Watch Now

“Our Lady Heart Evangelista” grants “prayer petition” of the cheated and aggrieved

by Arniel C. Serato
Sep 29, 2022
Our Lady Heart Evangelista TikTok viral video
A TikTok content creator uploads "prayer petition" to "Our Lady Heart Evangelista."
PHOTO/S: Courtesy: @iamhearte on Instagram / @DoctorJonnaCenica

Kinagigiliwan ngayon sa social media ang tila "padasal" ng isang TikTok user para sa mga kinaliwa at iniwanan.

Nitong nakaraang September 27, 2022, in-upload ng content creator na si Jonna Cenica ang isang “prayer petition” kay “Our Lady of Heart Evangelista” para sa mga binalewala ng kanilang mga kabiyak.

Ang aktres na si Heart Evangelista ang tila ginawang "santa" ng TikTok user na "pagdarasalan" ng mga pinagtaksilan.

Mapapanood sa video ang ganitong takbo ng dasal:

“Magtipun-tipon tayo mga kapatid at maghawak-hawak tayo ng kamay.

“Para sa mga magagandang nanampalatayang walang kabit ang asawa nila, Our Lady Heart Evangelista, please pray for us.

“Para sa mga dyosang nagta-trabaho pa kahit milyonaryo na at pinagpalit sa mukhang paa, Our Lady Heart Evangelista, please pray for us.

“Para sa mga nasisi pa kahit yung kabiyak naman nila ang unang nangwalanghiya, Our Lady Heart Evangelista, please pray for us.”

Nagsilbi ring background sa kanyang video ang mukha ni Heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Caption dito: "Sya nawa…#ourladyheartevangelista

"#prayforus #kabitserye #docjonnatalks #docjonnaprays

@doctorjonnacenica Sya nawa… #ourladyheartevangelista #prayforus #kabitserye #docjonnatalks #docjonnaprays ? original sound - Doc Jonna Cenica

Mukha namang napakinggan agad ni “Our Lady Heart Evangelista” ang kanyang petisyon.

Nagulat na komento ni Heart: “Omg !! Prayer granted. [face with tears of joy emoji]”

Tugon ng TikTok user, "Nahimatay ako 3 hours!!!!!! prayer of thanks to Our Lady Evangelista"

Heart Evangelista viral prayer petition

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nataon ang birong ito ng TikTok user sa mga bulung-bulungan ngayon na on the rocks diumano ang pagsasama nina Heart at asawang si Senator Chiz Escudero.

Ang isa raw palatandaan na may sigalot ang dalawa dahil marami ang nakapansing tinanggal ni Heart sa Instagram handle niya ang apelyidong Escudero.

May isang post din siya sa kanyang IG story noong August 8, 2022, na wala siyang suot na wedding ring.

Read: Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero, may tampuhan?

Noong September 2, 2022 naman, inamin ni Heart mismo na may pinagdadaanan siyang “personal stuff.”

Pero sinisikap niyang maging positibo.

Walang direktang sinabi si Heart kung ano ang pinagdadaanan niya, pero makahulugan ang mga salita niya.

Read: Heart Evangelista admits going through "personal struggles": "I am really in a search for just being happy."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A TikTok content creator uploads "prayer petition" to "Our Lady Heart Evangelista."
PHOTO/S: Courtesy: @iamhearte on Instagram / @DoctorJonnaCenica
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results