Watch Now

Sharon Cuneta snubbed at Hermès store in South Korea

by Khryzztine Joy Baylon
Oct 2, 2022
Sharon Cuneta- Hermes
Based on her latest vlog, Megastar Sharon Cuneta was denied entry into a Hermès boutique shop in Seoul, South Korea for no apparent reason. She then went straight to a Louis Vuitton store where she was warmly welcomed and pampered.
PHOTO/S: Screengrab @Sharon Cuneta YouTube

Usap-usapan ngayon sa social media ang vlog ng actress-singer na si Sharon Cuneta, matapos siyang hindi papasukin sa isang luxury shop sa Seoul, South Korea.

Read: Sharon Cuneta still grieving over Cherie Gil's death: "I feel like about half of me is missing."

Sa latest YouTube vlog ni Sharon na may titulong “MEGA Travels-Seoul Part 3,” ibinahagi ng aktres ang kanyang naging bakasyon kasama ang kanyang mga anak na sina Kakie at Miel at asawang si Kiko Pangilinan.

Read: Judy Ann Santos, Shaina Magdayao, other celebs spotted at Miel Pangilinan's 18th birthday party

Makikita sa kanyang vlog na enjoy na enjoy siya mula sa pagkain, pagbili ng mga K-pop merchandise, at pag-shopping.

Sa kabila ng kanyang masaya at exciting na bakasyon ay hindi nakatakas si Sharon sa mga hindi inaasahang tagpo.

Ito’y matapos siyang hindi papasukin sa isang Hermès boutique shop para sana bumili ng sinturon.

Read: Sharon Cuneta asks for prayers for friend and niece: "I am still in pieces over losing Cherie... Hindi ko na kaya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makikita sa video ang tila pakikipag-usap ni Sharon sa salesman na kalauna’y tumalikod.

“Turned away at the Hermès Store,” makikitang caption sa kanyang vlog.

Dahil sa hindi pagpasok sa kanya ng naturang store ay minabuti ni Sharon na sa Louis Vuitton na lang mamili.

Kasalungat ng naunang store na kaniyang pinuntahan, sa Louis Vuitton ay magiliw na tinanggap at inasikaso si Sharon.

Makikita rin sa vlog na matapos niyang mamili ng gamit sa Louis Vuitton ay binigyan pa siya ng champagne at flowers, bagay na abot-abot na ipinagpasalamat niya.

“I got champagne and flowers! Thank you, Louis Vuitton,” saad ni Sharon.

Read: Sharon Cuneta unveils official light stick for upcoming concert

Matapos mamili ay muling dinaanan ni Sharon ang Hermès store na hindi nagpapasok sa kanya, bitbit ang naglalakihang bag na naglalaman ng mga pinamili niya sa Louis Vuitton.

“No more, I buy everything,” proud na saad ng aktres sa salesman na hindi nagpapasok sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod nito ay ipinakita sa kanyang video ang iconic scene ng pelikulang Pretty Woman, kung saan makikita na matapos mag-shopping ng karakter ni Julia Roberts ay binalikan nito ang saleswoman na nag-discrimate sa kanya sabay sabing “big mistake.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaranas si Sharon ng discrimination.

Noong October 2019, sa isang panayam niya kay Boy Abunda ay inamin ni Sharon na maraming beses na siyang nakaranas ng diskriminasyon sa tuwing napupunta siya sa mga luxury store.

Isa na sa mga tumatak sa kanya ay nung sungitan daw siya ng sales attendant sa isang Cartier boutique sa Hong Kong.

Kuwento niya, “[My outfit] was very simple, shirt lang and jeans. I said, ‘Excuse me. I’m not finished yet!’ I was so angry, there was another sales rep who was very nice, and I ended up buying things I didn’t really need because I was so angry.”

Dagdag pa niya, “Ako, galit ako pag Pilipino, inaapi.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, sa ngayon ay hindi pa sinasabi ni Sharon kung anong dahilan ng hindi pagpasok sa kanya sa Hermès store.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Based on her latest vlog, Megastar Sharon Cuneta was denied entry into a Hermès boutique shop in Seoul, South Korea for no apparent reason. She then went straight to a Louis Vuitton store where she was warmly welcomed and pampered.
PHOTO/S: Screengrab @Sharon Cuneta YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results