Deniece Cornejo camp seeks immediate transfer of Vhong Navarro to Taguig City Jail

by Arniel C. Serato
Sep 30, 2022
Vhong Navarro detention
Deniece Cornejo (not in photo) camp files manifestation with urgent motion to transfer detention of accused Vhong Navarro (in photo) from National Bureau of Investigation-Security and Management Section (NBI-SMS) to Taguig City Jail.
PHOTO/S: Courtesy: National Bureau of Investigation on Facebook

Naghain ng manifestation with urgent motion ang kampo ni Deniece Cornejo upang kaagad na malipat ng detention cell ang TV host-actor na si Vhong Navarro.

Ang tatlong pahinang petition ay inihain ng mga abogado ni Deniece na sina Howard Calleja at Maria Concepcion Claire Jennifer J. Aquino nitong Huwebes, September 29, 2022, sa Regional Trial Court Branch 69 ng Taguig City.

Bahagi ng nakasaad sa petisyong iniulat ng The Daily Tribune: “Comes now, the complainant Deniece Cornejo, through the undersigned counsel and unto this Honorable Court, respectfully moves for the immediate transfer of the place of detention of the accused from NBI detention center to Taguig City jail.”

Kasalukuyang nakapiit si Vhong sa National Bureau of Investigation-Security and Management Section (NBI-SMS)—matapos itong sumuko sa nasabing ahensiya ng gobyerno nang maglabas ng warrant of arrest ang Taguig Regional Trial Court Branch 69 kaugnay sa rape case na inihain ni Deniece.

Non-bailable ang naturang kaso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Taguig court orders arrest of Vhong Navarro for rape; no bail recommended

Bukod pa rito, naglabas din ng warrant of arrest ang Metropolitan Trial Court, Branch 116 kaugnay naman ng acts of lasciviousness case na isinampa rin ni Deniece.

Read: Vhong Navarro voluntarily surrenders, posts bail for acts of lasciviousness case

Nakasaad din sa petition na ang arresting officer ay kaagad dadalhin ang akusado, sa walang piyansang kasong rape, sa isang malapit na police station o kulungan na walang pagkaantala.

Dagdag pa sa petition, “Furthermore, the only persons who may be detained at the NBI are those arrested for in flagrant delicto.”

Ang ibig sabihin ng "flagrant delicto" ay mga krimeng nahuli sa akto lalo na ang mga seksuwal na pang-aabuso.

Ayon din sa rules and procedures ng Bureau of Jail Management, ang isang akusado ay kailangang idetine sa lugar kung saan inisyu ang warrant.

Saad sa petition: “The accused Ferdinand ‘Vhong’ Navarro will be arraigned in Taguig. Furthermore, the arrest warrant was issued in Taguig. Hence the accused should be detained in Taguig City jail.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“The camp of Cornejo has respectfully asked the court to issue an order directing the proper officer of the NBI detention center to immediately transfer the accused from the NBI detention center to Taguig City jail.”

Wala pang komento ang kampo ni Vhong dito.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Deniece Cornejo (not in photo) camp files manifestation with urgent motion to transfer detention of accused Vhong Navarro (in photo) from National Bureau of Investigation-Security and Management Section (NBI-SMS) to Taguig City Jail.
PHOTO/S: Courtesy: National Bureau of Investigation on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results