Watch Now

Solon bats for mandatory drug testing for celebrities following Dominic Roco’s arrest

by Arniel C. Serato
Oct 2, 2022
Dominic Roco drug charge
Surigao del Norte 2nd District Representative Robert Ace Barbers (left) proposes that celebrities undergo mandatory drug testing before any work engagements in light of actor Dominic Roco's (right) recent arrest: "Alam ko na halos lahat ng ating mga artista ay drug-free o malinis sa usapin ng illegal na droga. Pero meron din na naliligaw ng landas, na gumagamit o minsan nagtutulak pa ng illegal na droga.”
PHOTO/S: Courtesy: Facebook / QCPD

Ipinanukala ni Surigao del Norte 2nd District Representative Robert Ace Barbers ang pagsasagawa ng mandatory drug testing sa mga artista na iniidolo ng publiko, lalo na ng mga kabataan.

Si Barbers ang chairman ng House Committee on Dangerous Drugs sa Kongreso.

Ang panukala ng mambabatas ay kasunod ng pagkahuli ng aktor na si Dominic Roco kahapon, October 1, sa isang buy-bust operation.

Read: Dominic Roco kasama sa limang arestado sa drug buy-bust operation sa Quezon City

Kuwento ni Barbers sa ulat ng ABS-CBN News Online ngayong Linggo, October 2, “Actors, actresses and other movie celebrities should all be drug-free because they are public figures that are being idolized by the public, particularly the Filipino youth.

"They would be setting bad examples if they would be involved in the use of drugs, or worse selling drugs.”

Dagdag pa niya, kahit alam daw niyang karamihan sa mga celebrities ay drug-free, may iilan pa rin sa mga ito ang naliligaw ang landas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ng kongresista, “Alam ko na halos lahat ng ating mga artista ay drug-free o malinis sa usapin ng illegal na droga. Pero meron din na naliligaw ng landas, na gumagamit o minsan nagtutulak pa ng illegal na droga.”

Nanawagan din siya sa pamunuan ng movie at TV industry na tumulong sa pagsawata ng iligal na droga sa bansa.

Dagdag pa niya, "Kaya hinihiling at hinihikayat ko ang hanay ng ating movie industry na tumulong sa kampanya laban sa droga sa pamamagitan ng pag-police ng kanilang ranks at i-subject ang kanilang mga talents sa drug test bago bigyan ng pelikula.”

Nahuli si Dominic ng mga pulis bandang 1:20 a.m. ng madaling araw noong Sabado, October 1, sa drug buy-bust operation sa isang townhouse sa Don Antonio Heights sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Nasamsam sa grupo ni Roco at ng main target na si Reynaldo Sanchez ang labinglimang gramo ng pinaghihinalaang shabu, na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit sa PHP102,000, samantalang PHP14,000 naman ang diumano’y halaga ng sampung gramo ng marijuana na nakumpiska.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Dominic ay anak ng veteran actor na si Bembol Roco, at kakambal naman ni Felix Roco.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang reklamo na isasampa ng Quezon City Police district laban kay Dominic at mga akusado na kinabibilangan ng tatlong lalake at isang babae.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Surigao del Norte 2nd District Representative Robert Ace Barbers (left) proposes that celebrities undergo mandatory drug testing before any work engagements in light of actor Dominic Roco's (right) recent arrest: "Alam ko na halos lahat ng ating mga artista ay drug-free o malinis sa usapin ng illegal na droga. Pero meron din na naliligaw ng landas, na gumagamit o minsan nagtutulak pa ng illegal na droga.”
PHOTO/S: Courtesy: Facebook / QCPD
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results