Watch Now

Alexa Miro, Sandro Marcos spotted in Singapore for F1 Grand Prix

by Rachelle Siazon
Oct 3, 2022
Alexa Miro and Sandro Marcos at Singapore F1 Grand Prix
Actress Alexa Miro and Ilocos Norte First District Representative Sandro Marcos's sighting in Singapore sparks rumors anew that they are an item.
PHOTO/S: Singapore Grand Prix official website

Confirmed ang pagiging malapit sa isa't isa nina Alexa Miro at Sandro Marcos.

Si Alexa ay newbie actress na kilala sa sexy movie na A Girl And A Guy na dinirek ni Erik Matti.

Si Sandro ay presidential son at nagsisilbing Ilocos Norte first district representative.

Spotted sina Alexa at Sandro na nag-e-enjoy sa kanilang pagdalo sa Singapore F1 Grand Prix noong Sabado, October 1, 2022.

Ginanap ang F1 race at concert event sa Marina Bay Street Circuit sa Singapore.

Sa picture na inilathala ng official website ng Singapore Grand Prix, makikitang nasa VIP area ang dalawa na umiinom ng drinks habang masayang nakikipagkuwentuhan sa kanilang kausap.

Ang main acts para sa concert noong Sabado ay Westlife, Black Eyed Peas, Suede, at TLC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ALEXA AND SANDRO'S "SECRET ROMANCE"?

Hindi ito ang unang pagkakataong nasilayang magkasama ang dalawa.

Noong Hulyo ay namataang sina Alexa at Miro kasama ng kanilang common friends sa isang bar.

Noong oath-taking ni Sandro sa Malacañang noong June 30, 2022 ay nakita si Alexa na dumalo sa pagtitipon.

Hindi maiwasang maugnay sa isa't isa ang dalawa, lalo na nang aksidenteng nabuking ni Lani Mercado si Sandro tungkol sa secret relationship nito.

Nakunan kasi ng video ang conversation nina Lani at Sandro nang magkita sila sa inauguration ni Vice President Sara Duterte sa Davao noong June 19, 2022.

Si Lani ay representative ng Bacoor, Cavite.

Nanuksong sinabi ni Lani na "taga-Bacoor" ang girlfriend ni Sandro—bagay na kinumpirma naman ng binatang kongresista.

Sabay pakiusap ni Sandro kay Lani, "But atin-atin lang iyan, ha."

"Yes, Sir," sagot ni Lani.

Si Alexa Miro ay kilalang taga-Bacoor, Cavite, kaya mabilis na naugnay ng netizens ang aktres kay Sandro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ALEXA AND SANDRO ON RUMORS ABOUT THEM

Pero hindi umaamin sina Alexa at Sandro na magkasintahan sila.

Sa panayam ng PEP.ph kay Alexa noong September 21, 2022, sinabi niya na malapit na magkaibigan lamang sila ni Sandro.

"Ganun pa rin naman, super, super close kami. Nagkakapalagayan ng loob, may tiwala sa isa't isa.

"The same lang sa halos lahat ng magkakaibigan, halos parang girl best friend na niya ako," saad ni Alexa hinggil sa real score sa pagitan nila ni Sandro.

Hindi naman niya itinanggi na na-meet na niya ang pamilya ni Sandro, at inilarawan niyang "very warm at very welcoming" ang First Family sa kanya at sa ibang nakakasalamuha raw ng mga ito.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Alexa Miro and Ilocos Norte First District Representative Sandro Marcos's sighting in Singapore sparks rumors anew that they are an item.
PHOTO/S: Singapore Grand Prix official website
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results