Watch Now

Bb. Pilipinas queens Chelsea Fernandez, Gabby Basiano, Roberta Tamondong feel pressure to win international pageants

by Nikko Tuazon
Oct 3, 2022
Chelsea Fernandez, Gabrielle Basiano, Roberta Tamondong
(L-R) Binibining Pilipinas Globe 2022 Chelsea Fernandez, Binibining Pilipinas Intercontinental 2022 Gabrielle Basiano, and Binibining Pilipinas Grand International 2022 Roberta Tamondong.
PHOTO/S: Binibining Pilipinas / Araneta City

Sunud-sunod na sasabak sa international pageants ang Binibining Pilipinas 2022 queens.

Kasalukuyang nasa Egypt si Bininibining Pilipinas Intercontinental 2022 winner Gabrielle "Gabby" Basiano upang sungkiting ang back-to-back win ng Pilipinas para sa Miss Intercontinental 2022.

Ganun din ang gagawin ni Binibining Pilipinas Globe 2022 winner na si Chelsea Fernandez na siyang lalaban para sa Miss Globe 2022 pageant na kasalukuyang ginaganap sa Albania.

Lilipad naman patungong Thailand si Binibining Pilipinas Grand International 2022 winner na si Ro-An Tamondong upang lumaban at mapanalunan ang kauna-unahang Miss Grand International crown ng bansa.

Noong September 19, 2022, isang grand send-off party ang ginanap sa Novotel, Quezon City para sa tatlong Binibining Pilipinas 2022 winners.

Dito ibinahagi nila ang kanilang naging preparasyon para sa kani-kanilang mga pageant.

CHELSEA FERNADEZ'S ROAD TO MISS GLOBE 2022

Para kay Chelsea, maigi nitong pinaghandaan ang Miss Globe pageant lalo't ito ang kauna-unahang beses niyang sasabak sa isang international beauty pageant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "My mindset right now is the winning mindset. You know, I've been telling you this for how many times already...

"I've been representing Tacloban City for how many years and now, I was given the chance to wear the Philippine sash, hindi ko po sasayangin."

Masasabi naman ni Chelsea na 100 percent ready siya kahit na ilang linggo lang ang kanilang naging paghahanda para sa kani-kanilang international pageants.

Bahagi nito, "And I would say that I'm 100 percent ready because actually, last month, it was a media tour for us so we we're busy with all the different interviews from different media outlets.

"We we're all busy sa media interviews and para kaming na-stop mag-prepare.

"And I promised to myself that once September comes, I will give my 100 percent attention to prepare and give a back-to-back win for the Philippines."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aminado si Chelsea na hindi magiging madali ang maiuwing muli ang Miss Globe crown, ngunit gagawin nito ang kanyang makakaya.

Si Maureen Montagne ang kasalukuyang reigning Miss Globe titleholder at ipapasa nito ang kanyang korona sa October 15, 2022.

"I have to admit this, back-to-back is hard, it's a difficult task.

"However, it is not impossible to achieve it. With all of the hard work and determination, I think, I will definitely achieve this.

"So I hope that in October, I'll be crowned as Miss Globe 2022."

GABBY BASIANO'S ROAD TO MISS INTERCONTINENTAL 2022

Gaya ni Chelsea, ramdam din ni Gabby ang pressure sa pag-uwi nito ng back-to-back crown sa Miss Intercontinental 2022.

Si Cindy Obenita ang kasalukuyang titleholder at ipapasa nito ang pageant title sa bagong winner sa darating na October 14, 2022.

May pressure mang nararamdaman, mas malakas ang paniniwala ni Gabby na kaya nitong mapanalunan ang Miss Intercontinental crown.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "Kagaya nga ng sabi ni Chelsea, it will never be easy. But nobody said that it would be impossible."

Iwas negativity naman ang strategy ni Gabby ngayong lumalaban na siya sa Tirana, Albania, para sa Miss Globe title.

Paliwanag nito, "Yung naka-mindset talaga sa akin is to always thing possitive things because when I was still a candidate, there was a time na napasukan ako ng negative e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And wala siyang nagawang maganda sa akin. So this time, I'll just go with the flow, enjoy the process, and think positive."

Confident din si Gabby na maibibigay nito ang kanyang best performance lalo't matindi rin ang kanyang paghahanda para sa pageant.

"Kagaya din ng sabi ni Chelsea, naging busy kami last month.

"But this month talaga, we've been preparing kaya nag-take din ako ng time talaga off social media para din makapag-prepare ng dapat i-ready.

"And of course, I've already said this before that I'm here to make history.

"And let's go and make history sa Miss Intercontinental and get that back-to-back crown from the Philippines."

RO-AN TAMONDONG FOR MISS GRAND INTERNATIONAL 2022

"I'm super happy to be given this title as Miss Grand Philippines and I'm super happy for both of my sisters aiming for a back-to-back win.

"But, you know, all of our preparations... the day we got crowned was the day we got to work. Every day is a day for us to learn every single day, to learn from our mistakes and turn it into a lesson for us to grow as a person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And that's why there's hindering back for us to aim that back-to-back crown for Egypt, for Albania, and for the first Grand International here in the Philippines.

"So here in Araneta City, like what they said, this is a city of firsts. And tonight, I will tell you by now, I will do the very best that I can to be the first Miss Grand International from the Philippines."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin nagbigay si Ro-An ng detalye ng kanyang mga isusuot para sa Miss Grand International.

Ngunit ibinahagi nito na si Roman Sebastian ang designer ng kanyang national costume.

Aniya, "My natcos is somewhat related to our dreams and hopes of becoming the first queen. So that's one of my hints in my natcos."

Makakaasa raw ang pageant fans na marami pang pasabog si Ro-An sa kanyang social media accounts at sinisimula na niya ang pagpo-post ng mga ito.

"When it comes to pasabogs, I'm giving hints on my social media accounts like, as early as last week, I've been giving hints."

READ MORE:

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Binibining Pilipinas Globe 2022 Chelsea Fernandez, Binibining Pilipinas Intercontinental 2022 Gabrielle Basiano, and Binibining Pilipinas Grand International 2022 Roberta Tamondong.
PHOTO/S: Binibining Pilipinas / Araneta City
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results