Watch Now

Shirley Kuan on Lolit Solis pitting Bea Alonzo against Marian Rivera

by Erwin Santiago Interview by Rachelle Siazon Interview by Erwin Santiago
Oct 15, 2022
shirley bea marian lolit
Shirley Kuan (far left) on attempts by Lolit Solis (far right) to pit Bea Alonzo (second from left) against Marian River (second from right): "“Precisely why we don’t answer that. Gusto niya mag-away yung dalawa... no matter how you answer that, damned if you do, damned if you don’t..."
PHOTO/S: Rommel Llanes / Noel Orsal / Sany Chua / Jerry Olea

Isa-isang sinagot ni Shirley Kuan ang pang-iintriga ng kapwa niya talent manager na si Lolit Solis sa career at personal life ni Bea Alonzo.

Si Shirley ang kinuhang talent manager ni Bea mula nang umalis ang aktres sa bakuran ng ABS-CBN at lumipat ng GMA-7.

Magmula nang mangibang-bakod si Bea sa GMA-7, sunud-sunod na ang pag-atake ni Lolit sa bagong Kapuso actress gamit ang kanyang Instagram account, na sa kasalukuyan ay mayroong mahigit 153,000 followers.

Read: Bea Alonzo's manager Shirley Kuan breaks silence on Lolit Solis "unprovoked attacks" against Bea

Read: Shirley Kuan gets back at Lolit Solis for saying Bea Alonzo is "power tripping"

Sa mga Instagram posts ni Lolit, kapansin-pansing pinagsasabong nito sina Bea at Marian Rivera.

Tila pinalalabas ni Lolit na gustong agawin ni Bea ang trono ni Marian sa GMA-7.

Si Bea ay bagong-salta sa Kapuso Network, ngunit itinuturing na reyna sa kanyang naging tanging homebase, ang Kapamilya Network. Leading lady siya sa maraming romance-drama box-office hits at sa matatagumpay na serye sa telebisyon. Ipinapareha siya sa mga kilalang matinee idols. Habang hindi matawaran ang galing niya sa pag-arte, kinikilala rin siya bilang isa sa pinakamagandang artista sa bansa. Nasa kategorya rin ng A-list celebrity endorsers si Bea.

Si Marian ay itinuturing na Kapuso Primetime Queen at, sa bakuran ng network, ay matagal na panahong walang kahanay. Top billing siya sa kanyang mga pelikula at alaga ng network sa promotional blitz tuwing may serye siya sa prime-time programming. Nakakapili siya ng gagawing romance, comedy, o drama, at malakas ang hataw niya bilang variety-show TV host, kunsaan hindi matatawaran ang kanyang galing sa pagsayaw. Tunay na isa sa pinakamagandang mukha sa showbiz, si Marian ay isa ring A-list celebrity endorser.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mga nakakabasa ng posts ni Lolit, kapansin-pansin kung paano niya iangat at purihin si Marian at kung gaano na lamang nito laitin at punahin si Bea.

lolit solis post

Ayon kay Shirley, ang pagsasabong ni Lolit kina Bea at Marian ang eksaktong dahilan kung bakit matagal na nanahimik ang kanilang kampo.

“Precisely why we don’t answer that. Gusto niya mag-away yung dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi no matter how you answer that, damned if you do, damned if you don’t, e. So... that’s one of those that we chose to ignore.

"Kasi, baka may ma-achieve pa siya [Lolit]. We don’t want her to achieve anything except silence from us, di ba?"

Ito ang naging pahayag ni Shirley sa eksklusibong panayam sa kanya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), nitong Oktubre 10, 2022, sa isang restawran sa Quezon City.

Hindi raw pang-aagaw ng korona at pagrereyna-reynahan ang layunin nila nang lumipat si Bea sa GMA-7.

Sabi ni Shirley tungkol sa pagpirma nila sa Kapuso Network: “Kasi, kami naman, we just signed without thinking na meron kaming aagawin or anything like that because, whatever we say, there will be a reaction to that.

“And, in fact, ang purpose namin the minute we decided we’re gonna sign up with GMA is, ‘Paano kaya natin kakaibiganin lahat? Paano natin ipaparamdam sa lahat that you wanna be friends with them?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi yung, ‘Paano natin ipaparamdam sa lahat na ikaw yung reyna?’

“No. It was not even in the conversation, not even in your thinking. Bakit, di ba?”

Diin pa ni Shirley tungkol sa paglipat ni Bea: “Ikaw yung bago diyan, ikaw ang makisama.

“And she was willing to do that, and she understood it. She understood that there are certain things, certain steps she has to go through.

"Kasi siya yung bagong-salta sa bahay na 'yan. Hindi ka puwedeng magreyna-reynahan diyan. Di ba?

"You can’t. And you don’t do it that way. You don’t plan it that way. It’s totally wrong.”

ON COMPARIng bea WITH JULIA AND REVIVING GHOSTING ISSUE

Isa pang personal na atake ni Lolit laban kay Bea ay ang makailang-ulit na pag-ungkat niya sa sinapit ng relasyon ng aktres sa dati nitong boyfriend na si Gerald Anderson.

Read: Bea Alonzo says no formal breakup with Gerald Anderson

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maliban dito, ikinukumpara ni Lolit si Bea sa bagong girlfriend ng Kapamilya actor na si Julia Barretto.

