Watch Now

Is Kim Chiu ready to settle down with boyfriend Xian Lim?

by Melba R. Llanera
Oct 3, 2022
Kim Chiu and boyfriend Xian Lim
Kim Chiu on boyfriend Xian Lim: "Mr. Right naman talaga siya. Di naman niya pinapasakit ang ulo ko. Xian is very loyal. Kahit iharap mo siya sa lahat ng mga girls, parang ako pa rin ang maganda."
PHOTO/S: Melba Llanera / @chinitaprincess Instagram

Halos magsa-sampung taon na ang relasyon nila Kim Chiu, 32, at Xian Lim, 33, kaya marami ang nag-aabang kung kailan magle-level up ang relasyon nila.

Lalo pa’t ang iba sa mga kapanabayan nila sa showbiz ay kung hindi man kasal ay engaged na. tila ine-enjoy pa ng dalawa ang relasyon nila bilang magkasintahan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sabi ni Kim, "Napag-uusapan naman namin iyan, basta abangan ninyo na lang.

“Ano pa lang naman kami, 30, 31 years old. Sa day and age sa ngayon masyado pang maaga yun."

Nakapanayam si Kim sa contract renewal niya bilang endorser ng Hairflix, na ginanap sa Vanilla Cafe sa Quezon City noong September 30, 2022.

Sigurado si Kim na ang longtime boyfriend na si Xian ang “Mr. Right” niya.

"Mr. Right naman talaga siya. Di naman niya pinapasakit ang ulo ko.

“Xian is very loyal. Kahit iharap mo siya sa lahat ng mga girls, parang ako pa rin ang maganda,” kumpiyansang sabi ng Kapamilya actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nanatiling Kapamilya si Kim na nasa pangangalaga ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Si Xian, na homegrown star ng ABS-CBN, ay nasa pangangalaga na ng Viva Artists Agency at napapanood na sa GMA-7.

Tinanong namin si Kim kung anu-ano ang advantages at disadvantages na nasa magka-iba silang managament ng boyfriend.

Sagot ng dalaga, "Wala naman. We are both doing our projects individually, separately.

“I think part din ito ng pag-grow namin kung ano yung choice namin in life."

Nakakatrabaho pa rin nila ang isa’t isa. Katunayan ay showing ngayon sa mga sinehan ang pelikulang Always, isang Korean movie adaptation kunsaan nagbalik-tambalan sina Kim at Xian.

Kumusta ang kanilang proyekto?

"Nakakapanibago, of course, kasi parang iba naman siya. And big screen, first time kami makita uli sa big screen.

“Ibang experience working on certain roles na ginagawa namin.

“Nakakapanibago lang, but we're very happy na pinalabas na siya and accepted by people.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saan siya nanibago?

Paliwanag ni Kim, “Nakakapanibago kasi aarte-arte kayo sa harap ng isa't isa. Mga intimate scnes mga ganun.”

Nagpasalamat si Kim sa KimXi fans na talagang sinuportahan ang pelikulang Always.

“Di kami makapaniwala kasi since Wednesday nung nag-showing yung movie, ang dami naming block screenings na pinuntahan from different KimXi [fan groups].

“Minsan yung individual [fan], siya lang mag-isa, gusto niya lang kaming i-block screening.

“Nung Wednesday mayroon kaming eight block screenings, nung Wednesday seven, mayroon din kami till Saturday.

“Nakakatuwa yung suporta nila sa amin. Thank you sa lahat ng mga nanood sa mga sinehan. Nakakatuwa and very thankful naman kami ni Xian."

KIM ON BASHERS

Isa sa mga artistang naging paborito noon na pukulin ng mga pamba-bash, ngayon ay natutunan na ni Kim na balewalain ang haters niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“After Bawal Lumabas, dineadma ko na silang lahat. Parang okay na, immune na ako sa kanilang lahat.

“Napaliguan na nila ako nang bonggang-bongga. Basta mayroon ngayong mga minor comments or ano, wala na yun, okay na.

“Parang ano na lang, ‘Hello.’”

Magmula ng magkaroon ng pandemic, nasundan ng pagkawala ng ABS-CBN sa ere, may nagbukas na mga oportunidad sa digitalworld, at maraming social media influencers ang sumikat.

Para kay Kim, natutunan niyang sumabay sa kung ano ang uso para may presence siya sa lahat ng platforms.

"Ako kasi nasa digital era na tayo, everyone is known, everyone can influence kahit sino so it's a wider range.

“It's more fun, maraming mga options ang mga brands to choose from kaya happy kami as artistas because the brands are choosing us also.

“Yes, kaya humahabol ako sa YouTube, humahabol ako sa TikTok. It's a bigger world for each and everyone.

“Parang puwedeng nasa bahay ka lang ang dami mo ng views so parang ganyan siya…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad pa ni Kim, "It's a different world ngayon than before. Before kasi it's a lot different, parang chill lang, ito lang ang gagawin naming, ganyan.

“Now with different kinds of platforms na mayroon nga, na puwedeng mag-advertise, it's a lot of work to do.

“Iba rin, at least natsa-challenge rin kami as artistas also. Na every time a brand gets us or a brand trusts us, natutuwa kami."

ON HELPING CANCER PATIENTS

Proud naman si Kim na isa sa advocacy ng ineendorso niyang hair product ay mag-donate ng buhok para sa cancer patients.

“Yung cancer patients, di maiiwasan na magkaroon sila ng hair loss and mawalan sila ng confidence sa sarili nila. ‘

“With the help of [this beauty brand], mayroon silang fund for it na mag-donate ng hair. Isang buong buhok talaga na real hair, ibibigay nila sa PGH na mga cancer patients.

“Masaya kami na makita ang mga happy faces ng cancer patients na ginawan nila ng ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu on boyfriend Xian Lim: "Mr. Right naman talaga siya. Di naman niya pinapasakit ang ulo ko. Xian is very loyal. Kahit iharap mo siya sa lahat ng mga girls, parang ako pa rin ang maganda."
PHOTO/S: Melba Llanera / @chinitaprincess Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results