Watch Now

Aiko Melendez defends Toni Gonzaga from bashers: “Maging malawak sana ang pag-iisip ng mga tao.”

by Khryzztine Joy Baylon
Oct 3, 2022
Aiko Melendez-Toni Gonzaga-Shopee
Aiko Melendez on bashers blaming Toni Gonzaga for the mass layoff at popular online shopping brand: “Whether we like it or not si Toni is one of top endorsers and kapag siya also ang kinukuha maganda ang sales. Wag na kayo maging divided para sa isang company...Sa Shopee niyo i-call ang attention niyo dahil sila ang nag-alis ng mga empleyado nila and not Toni!”
PHOTO/S: Aiko Melendez/Toni Gonzaga Instagram

Hindi nakapagtimpi ang actress-politician na si Aiko Melendez sa paglabas ng saloobin tungkol sa mga bumabatikos sa actress-TV host na si Toni Gonzaga.

Read: Couples Aiko Melendez-Jay Khonghun, Richard Gomez-Lucy Torres magkasabay nanumpa

Ito’y matapos magkaroon ng kontrobersiya sa pagkuha kay Toni bilang bagong celebrity ambassador ng e-commerce company na Shopee, kasabay ng pagsasagawa ng mass layoff ng kumpanya.

Marami kasing netizens ang umaalma at sinisisi si Toni sa nangyari umanong pagtatanggal ng daan-daang manggagawa ng sikat na online shopping brand.

Read: Pagkuha ng Shopee kay Toni Gonzaga bilang endorser, naging trending topic sa Twitter

Sa pamamagitan ng Facebook post noong October 1, 2022, ibinahagi ni Aiko ang kanyang opinyon tungkol sa nangyaring pagtatanggal ng mga empleyado at pagpapakilala nito kay Toni bilang bagong endorser ng online shopping brand.

Naniniwala si Aiko na "mali ang timing" na ginawa ng nasabing kumpanya, ngunit mali rin daw na kwestiyunin ang istratehiya ng kumpanya na kuning endorser si Toni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mensahe niya (published as is): “Sana mag-stick po tayo na mali ang timing ng ginawa [ng] Shopee sa pag-alis ng mga tauhan nila at pagbabawas. Dahil [hin]di po ito makatao.

“Pero mali naman ang atakihin niyo ang kinuha nilang endorser dahil iba ang political leanings niya.”

Ang tinutukoy ni Aiko ay ang pagsuporta ni Toni noong nakaraang eleksyon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Read: Toni Gonzaga to host daily afternoon talk show on ALLTV

Ayon pa kay Aiko, ang online shopping brand lang ang makakasagot kung bakit si Toni ang kinuha nilang endoser imbes na ibang artista.

“Ang [brand] din lang ang makakaalam na baka kaya kinuha nila si Toni Gonzaga para maisalba also ang sales nila at eventually pag nakabangon sila i-hire back ang mga tao.

“Sana nga ganun ang diskarte nila," dagdag ni Aiko.

Nanawagan din si Aiko sa netizens na huwag ibaling ang sisi kay Toni.

“Whether we like it or not si Toni is one of [the] top endorsers and kapag siya also ang kinukuha maganda ang sales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wag na kayo maging divided para sa isang company.

“Maging malawak sana ang pag-iisip ng mga tao.”

Dagdag pa niya, “Sa [brand] niyo i-call ang attention niyo dahil sila ang nag-alis ng mga empleyado nila and not Toni!”

Read: Willie Revillame at Toni Gonzaga, pinangunahan ang soft launch ng ALLTV

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SHOPEE's STATEMENT

Kaugnay ng isyung ito, naglabas na ng opisyal na pahayag ang Shopee.

Sabi rito, kinuha nila si Toni bilang endorser dahil sa "mass appeal" nito at hindi dahil sa paniniwala nito sa politika.

Narito ang kanilang full statement:

"Shopee is committed to providing its users with an enjoyable shopping experience on the platform.

"We are extending the same level of commitment to our valued users with 10.10 Brands Festival through mas mura brand deals up to 50% off, back-to-back Super Brand Days, and our new brand ambassador Toni Gonzaga.

"Together with our newest Brand Ambassador, Toni, we are working to deliver entertaining content to drive anticipation leading up to the upcoming 10.10 Brands Festival."

Tahimik naman si Toni sa isyu at nag-repost lang ng messages of support sa kanya.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez on bashers blaming Toni Gonzaga for the mass layoff at popular online shopping brand: “Whether we like it or not si Toni is one of top endorsers and kapag siya also ang kinukuha maganda ang sales. Wag na kayo maging divided para sa isang company...Sa Shopee niyo i-call ang attention niyo dahil sila ang nag-alis ng mga empleyado nila and not Toni!”
PHOTO/S: Aiko Melendez/Toni Gonzaga Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results