Bahagi ng Instagram post ni Lolit noong June 28, 2022 (published as is): “Kasi nga ewan ko ba kung bakit hindi na mukhang fresh at yummy si Bea Alonzo, baka dahil narin sa edad niya at lagi ngang nasa isip mo na pinalitan ni Gerald Anderson ng mas batang Julia Barretto kaya tuloy ang lagi mo naiisip, baka dahil old na si Bea at young si Julia kaya na ghosting.”

lolit solis post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagkibit-balikat lamang ito ng manager ni Bea.

Ani Shirley, aka SK: “It’s very personal, so no matter what we say…

“Number one, we trust naman the public. Hindi naman bulag yung public… Maybe the bullies, they choose to be blind and just accuse you of whatever they feel like saying. Di ba?

“I don’t think the public they’re blind. They know how beautiful Bea is, di ba, truth to say.

“Hindi siya lola, you know what I mean? She must have matured and gained a lot of wisdom… everybody goes through that.”

Matapos ay bumuwelta si Shirley na hindi dapat gawing isyu ang edad ng sinuman.

“Bakit, bawal ba? Di ba? Ano, kailangan si Bea forever 16?

"Ganun ba dapat? Sino ba dito ang forever teenager? Di ba? Unless you die, then you’re forever young.

“But, hindi, we go through the process, we mature, we age. Is that a crime?

"Is that what she wants to say? It is a crime to not be young anymore, like 16 forever? Seventeen forever?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Paano mo sasagutin ang bully na ganyan? Di ba? Papatulan mo ba yun?

“I don’t think we wanna go down that level. We will never go down that level.”

Si Bea ay magdiriwang ng kanyang ika-35 kaarawan sa Lunes, October 17.

ALLEGED DEATH THREATS

Sa Instagram posts ni Lolit nitong October 2022, pinaratangan niyang si Bea ang may pakana ng natatanggap niyang death threats sa Instagram.

Ipinakita pa ni Lolit ang screenshots ng mga mensahe ng bashers na galing daw sa fans ni Bea.

lolit solis post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Shirley, dahil sa mga “unprovoked attacks” ni Lolit, totoong galit na galit na ang fans ni Bea. Hindi na raw kataka-taka kung maghayag man sila ng galit kay Lolit.

Pahayag ng talent manager ni Bea: “You know, the truth of the matter is, Bea’s fans and supporters are already so mad.

"We just try our best to calm them down.

“So, I have no control over that.

“… the thing is, the bullies are the biggest cowards, I believe that. Because you want to give punches but you’re too scared to receive punches back.

“Why do I say that? Why did you deactivate your comments section in your IG if you’re not a coward?

“You can give punches, you have to learn to receive it, right? But no, you’re such a coward.

“All these comments are not on her IGs. I’ve been seeing all these comments months and months ago, and no good wishes for her. Nothing. No good wishes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“This is not new, okay? These are people expressing their anger and their frustration over a bully.”

Ito rin daw ang nag-udyok kay Shirley para basagin na ang kanyang pananahimik sa loob ng mahigit isang taon.

Aniya: “...that’s also why I have to speak up, because I owe it to the fans and supporters of Bea.

“They are the ones giving Bea really a lot of fighting spirit about this, and facing all these, and giving her a reason to smile despite being bullied relentlessly with such vile toxicity in her [Lolit's] language... crude and crass.

"You don’t do that."

Hindi rin mawari ni Shirley kung bakit sinusubukan ng isang babaeng katulad ni Lolit na sirain ang kapwa nito babae na wala naman daw ginagawang masama.

“At this age, when we are promoting women supporting women to give women empowerment, a woman who is trying to destroy another woman [who is] just trying to work hard, doing a job that she loves and that she’s dedicated to—what’s the purpose?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“You just want to destroy this woman?

“And when you’re not successful, you become the victim? You change the narrative? And you make people believe that you are the victim?

“That’s really a classic sign of bullies, classic attitude of bullies.

“And again, we do not glorify bullies, and bullying is never okay.”

START-UP PH ROLE

Sa isang Instagram post ni Lolit, sinabi nitong ang puno’t dulo ng isyu nila ni Bea ay nang magkomento si Lolit na hindi bagay kay Bea ang role nito sa Start-Up PH.

Ang Start-Up PH ang Pinoy version ng isang sikat na South Korean drama, na siyang pinakaunang teleserye ni Bea sa GMA-7.

Sabi pa ni Lolit, “Patola ang kampo ni Bea na nag-react” at pinersonal ang tirada niya.

lolit solis post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inalmahan ito ni Shirley.

“Ano ang ni-react? Do you have proof that we reacted?” hamon niya.

“We never reacted. We wanted to but, no, we’re not going there. Di ba?

“So, opinion niya yun, okay? And she wants to keep repeating that until it becomes everybody else’s opinion. But it didn’t happen.

“So, any bully, when you’re not able to convince others to bully this person that you want to discredit despite her just working hard, you know, wala, magagalit talaga.

“Talagang hindi titigil ‘yang bully na ‘yan... You think pag sinabi naming ‘tumigil ka,’ titigil siya? Hindi. No. Hindi.

“So, we will not even go there. Pero at least, kami, ayan ang totoo. At hindi namin papatulan yan, hindi.

“Hayaan na natin. Kasi, baka kaligayahan niya yun, di ba? So, there.

“Pero, siyempre, hindi mo maiaalis, all the fans are really, really reacting already.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shirley Kuan (far left) on attempts by Lolit Solis (far right) to pit Bea Alonzo (second from left) against Marian River (second from right): "“Precisely why we don’t answer that. Gusto niya mag-away yung dalawa... no matter how you answer that, damned if you do, damned if you don’t..."
PHOTO/S: Rommel Llanes / Noel Orsal / Sany Chua / Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results