Watch Now

Are JM de Guzman and Donnalyn Bartolome an item? Donnalyn speaks up

by Khryzztine Joy Baylon
Oct 5, 2022
Donnalyn-JM
JM de Guzman to Donnalyn Bartolome: "Donna may ginintuan kang puso para mabigyan mo ako ng pagkakataon na lumigaya. Hindi pa ako na-sorpresa ng ganito at lubos ang aking ligaya. Napaka buti mong tao. Sobrang swerte siguro ng magiging boyfriend mo."
PHOTO/S: JM de Guzman Instagram

Sa usapang effort, wala na atang makakahigit sa vlogger-actress na si Donnalyn Bartolome.

Read: Donnalyn Bartolome apologizes for baby-themed photo shoot

Ito'y matapos siyang mag-organisa ng isang surprise birthday party para sa kaibigan daw niyang si JM de Guzman.

Read: JM de Guzman remembers the day he went into rehab after drug relapse

Noong September 9, 2022 ay nagdiwang ng ika-34 kaarawan si JM.

Sa pinakabagong vlog sa YouTube ni Donnalyn na may titulong "NILIGAWAN KO SI JM DE GUZMAN! (Shawty yarn!?), na ini-upload noong October 4, 2022, ibinahagi niya kung paano niya pinaghandaan ang pag-sorpresa sa kanyang espesyal at matalik na kaibigan.

Read: Donnalyn Bartolome marks 28th birthday with kanto-themed party

Mula sa pagde-decorate, pagluluto, pag-invite ng mga guests, at paghu-host, tinodo na ni Donnalyn ang kanyang effort para sa kaarawan ni JM.

Dahil dito hindi nakatakas si Donnalyn na tuksuhin ng kanyang mga kasama, na nagsasabing ibang level na ang kanyang effort kay JM.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Depensa naman ni Donnalyn, ma-effort at ma-surprise talaga siyang klase ng tao lalo na pagdating sa mga taong malalapit at espesyal sa kanya.

May nilinaw din siya sa mga tagahanga ni JM.

Aniya, "Girls, wag kayong mag-alala hindi ko dyowa si JM."

Ang birthday surprise daw na inorganisa niya ay daan niya para pasalamatan si JM sa suportang ibinigay nito sa kanyang latest single na "Shawty," kung saan tampok ang aktor sa music video nito.

Read: Donnalyn Bartolome refuses to apologize for kanto-themed party; shows proof of life’s struggles

JM'S BIRTHDAY SURPRISE

Ayon kay Donnalyn, dalawang araw bago ang kaarawan ni JM nang sorpresahin niya ito.

Read: Donnalyn Bartolome thanks Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen for deleting his tweet

Ang alam lang daw ni JM ay iniimbita siya ng isang mayor sa Batangas para maging celebrity guest, ngunit hindi nito alam na ang “Mayor" na nag-invite sa kanya ay walang iba kundi si Donnalyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa tulong ng manager ng aktor at pamilya nito, naisakatuparan ni Donnalyn ang kanyang plano na sorpresahin ang aktor.

Present din sa party ang ilang mga malalapit na tao sa buhay ni JM, maging ang mga iniidolo at paborito nitong mga fliptop artist na sina Loonie, Smugglaz, Anygma, Shehyee, at ang MMA fighter na si Boss Bullet.

"SUWERTE SIGURO NG MAGIGING BOYFRIEND MO"

Hindi naitago ni JM ang kanyang saya at pasasalamat sa lahat ng dumalo sa kanyang kaarawan.

Read: Maja Salvador fangirls over JM de Guzman

Aniya, ito raw ang kauna-unahang pagkakataon na sorpresahin siya at ipadama sa kanya kung gaano siya ka-espesyal.

Saad niya, "Taos-puso, tagos kaluluwa ang pasasalamat ko sa inyong lahat."

Read: Kylie Padilla reacts to third-party allegation involving JM de Guzman

Sa pamamagitan din ng Instagram post nitong Martes, October 4, 2022, ibinahagi ni JM ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa kanyang mga nakasama, kalakip ang ilang kuhang litrato sa kanyang birthday celebration.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Caption niya (published as is), "Salamat sa pagbati sa bumati at babati palamang [heart emoji].

"Ako ay lubos na nagalalak sa mga dumayo sa aking kaarawan.

"Salamat sa bumati at babati palang. di ko inakala na makikita ko ng live mag perform ang aking mga iniidolo na sina @loonieverse @smugglaz.187 @shehyeeongkiko anygyma at boss bullet.

"Kayo ang mga inspirasyon ko at hanga ako sa inyong mga talento."

Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan si Donnalyn—ang may pakana ng kanyang birthday party.

"Donna may ginintuan kang puso para mabigyan mo ako ng pagkakataon na lumigaya.

"Hindi pa ako na-sorpresa ng ganito at lubos ang aking ligaya. Napaka buti mong tao."

Dagdag pa JM, "Sobrang swerte siguro ng magiging boyfriend mo [heart emoji]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NETIZENS REACT

Marami sa kanilang mga fans ang nagpakita ng suporta at hindi napigilang kiligin sa anila'y sweet na relasyon nina JM at Donnalyn.

Read: Barbie Imperial on claim she and JM de Guzman were mere 'fubus': "May emotions yun."

Maliban sa mga birthday greetings, bumuhos din ang kilig at espekulasyon sa comment section ng post ni JM.

Maraming mga netizens ang naintriga at nagdadalawang isip sa relasyon nilang dalawa.

Narito ang ilang comments:

Donnalyn-JM

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Donnalyn-JM

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JM de Guzman to Donnalyn Bartolome: "Donna may ginintuan kang puso para mabigyan mo ako ng pagkakataon na lumigaya. Hindi pa ako na-sorpresa ng ganito at lubos ang aking ligaya. Napaka buti mong tao. Sobrang swerte siguro ng magiging boyfriend mo."
PHOTO/S: JM de Guzman Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results