Watch Now

Vhong Navarro all set to petition court for bail hearing; remains in custody of NBI

by Rachelle Siazon
Oct 12, 2022
Vhong Navarro versus Deniece Cornejo
Vhong Navarro's (left) legal counsel Atty. Marie Glen Abraham Garduque on actor-TV host's rape case filed by Deniece Cornejo (right): "He never loses his faith that in the end the truth will come out."
PHOTO/S: Vhong Navarro Instagram / Deniece Cornejo Facebook

Naninindigan ang kampo ni Vhong Navarro na walang katotohanan ang ibinibintang na rape sa TV host-actor.

Saad ng legal counsel ni Vhong na si Atty. Marie Glen Abraham Garduque, "He remains strong despite all of these.

He never loses his faith that in the end the truth will come out,"

READ: A timeline: Vhong Navarro vs Cedric Lee, Deniece Cornejo legal battle

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ipinaliwanag ng abogada na sa October 13, 2022 nakakasa ang pagdinig para sa petition for bail para makalaya si Vhong.

Titingnan dito kung may sapat na ebidensiya ang complainant na si Deniece Cornejo sa akusasyon nitong hinalay siya ni Vhong noong gabi ng January 17, 2014 sa condo unit ng modelo sa Taguig City.

Sabi ni Atty. Garduque, "Sa hearings ng petition for bail magpiprisinta na ng ebidensiya ang prosekusyon.

"Sila ang may burden to prove that the evidence of guilt of Vhong is strong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pag hindi nila na-prove yun, puwede na makapagpiyansa si Vhong and be released on bail."

Dalawampu't tatlong (23) araw na mula nang maditena si Vhong sa National Bureau of Investigation detention center.

Nais ng kampo ni Deniece na ilipat si Vhong sa Taguig City Jail.

Pero diin ni Atty. Garduque, "Hindi pa ililipat si Vhong sa city jail kasi may pending motion for reconsideration [MR] pa sa order ng court na mailipat siya sa city jail.

"While waiting for said resolution on the MR, Vhong will remain at the NBI."

VHONG NOT ENTERING PLEA AT ARRAIGNMENT

Tinanong din ng PEP.ph ang abogada kung ano ang ibig sabihin ng hindi paghain ng plea ni Vhong sa arraignment kahapon, October 11, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, "Not entering a plea is also tantamount to entering a plea of not guilty.

"Due to pending incidents, the accused may not enter his plea because he knows that a plea of 'not guilty' will still be entered by the court."

Hindi naman na idinetalye ng abogada kung ano ang pending incidents na tinukoy nito.

Si Atty. Garduque ay bagong pasok sa legal team ni Vhong. Siya ay leagl counsel ng ilan pang artista.

“I filed my entry of appearance as collaborating counsel for the defense on the day of the arraignment”.

Sinabi nitong bago niya tinanggap ang kaso ay pinuntahan niya si Vhong para personal na malaman dito ang panig nito.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vhong Navarro's (left) legal counsel Atty. Marie Glen Abraham Garduque on actor-TV host's rape case filed by Deniece Cornejo (right): "He never loses his faith that in the end the truth will come out."
PHOTO/S: Vhong Navarro Instagram / Deniece Cornejo Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results