Watch Now

Vlogger Bella Racelis pens birthday greeting to rumored boyfriend Joshua Garcia

by Khryzztine Joy Baylon
Oct 7, 2022
Joshua-Bella
Joshua Garcia and Bella Racelis just keep fueling dating rumors, how long can they keep it up without confirming or denying anything?
PHOTO/S: Joshua Garcia/Bella Racelis Instagram

Tapos na ba talaga ang pila sa Kapamilya heartthrob na si Joshua Garcia?

Read: Julia Barretto on Joshua Garcia’s rumored romance with Bella Racelis: “Good for the both of them.”

Ito ang paulit-ulit na tanong ng mga tagahanga ng aktor simula nang ma-link ang kanyang pangalan sa YouTube vlogger na si Bella Racelis.

Ngayong Biyernes, October 7, 2022, muling nagliwanag ang espekulasyon ng kanilang mga tagahanga nang i-post ni Bella ang ilang litrato ni Joshua sa kanyang Instagram stories, kalakip ang pagbati sa kaarawan ng aktor.

Ngayong araw ay ipinagdiriwang ni Joshua ang kanyang ika-25 kaarawan.

"Happy Birthday, @garciajoshuae [fish emoji]," simpleng caption ni Bella sa kanyang IG stories.

Joshua-Bella

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Joshua-Bella

Joshua-Bella

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agad din itong ni-reshare ni Joshua sa kanyang Instagram account.

JOSHUA AND BELLA DATING RUMORS

Ilang buwan na rin ang nakararaan nang magsimula ang espekulasyon tungkol sa espesyal na relasyon nina Joshua at Bella nang maispatan silang magkasama sa isang party sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Palaisipan din sa netizens ang madalas na pagpapalitan ng komento ng dalawa sa Instagram.

Read: "Tapos na pila"? Joshua Garcia's video of Bella Racelis fuels romance rumor

Mas lalong umugong ang usapang may relasyon umano sila matapos gawan ng video at itampok ni Joshua si Bella sa kanyang photography Instagram account.

Noong October 2, 2022 naman ay muling nakita ng fans sina Joshua at Bella na magka-holding hands habang naglalakad sa isang mall.

Read: Joshua Garcia, Bella Racelis spotted holding hands while walking

Samantala, maliban kay Bella ay binati rin ni Ria Atayde si Joshua, na dati ring naisyu sa kanya dahil sa pagiging close nila sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Joshua Garcia, Ria Atayde call out fake news about them being an item

Saad niya, "With you, I’ve shared some of the most wonderful memories, and most of them we shouldn’t talk about out loud hahaha."

"Thank you for being a true friend, a great adventure buddy and a no-questions-asked. [heart emoji] love you Choshuwa!"

Dagdag pa niya, "Happy happy birthday, my former rumored boyfriend."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Joshua Garcia twits rumormongers with message for "rumored girlfriend" Ria Atayde

Sa kasalukuyan ay wala pang kumpirmasyon sa tunay na estado ng relasyon nina Joshua at Bella.

Read: Love after Julia: Succession of women linked to heartthrob Joshua Garcia

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Garcia and Bella Racelis just keep fueling dating rumors, how long can they keep it up without confirming or denying anything?
PHOTO/S: Joshua Garcia/Bella Racelis Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results