Watch Now

Joshua Garcia, Bella Racelis spotted holding hands while walking

by Arniel C. Serato
Oct 2, 2022
Joshua Garcia Bella Racelis holding hands while walking
Actor Joshua Garcia and rumored girlfriend Bella Racelis spotted holding hands while walking inside a luxury mall.
PHOTO/S: Courtesy: @yoongi_4evs on Twitter

Si Bella Racelis na nga ba mismo ang tumapos sa pila para sa Kapamilya heartthrob na si Joshua Garcia?

Read: Love after Julia: Succession of women linked to heartthrob Joshua Garcia

Ito marahil ang tanong ng milyong tagahanga ng aktor matapos mag-viral ngayong Linggo, October 2, ang holding-hands-while-walking (HHWW) na litrato ng dalawa.

Sa nasabing larawan, pareho silang naka-mask na puti at shades.

Parang nasa isang luxury mall ang dalawa at bahagyang makikita ang facade ng isang sikat at mamahaling brand.

Sabi ng uploader sa Twitter: joshua garcia and bella racelis holding hands in public???!!!! love it"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Joshua ay prime talent ng ABS-CBN at si Bella naman ay isang content creator na may 1.23 million subscribers sa YouTube.

Ilang buwan na ring nili-link ang dalawa matapos mapansin ng netizens ang madalas na pagla-like at comment ni Joshua sa mga Instagram posts ni Bella.

Nag-iwan din ng palaisipan sa fans ng Kapamilya actor nang itampok nito sa kanyang photography Instagram account ang mga kuha niyang larawan at video kay Bella.

Read: "Tapos na pila"? Joshua Garcia's video of Bella Racelis fuels romance rumor

Si Julia Barretto ang huling nakarelasyon ni Joshua. Taong 2019 nang sila ay maghiwalay matapos ang dalawang taong relasyon.

Read: Julia Barretto, Joshua Garcia confirm two-year relationship

Wala pang post sina Joshua at Bella sa kanilang Instagram ukol rito.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Joshua Garcia and rumored girlfriend Bella Racelis spotted holding hands while walking inside a luxury mall.
PHOTO/S: Courtesy: @yoongi_4evs on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results