Watch Now

Sharon Cuneta clarifies luxury store 'snub'; explains strict Covid-19 protocol

by Arniel C. Serato
Oct 2, 2022
Sharon Cuneta hermes experience
Sharon Cuneta on recent Hermès 'snub' in South Korea: "P.S. Don’t feel bad about Hermès not letting me in! Lots, if not all name—brand stores even in the U.S. allow a certain number of people in at a time—sometimes 10 lang, while the others wait in line outside of the store. Lots also ask you to make an appointment."
PHOTO/S: Courtesy: Sharon Cuneta Network on YouTube

Nanawagan si Sharon Cuneta sa kanyang mga tagahanga na huwag sumama ang loob laban sa luxury brand na Hermès dahil may sinusunod lamang daw na panuntunan ang mga tauhan nito.

Ito ay kasunod ng hindi pagpapasok sa kanya ng isang salesman sa isang Hermès boutique shop sa South Korea kamakailan.

Read: Sharon Cuneta snubbed at Hermès store in South Korea

Ayon sa singer-actress, ang mga branded stores daw lalo na sa Amerika ay may tuntuning nagpapapasok lamang ng iilang tao sa kanilang mga shops sa partikular na oras.

Kuwento ni Sharon sa kanyang Instagram post kahapon, October 1—na siyang plugging na rin niya sa viral niyang vlog—ang ibang mga branded stores ay nagse-set pa ng appointment para sa mga kliyente nito.

Ang Hermès ay may appointment scheduling via smart phones.

Hermes appointment scheduling

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento pa niya tungkol sa pamamasyal ng kanilang pamilya sa Seoul, South Korea, “For Part 3 of our Seoul-searching in our recent Korea trip, my family and I spent one Sunday together just enjoying each other's company and looking for good places to eat our favorite Korean food.

“I also love walking around the streets of Seoul so join me as I did a bit of exploring as well.

“Hope you enjoy Part 3 of our Korea trip! Love you all, God bless you [heart emoji]”

Kasunod nito ang apela niya sa netizens tungkol sa pagtanggi ng Hermès na papasukin siya sa kanilang branch sa Seoul.

Aniya, “P.S. Don’t feel bad about Hermès not letting me in! Lots, if not all name—brand stores even in the U.S. allow a certain number of people in at a time—sometimes 10 lang, while the others wait in line outside of the store.

“Lots also ask you to make an appointment. Covid measures nila yan so okay lang. Sayang lang talaga belt lang naman ang balak ko eh kaya ayoko pumapasok sa ibang stores na di ko plano puntahan ang dami kong nakikita eh!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasamang namasyal ni Sharon sa South Korea ang asawang si dating Senador Kiko Pangilinan at mga anak na sina Frankie at Miel Pangilinan.

Kahit hindi pinapasok sa Hermès, makikita namang namili ng maraming gamit si Sharon sa kalapit na Louis Vuitton store doon.

Matapos mamili ay muling dinaanan ni Sharon ang Hermès store na hindi nagpapasok sa kanya, bitbit ang naglalakihang bag na naglalaman ng mga pinamili niya sa Louis Vuitton.

“No more, I buy everything,” proud na sabi pa ng aktres sa Hermès salesman na hindi nagpapasok sa kanya.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta on recent Hermès 'snub' in South Korea: "P.S. Don’t feel bad about Hermès not letting me in! Lots, if not all name—brand stores even in the U.S. allow a certain number of people in at a time—sometimes 10 lang, while the others wait in line outside of the store. Lots also ask you to make an appointment."
PHOTO/S: Courtesy: Sharon Cuneta Network on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results