Gladys Reyes now wishes for baby girl in her second pregnancy

by Ruel J. Mendoza
Mar 29, 2008
"Siyempre, gusto ni Christopher [Roxas, her husband] na boy ulit para may makalaro na ang panganay namin na si Gian. But of course, kung girl, ako naman ang super happy kasi bukod sa kumpleto na kami kasi may boy and girl, may maaayusan na ako, di ba?" says Gladys Reyes.


Baby girl ang ipinagdarasal ni Gladys Reyes, na six-months pregnant ngayon.



Sa press launch ng Tasya Fantasya, kung saan gaganap siya bilang best friend ni Yasmien for a change, masayang ikinuwento ni Gladys ang kanyang excitement dahil magpapa-ultrasound siya para malaman na ang gender ng kanyang ipinagbubuntis.



Kuwento ni Gladys, "Noong unang ultrasound kasi, walang makita. As in flat yung nakikita sa area kung nasaan yung sex organ ng baby. Kaya hindi pa sure kung girl ba ito. Baka raw kasi boy, hindi lang makita nang husto.



"Kaya sa second ultrasound ko, hopefully makita na yung gender niya para mawala na ang suspense naming mag-asawa. Siyempre, gusto ni Christopher [Roxas, her husband] na boy ulit para may makalaro na ang panganay namin na si Gian. But of course, kung girl, ako naman ang super happy kasi bukod sa kumpleto na kami kasi may boy and girl, may maaayusan na ako, di ba?"

Continue reading below ↓



Pero malakas ang pakiramdam ni Gladys na girl ang second baby niya dahil pinangalanan na raw ng panganay nilang si Gian ang magiging kapatid nito.



"Kapag hawak ni Gian ang tiyan ko, tawag niya Akisha. E, di ba, name ng girl ‘yon?" ngiti ni Gladys. "Kaya siguro pati feeling ni Gian, may baby sister na siya. Pero let's wait para mas sigurado. Girl o boy man siya, ang importante ay healthy ang baby namin."



Bukod sa Tasya Fantasya na magsisimula na sa April 6, magsisimula na ng second season si Gladys ng kanyang talk show sa Net 25 na Moments.

Read Next
Read More Stories About
gladys reyes, christopher roxas
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Siyempre, gusto ni Christopher [Roxas, her husband] na boy ulit para may makalaro na ang panganay namin na si Gian. But of course, kung girl, ako naman ang super happy kasi bukod sa kumpleto na kami kasi may boy and girl, may maaayusan na ako, di ba?" says Gladys Reyes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results