Watch Now

Barbie Imperial answers mean comments: “Grabe naman makalaspag, teh!”

by Bernie V. Franco
Sep 30, 2022
barbie imperial mean comments
Barbie Imperial fearlessly reads and answers mean comments about her. She even challenged one netizen to directly send her a private message and tell her why she is "malandi" and she will answer back.
PHOTO/S: YouTube (Barbie Imperial)

Hindi inurungan ni Barbie Imperial ang mean comments sa kanya ng ilang netizens.

Matapang niyang sinagot ang mga paratang sa kanya—katulad ng pagiging "malandi," "laspag," at "kabit"sa kanyang September 28, 2022 vlog.

Sa paratang na malandi, sagot ng Kapamilya actress: “Malandi lang talaga ako sa isang tao pag in a relationship ako. Nilalandi ko talaga nang sobra yung boyfriend ko.

“Pero hindi ako malandi. At proud ako sabihin na hindi ako yung babae na agad-agad, kerengkeng agad-agad.

“Hindi ako ganoon.”

Hinamon din ni Barbie ang netizen na nagkomentong “sadyang malandi” siya.

Aniya, “Mag-DM ka sa akin sabihin mo kung bakit ako malandi, ‘tapos magre-reply po ako sa iyo.”

THIRD-PARTY ALLEGATION

May pagkagulat sa boses ni Barbie sa paratang na siya umano ang dahilan ng paghihiwalay nina Carlo Aquino at Trina Candaza.

Paglilinaw ni Barbie, “Last year pa [sila hiwalay]. ‘Tapos nagka-movie kami ni Carlo this year lang.”

Sina Carlo at Barbie ay nag-shoot ng isang pelikula, ang I Love You Lizzy, noong May 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sundot pa ni Barbie sa paratang, “Ako na naman sinisisi niyo.

“Parang yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako, 'no.

“Parang every time na may nagbi-break, ako talaga [ang sinisisi], pero wala namang proof na ako talaga iyon.”

Giit ng aktres: “Hindi nga ako kabit, okay. Hindi.”

BARBIE slams "LASPAG" CLAIM

Bakas na tumaas ang dugo ni Barbie sa paratang na "laspag" siya.

“Grabe naman makalaspag, teh!” sabi ni Barbie, na sinabing pinipigil niyang magmura.

“Laspag talaga?!

“First of all, hindi naman ako laspag, hello! Hindi ako laspag and I’m proud to say that, hello.”

May pahayag din siya sa sundot na komentong wala raw lalaking seseryoso sa kanya.

Sabi niya, “Meron naman, mga first three months seseryosohin naman nila ako. After niyan wala na.”

Hindi na dinagdagan ni Barbie ang sagot niya sa huling paratang na ito.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Imperial fearlessly reads and answers mean comments about her. She even challenged one netizen to directly send her a private message and tell her why she is "malandi" and she will answer back.
PHOTO/S: YouTube (Barbie Imperial)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results