ng current wife ni Vic na si Pauleen Luna.

“Si Pauleen, hindi rin. Nung birthday ni Isaac [bunsong anak nina Oyo Sotto at Kristine Hermosa], parang 'Hi, I’m Pauleen’ although kilala ko na siya

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And then, sabi niya, ‘Hi. Ito yung anak ko, si Tali.’

"Ipinakilala niya lang pero hindi pa kami… we never had the chance to sit down and chat.

“Sabi nga ni Danica, ‘Gusto nga sana ni Pauleen na maging okay kayo. You know, to talk.’

“Sabi ko, parang ang awkward kasi. Ano sana ang topic namin, si Vic?” natawang kuwento ni Dina.

Unang nakilala ni Dina si Pauleen sa guesting niya noon sa The Ryzza Mae Show. At the time, hindi pa kasal sina Pauleen at Vic.

dina bonnevie oyo kristine

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DANICA SOTTO'S THIRD CHILD

Dahil nabanggit na si Danica, ibinalita ni Dina na nakatakdang magsilang ng sanggol na lalake ang panganay na anak nila ni Vic sa January 2023.

Sinabi ni Dina na hindi biglaan ang muling pagbubuntis ni Danica dahil talagang plano ng kanyang anak at ng asawa nitong si Marc Pingris na madagdagan ang kanilang mga supling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung si Dina ang tatanungin, gusto niyang isunod sa kanyang pangalan na Geraldyn — Gerald dahil baby boy at maging pareho ang kaarawan nila (January 27) ng ipinagbubuntis ni Danica.

Ayon sa beteranang aktres, “She’s gonna give birth in January. Sabi ko nga, ka-birthday ko ba?

“Actually, nainggit si Danica. Maraming anak si Tin [Kristine Hermosa, her daughter-in-law] saka si Oyo.

“Sabi niya, ‘Ayoko na ng dalawa ang anak, ang hirap. Tingnan mo kami ni Oyo, dalawa lang kami. Kapag hindi ako available at hindi rin available si Oyo, wala kang kasama. Walang sumasama sa iyo. Walang nag-aasikaso sa iyo.’

“E, nakita niya sa akin, when my dad was sick, lima kaming babae pero ako lang ang nag-alaga sa dad ko. Yung isa kong kapatid, nasa south.

“Sabi niya [Danica], ‘Ang hirap naman ng konti lang yung anak. Ayoko na.’

“Sabi niya, ‘Dapat, Mommy, marami sana kami para marami kaming mag-aalaga sa iyo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, dahil dun, parang nag-ano siya ng ‘I want more kids.’ Kaya lang, ang tagal-tagal na hindi siya nagbubuntis ulit."

Patuloy niya, “Every time na nagpe-pray siya ng ‘Lord, sana mabuntis ako,’ ang nabubuntis si Tin.

“Sabi niya, 'Ano ka ba? Tuwing nagdadasal ako na mabuntis, ikaw ang nabubuntis. Para ka namang kuneho. Palaging ikaw na lang ang nabubuntis.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, ‘Oo nga, Tin, tama na! Ang dami niyo nang anak. Stop na muna.’

“Sabi ni Oyo, ‘Wala na nga kaming ginagawa!’

“'Ano, tumitingin lang kayo sa isa’t isa, biglang nabubuntis dahil lang sa tingin?” natatawa na kuwento ni Dina tungkol sa mga pag-uusap nila ng kanyang mga anak.

Lima na ang anak nina Oyo at Kristine.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dina Bonnevie (in photos) on Pauleen Luna, Vic Sotto's current wife: "We never had the chance to sit down and chat. Sabi nga ni Danica, ‘Gusto nga sana ni Pauleen na maging okay kayo. You know, to talk.’ Sabi ko, parang ang awkward kasi. Ano sana ang topic namin, si Vic?”
PHOTO/S: TV5 Facebook / @dinabonnevie
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results